Kanina pa pinapanuod ni Olive ang kaibigan. Tingin niya ay nag eenjoy ng sobra si Sandy sa tubig. Peaceful na peaceful ang mukha nito na nakapikit habang nagflo-floating.
Subalit umiral ang kapilyahan niya at hinanap kung saan inilagay ng kaibigan ang damit nito. Nangingislap ang mga mata niya nang makita ang hinahanap saka nagtago nang mapansing dumilat ang mga mata ng dalaga at palapit sa pinagpatungan nito ng damit.
Parang naiiyak na ang itsura ni Sandy nang makitang wala doon ang damit at panay ang linga nito sa paligid. Hindi na nakatiis si Olive at napabunghalit siya ng tawa habang iwinawagayway ang damit ng kaibigan.
- - - - - -
Inis na nilapitan ni Sandy si Olive na tawa pa rin ng tawa saka binatukan.
" Mapang-asar ka talagang bruha ka! Sinapian ka ba ng kung ano at napagtripan mo akonng babae ka ha? "
Nag-peace sign lang sa kanya si Olive at pigil pigil ang sarili na wag uling matawa ng malakas.
" Ang epic ng mukha mo kanina friend. Sorry na ha? Tara na uwi na tayo. "
" Kakainis ka talaga! Hmp! " nakasimangot na hinablot ni Sandy ang damit saka padabog na nagsuot.
Napapakagat labi naman si Olive hindi dahil sa takot sa kaibigan kundi sa pagpipigil uli na matawa.
" Mamamalengke nga pala tayo sa bayan bukas ha Sandy? At magwi window shopping na rin tayo. "
" Okey! Naku wag mo na ulit akong pagyripan ng ganon ha Olivia? Baka sa susunod eh masabunotan na kita. Akala ko kasi may mangyayaring masama. Baka may masasamang tao na napunta doon at gawan ako ng masama. "
" Oo na friend. Sorry talaga. At saka no worries kasi kina Señorito naman ang bahaging yon at saka hindi basta bastang mapapasok ang lupang pag mamay-ari nila. "
" Eh mabuti na din yong advance at nag-iingat. Naku! Pag ako inatake sa takot at mamatay, mumultuhin kita gaya nina the grudge at sadaku. "
" Eh wag namang ganyan friend! Weakness ko pa naman ang mga multong yon. I-imaginin ko pa lang na gumagapang sila palapit sa akin habang nakatakip ang mahahaba nilang buhok sa mukha, naiihi na ako sa takot. " kinikilabutang umabrisyete pa si Olive sa dalaga.
Natawa naman si Sandy.
Wala ka pala eh! Multo lang pala ang katapat mo. Haha!
~ ~ ~ ~ ~ ~
Kinabukasan mga bandang alas nuebe ng umaga ay lumabas na ng bahay sina Sandy at Olive para mamalengke. Naglalakad lamang sila dahil medyo malayo pa ang kinapaparadahan ng mga jeep at motorsiklo papuntang bayan. Kapag pauwi naman ay sa labas ng gate sila inihahatid ng motor.
Habang naglalakad ay panay ang kwento ni Olive habang nakikinig lamang si Sandy. Tatawa tawa pa sila nang may bumusina sa likuran nila. Isang magarang kotse ang nakita nila.
" Ay anak ng baklang kabayo na may sungay! " gulat na napatili si Sandy. Nahawaan na talaga siya ng venom ni Olive at kung anu ano na lang ang lumalabas sa bibig niya.
" Sumabay na kayo sa akin. " nakangiting yaya ng binata sa dalawa pagkatapos nitong maibaba ang salamin.
Natigagal si Sandy.
Oh my heart! Umayos ka!
" Naku wag na Señorito, malapit na rin naman kami sa sakayan. " tanggi pa ni Sandy nang makabawi.
Pinanlakihan siya ng mga mata ni Olive. Sabay binigyan siya nito ng bakit-ka-tumatanggi-look.
Napangiwi si Sandy. Kung makapagsalita kasi siya ay parang kabisado na niya ng lugar.
" Ay sige po Señorito. Thank you po. Makaka-save pa kami sa pamasahe. Halika na friend. " walang hiyang inakay siya ni Olive at pinasakay sa passenger's seat saka ito pumasok sa likuran.
" Diyan ka friend kasi kung dito ka din uupo, magmumukhang driver natin si Señorito. Kahiya naman sa kanya. Thank you po Señorito ha? Hulog ka ng langit. " -si Olive.
Nahihiya namang umayos ng upo si Sandy. Tumawa ng mahina ang binata saka pinaandar na ang sasakyan.
Hindi mapakali si Sandy kaya kahit gustong gusto niyang titigan na lamang ang binata ay sa labas niya ibinaling ang mukha dahil sa hiya. Baka kung ano pa kasi ang isipin nito kapag nahuli siyang tinititigan ang mukha nito.
" Hindi ka ba nangangalay ha Sandy? " basag ng binata sa katahimikan. Nakatulog kasi si Olive sa likuran dahil napuyat ito sa kaiisip kay Anton kagabi.
" Ah eh ok lang po ako..."
" C'mon hindi pa naman yata ako ganon katanda para popoin mo right? Just call me Dastan. "
" Eh hindi ho ba nakaasiwang tawagin ko kayo sa pangalan niyo? Para ho kasing hindj ko na kayo ginagalang bilang amo ko. " naiilang na sagot niya sa binata.
" Alright, para hindi ka maasiwa, call me Dastan pag walang tao sa paligid. At tawagin mo ako sa usual na tawag mo sa kin pag kaharap ang ibang tao. Do I make myself clear? " nakangiting baling ng binata sa kanya.
Napakurap naman si Sandy saka wala sa sariling tumango.
Oh Lord! Ang papabol talaga nitong mahal ko! Oops! Saan naggaling yong salitang yon?
Natigilan si Sandy at wala sa sariling binatukan ang sarili. Na napansin naman iyon ni Dastan at natawa. Natawa ng hilaw ang dalaga saka bumaling uli sa labas ang tingin niya.
Sumama sa kanila si Dastan na mag grocery matapos nitong puntahan ang isinadya nito sa bayan. Hindi na nagreact ang dalawa at nag just go with the flow na lamang.
Kanina pa naiinis si Sandy habang pilit na inaabot ang isang item na hindi niya maabot abot. Napapadyak pa siya. Namewang ang dalaga saka sinubukan uli itong abutin. Ganon na lang ang gulat niya nang may humawak sa bewang niya at itaas siya kaya naabot na niya ang item.
Naiilang na nagpasalamat si Sandy kay Dastan nang maibaba na siya nito.
Namimilog ang mga mata naman ni Olive na nakatingin sa kanila at walang boses na nagtititili sabay talon ng mahina dahil sa kilig.
" Uy awkward kunyari. Alam ko kinikilig yan." mahinang tukso nito kay Sandy nang makalapit ang dalaga saka inilagay nito ang item sa cart.
" Magtigil ka nga diyan Olivia. Isa pa at makukurot na kita sa singit. "
" Uy si Tiyang Laura ang peg. Asus aminin mo na, mamaya niyan sumabog ka na lang diyan dahil sa kilig. " saka natatawang lumayo ito sabay hila sa cart at binelatan siya.
Napapailing naman si Sandy sa kakenkoyan ng kaibigan. Pero sa loob niya gustong gusto na niyang magwala dahil sa kilig.
‰ ‰ ‰ ‰ ‰ ‰ ‰
a/n:
Hello I'm back! Nakakalukah lang. Kung maka I'm back parang hindi nakatikim ng sermon sa boss haha.
Anyways may advantage naman iyon para ma aware ako next time.
Okay so sana nagustuhan niyo ang update na itech. Nililibang ko ang sarili ko ngayon para aliwin ang sarili. Teka? Yon naman talaga diba? Ay ano ba yan! Okay friends, chums and pals....Please enjoy reading and feel free to comment and criticize. Sorry sa Mga typhos , grammars and errors ko sa Mga naunang parts, tinamad kasi akong mag edit.peace!
So yon nga, hope you like what I did.
Next update uli. Toodles! Muah!
xoxo
waywardlassiemei
