Gustuhin man ni Yeena na itangging si Dastan ang ama ng ipinagbubuntis niya ay nawala ang isiping iyon lalo na ng sabihin ng doctor na ito nga ang ama ng nasa sinapupunan niya. Napangiti siya nang makita ang labis na tuwa sa mukha ng binata. Sa labis na katuwaan pa nga nito ay niyakap siya ng binata.
" Sabi ko naman sayo di ba? I am the father of this child. " anang binata na hinawakan ang tummy niya.
Ngumiti lang si Yeena. Hinayaan na rin niya ang binata. Dahil sa totoo lang ay masaya siyang nakikitang masaya ito.
" I think you should move in my place. " anang binata nang nasa unit na sila.
" Pero..." natigilan si Yeena na kasalukuyang naglalagay ng sliced cake sa dalawang platito.
" No buts! Dapat maging safe kayo ng baby. And mas mapapanatag ako kung don ka sa bahay titira with me. "
Okay sana yun kung magpapakasal tayo but it would be so awkward. Ano na lang ang iisipin ng mga tao?
" Hindi yata tama ang suggestion mo. Mas safe kami ni baby kung dito lang ako. Ano na lang ang iisipin ng pamilya mo at ng asawa mo. "
" I don't have a wife. And my parents won't mind it, mas matutuwa pa sila na makasama ang Mommy ng magiging apo nila. "
" I thought... " Nakalimutan kong mapapangasawa pala.
" Look Angelina..."
" Yeena na lang. "
" Yeena, alright. Look Yeena, I don't have a girl nor a wife. Nakalimutan mo na bang ikaw ang girlfriend ko? "
Natigilan uli si Yeena. Hindi ba't ikakasal na sila ni Heide?
" Pe-pero iba na ang sitwasyon ngayon Dastan. Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang nangyari ito.
" Hindi ka ba masaya na magiging Mommy ka na? "
" Of course I'm happy. It's a blessing. Pero Hindi pa rin ako papayag na tumira sa bahay mo. "
" Pero..."
" And that's final. " matigas na sabi ng dalaga.
" Alright. You win. " walang magawang at sumusukong turan na lamang ni Dastan.
*****************************
Nagulat pa si Yeena nang pagbuksan ng pinto ang isang babae.
" Sandy! " tili ng babae at walang babalang sinugod siya nito ng yakap.
Gumanti naman ng yakap si Yeena sa dalaga. Saka naman sumulpot si Dastan.
" Ayaw mo kasing tumira sa bahay at ayaw mo ring tumira ako rito so kinuha ko si Olive sa probinsya para maging kasa-kasama mo dito. And don't worry I'll visit often. "
Tumango lang si Yeena. Nang makaalis ang binata ay tinitigan ng dalaga si Olive at niyakap.
" Na-miss kita bruha ka! "
Nagulat si Olive. " Naaalala mo ako? "
