Six

459 18 0
                                    

Pagkarating sa bahay ay agad na nagbihis ng pambahay na ibinigay ni Olive si Sandy at saka nahahapong ibinagsak ng dalaga ang katawan sa maliit na kama.

Tulalang napatingin siya sa kisame. Saka parang luka lukang tinakpan ang bibig at walang boses na nagtititili.

Tama nga ang sapantaha ko. Kung hindi lang ako tutuksuhin ng dalawang yon ay baka nagtitili na ako kanina. Grabe ang gwapo nga niyang talaga! At kahit maaga pa para aminin ko sa sarili ko, eh I know I'm in love with him. Weird but It's what I felt towards him, -Love. Love at first sight, I think?

Binalikan niya sa isip ang una nilang pagkikita. Hula niya ay nasa anim na talampakan ito at nagmukha siyang napakaliit dahil hanggang balikat lang siya nito. Napakakisig nitong tingnan sa suot na long sleeve na tinupi hanggang siko. Pero mas lalo itong naging hot sa paningin niya nang mabasa niya ito at bumakat ang muscles nito sa damit na suot.

Napakaganda ng katawan nito na hula niya ay dahil sa work out. Napasinghap pa siya kanina nang ngumiti ito. Ang puso niya ay hindi niya makontrol dahil sa mabilis nitong pagtibok. Eksaherada man pero she thinks na ito na ang perfect match niya. Ang gwapo na , ang hot pa!

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Feeling ko I already know him. Perhaps sa nakaraang buhay namin ay fungus ako at healthy plant siya. Haha nakakalukah tong mga pinag-iisip ko. Love love has come my way...Pero hindi yata kami bagay.

Napabalikwas si Sandy, humarap sa tokador at tinitigan ang sarili sa lumang salamin.

Siyempre, mayaman siya. At ako? Isang katulong lamang. Isa siyang prinsipe at ako ay isa lamang dakilang utusan.  Para akong si Cinderella nito. Hay buhay! Siguro ay itatago ko na lamang ang nararamdaman ko para sa kanya. Langit at lupa, tubig at langis, Yon kami.

Bumalik sa kama si Sandy at pinilit na makatulog.

★        ★          ★            ★         ★

Ang ganda ganda niya sa suot na pulang bestida habang naglalakad sa may hardin. Aliw na aliw siya habang pinagmamasdan ang mga sari saring bulaklak nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Hinarap siya nito at kinintalan ng halik sa noo saka sumubsob ang ulo nito sa may leeg niya.

" Mahal na mahal kita. " ani Sandy.

" Mahal na mahal din kita. " sagot ng binata.

Napangiti si Sandy sa narinig pero sabay silang nagulat nang biglang may magsalita.

"  Akala ko ba mahal mo ako? Bakit mo kasama ang lalaking iyan? "

Gulat na gulat siya habang nakatingin sa lalaki, si Dastan. Napatingin siya sa lalaking kayakap niya kanina at napasigaw ang dalaga. Nakangisi ang lalaki habang hawak hawak ang nagpupumiglas na dalaga. Hindi niya kilala ang lalaki na ngayon ay hawak hawak siya. Kanina lang ay si Dastan ang kayakap niya pero bakit naging isa itong halimaw?

Nagsisisigaw si Sandy. Walang nagawa si Olive dahil panay ang sigaw niya kahit anong gising nito sa kanya kaya sinampal siya nito. Hindi pa ito nakuntento at sinabuyan siya ng tubig.

Gulat na napabalikwas si Sandy at nagtatanong ang mata na tiningnan nito si Olive.

" Bago mo ako kalmutin ipaliliwanag ko na sayo na binangungot ka kanina. Panay pa ang sigaw mo ng pangalan ni Señorito Dastan at halimaw. Kailan pa naging halimaw si Señorito, eh ang hot non at ang gwapo pa?. Binabangungot ka friend kaya binuhusan kita ng tubig. Hindi ka kasi magising sa sampal. "

Nahilamos niya ang mga palad sa mukha. Ang sama ng panaginip niya.

" Anong oras na ba Olive? " tanong niya sa kaibigan.

" Alas cinco y media na. Maaga kasi akong nagising, kakalabas ko lang ng banyo nang marinig ko ang sigaw mo. Kung makatili ka para kang kakatayin. "

Inirapan ni Sandy ang kaibigan.

" Ang sama kasi ng panaginip ko. Ang ganda ganda pa naman ng simula. " nakalabing kwento niya.

" At bakit naman nasama si Señorito? Siguro iniisip mo siya kagabi kaya napanaginipan mo no? Aminin....."

Natatawang binato ng unan ni Sandy si Olive saka kinuha ang tuwalya at lumabas ng kwarto.

*         *          *           *          *           *

Sa bahay ng mga Arevalo...

" Uy Sandy gusto mong sumama? " tanong ni Olive sa dalaga.

Nagtaas ng tingin si Sandy mula sa pagkakatalungko.

" Saan ka ba pupunta? "

" Sa kwadra ng mga kabayo. Ako kasi ang inutusan ni Tiyang na maghahatid ng tanghalian nina Señorito. Wala ka naman atang gagawin eh, tara samahan mo muna ako. "

Maganda na kasi ang pakiramdam ni Aling Laura kaya sumama na ito sa kanila.

" Eh baka hanapin ako ni Tiya Laura. " nag-aalangang sagot ni Sandy.

" Ipinagpaalam na kita sa kanya. At ipapakilala ko na rin sayo si Anton. "

Napangiti si Sandy at sumama nga siya kay Olive.

Nilakad lang nila ang papunta sa kwadra. Pagdating ila doon ay lumapit agad sila ni Olive sa apat na lalaki kabilang si Dastan at inayos na ang pananghalian ng mga ito.

" Sumabay na kayo sa amin, Olive. " yaya ng binatang amo.

Sabay na umiling lang ang dalawa.

" Tapos na po kami Señorito. " sagot ni Sandy.     

Panay ang pagkalabit niya kay Olive na busy sa pagpapa-cute kay Anton.

" Ano ba friend, pabayaan mo muna ako. Minsan lang kami magkita ng honeypie ko eh. " bulong ni Olive sa kaibigan.

" Eh pwede bang gumala ng konti? Mamaya pa naman ata sila matatapos eh! "

" Ah may ilog malapit lang dito. Pwede kang tumambay panandalian don at pupuntahan na lang kita kung uuwi na tayo. "

Namilog ang mata ni Sandy. Sinabi sa kanya ni Olive ang direksyon at hindi naman siya naligaw.

Napakalinaw ng tubig at para iyong nag-aanyaya sa kanyang magtampisaw. Noong una ay okay na sa kanyang ibabad lang  ang paa pero hindi pa siya nakuntento, gustong gusto niyang maligo.

Palinga linga sa paligid si Sandy at nang matiyak na walang tao ay hinubad niya ang damit at tanging ang manipis na kamisita lang ang iniwan niya.

Agad na naglunoy ang dalaga. Pabalik balik ang paglangoy niya at nang medyo mapagod ay nag floating na lamang siya.

Yung feeling na may nagmamasid sayo ang nagpamulat kay Sandy at nagpalinga linga siya sa paligid saka nagmamadaling lumapit sa malaking bato na pinagpatungan niya ng kanyang damit.Nagulat siya nang makitang wala doon ang damit niya.  Litong nagpalinga linga uli si Sandy.

" Teka nasaan na ang damit ko? Dito ko lang yon inilagay kanina ah?

-----------------------------------

Sino kaya ang kumuha sa damit ni Sandy? Any guess?

a/n:

While typing this, natatawa talaga ako habang nanonood ng " Your face sounds familiar ". Nakakatawa talaga. Very entertaining yung show haha.

Anyways, ito lang muna ang nakayanan ko hehe (sabay kamot sa ulo ). Bye for now. Haha bye bye.

xoxo

waywardlassiemei

Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon