Maagang nagising si Yeena kinabukasan. Napakaganda ng pkiramdam niya. Napanaginipan niya kasi si Dastan at ang baby kuno nila. Pero napalis ang ngiti niya nang maalala ang pagkikita nila kagabi.
Imposible kasing hindi siya makilala ng binata. Tanging ang pananamit lang naman niya ang nagbago. Agad na pumasok siya ng banyo at nag-shower.
Para namang may naalala pa siya habang naglalagay ng conditioner sa buhok. Para kasing totoo yung panaginip niyang hinalikan siya ng binata sa noo.
Nagkibit na lang ng balikat si Yeena saka tinapos ang pagligo. Pagkatapos magbihis ay agad niyang tinungo ang kanyang kusina at magluluto siya ng garlic rice. Favo
rite niya kasi ang garlic. Kasalukuyan siyang naghihiwa ng bawang nang bigla siyang huminto. Parang nababahuan siya sa amoy nito saka biglang nagtatatakbo sa may lababo at sumuka ng sumuka.
" Bakit ang baho ng bawang? Dati eh gustong gusto ko ang amoy non ah?"
Nawalan na ng gana si Yeena na magluto. Nakatakip ang isang kamay sa ilong na itinapon niya ang bawang. Lumapit siya sa ref at naghanap ng gustong kainin.
" Aha! Peanut butter at ketchup. Masarap ipalaman sa slice bread. Gosh! Gutom na ako."
Sarap na sarap ang dalaga habang kumakagat sa sandwich niya na pinalamanan ng peanut butter at ketchup. Agad siyang kumuha ng tomato juice na matagal ng naka stock sa ref at nagsalin sa baso.
" Ang weird! Hindi naman ako umiinom ng tomato juice pero ngayon, daig ko pa ang hindi nakainom ng tubig ng ilang araw sa pag-inom ko. "
Kasalukuyan siyang nag-eenjoy sa kanyang pagkain ng biglang may mag doorbell.
Hawak hawak ang sandwich na binuksan ni Yeena ang pinto.
Sa gulat ng dalaga nang mapagsino ang taongnnasa harapan niya ay nabitawan niya ang sandwich.
Napakunot noo naman ang panauhin nang makita ang palaman ng nasabing sandwich na nahulog.
" What a disgusting sandwich. Ngayon lang ako nakakita ng sandwich na pinaghalo ang peanut butter at ketchup saka ginawang palaman. " medyo nandidiring saad ni Dastan.
Napairap si Yeena saka niluwangan ang pagkakabukas ng pinto.
" Thanks sa paglait ng sandwich ko Mr. Arevalo." anang dalaga saka pinulot ang pagkain at itinapon sa basurahan sa kusina.
Napalibot ang tingin ni Dastan sa kabuuan ng sala.
" So tell me, to whom did you get my address and why are you here? "
" You have a nice taste Ms. Lopez. Are you leaving alone? "
" Answer my question first Mister. "
" Whoa chill. I got your address from your waitress. "
" My waitress? Are you kidding me? "
nangangalaiting tanong ng dalaga. Hindi naman niya maintindihan kung bakit nag-iba ang mood niya.
Parang kanina lang eh tuwang tuwa ka pa dahil sa ganda ng panaginip mo. Why the change of mood?
Napamaang si Dastan. He was caught off guard. Hindi niya alam na may pagkamataray pala si Sand---Angelina.
" What now? Cat got your tongue? "
Napailing na lang si Dastan at parang sumusukong nagtaas ng mga kamay.
" I got your address from the investigator I hired last night! "
" Investigator?! What is this? "
" Look I'm sorry Sandy, I mean Ms. Lopez. But your resemblance to my girlfriend forced me to investigate your whereabouts. "
Natigilan si Yeena pero agad ring na-compose ang sarili.
" Resemblance huh? At sinong niloloko mo?! And what did you call me? Sandy? "
" Yes! My girlfriend's name is Sandy. You really look like her. "
" I don't know what you're talking Mr. Arevalo. " pagkakaila ni Yeena na medyo nahihilo na.
" But---"
" No buts! Please excuse me, I'm not in the mood right now. " anang dalaga na pinagbuksan ng pinto ang binata pero bago pa man makalabas si Dastan ay bigla na lang nawalan ng malay si Yeena.
Mabuti na lang at naging maagap ang binata at nasalo nito ang katawan ng walang malay na dalaga. Agad niya itong dinala sa pinakamalapit na ospital.
Sinalubong naman ng dalawang nurse ng binata na buhat buhat ang walang malay na si Yeena. Agad na inihiga nito sa stretcher ang dalaga at dinala sa loob.
Kanina pa pabalik balik ng lakad si Dastan. Lumapit sa kanya ang isang doctor na kalalabas lang sa kwarto at nakangiting kinamayan siya. Naguguluhan man ay nakipagkamay na rin ang binata.
" Congratulations Mr. Arevalo. You're wife is 6 weeks pregnant. You're going to be a father soon. "
Nalaglag ang panga ng binata.
" P-pregnant? "
" Yes Mr. Arevalo. Ang pagkawalan niya ng malay ay dahil sa kanyang pagbubuntis. Congratulations again. " sabi ng doctor at marahang tinapik sa balikat ang binata.
She's pregnant! I'm going to be a father! Oh God! This is amazing!
Walang pagsidlan sa tuwa si Dastan nang mga oras na iyon. Bakit? Dahil alam naman niyang sa kanya ang ipinagbubuntis ng dalaga. It's been a month and a half nang may mangyari sa kanila ni Sandy. Sigurado siya dahil nang paimbistigahan niya ang pagkatao ng dalaga simula nang makita ang larawan nito sa dyaryo nong gabi ng pagbubukas ng restauant nito ay nagduda na siyang si Sandy at Angelina Lopez ay iisa. Nalaman niya ring ilang buwan itong nawala at nag- coincide naman ang Mga nakalap niyang impormasyon. Simula kasi ng umalis ang dalaga sa probinsya nila ay hindi tumitigil sa paghahanap ang binata.
Galit na galit nga si Heide sa kanya non dahil tumanggi siyang magpakasal sa dalaga. It's been almost two weeks since he saw Angelina's face sa newspaper at alam niya sa sarili na ito ang babaing hinahanap niya.
" Now it's time for me to get what's mine. And I won't take no for an answer. This time, she can't walk away from me. I'm going to get her and my baby. And we'll be a happy family." masayang bulong ng binata sa sarili.
***************************
a/n:
good night na guys! It's already late. 'til next update. Muah!
xoxo
waywardlassiemei