Nabigla si Sandy nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Kasalukuyan kasi siyang nagdidilig ng mga bulaklak sa may hardin.
" Sorry if I frightened you sweetheart. " ani Dastan saka hinalikan siya sa labi.
Namula ang mukha ni Sandy saka hinampas ng mahina sa dibdib ang binata.
" Ano ka ba...baka may makakita sa 'tin." saway niya sa binata.
" So what? I love you and you love me, that's all that matters. Don't tell me ikinakahiya mo ako? "
" N-naku hindi ah! Pero kasi...alangan yata eh. A-alam mo na? Amo kita, kasambahay mo ako..." napayuko si Sandy.
" Sandy...." hinawakan ni Dastan ang mukha ni Sandy at iniharap.
" Wala akong pakialam kung kasambahay o katulong kita. Ang mahalaga ay nagkakaunawaan tayo. I love you no matter who you are. Ikaw ba? Mahal mo ba talaga ako? "
Napatango si Sandy.
" C'mon, say it. "
" Oo mahal kita. "
Ngumiti si Dastan. " Yon naman pala eh. Wag mo nang intindihin ang iisipin ng iba. Ang mahalaga eh tanggap kita kung ano ka. Kahit na magparada pa ang mga mayayaman at naggagandahang babae sa harap ko, wala pa rin sila sayo. Kasi ikaw ang mahal ko. "
Napangiti si Sandy. " Binobola mo naman ako eh! "
" You look more beautiful. Do that often. Keep smiling. "
Kinikilig na hinampas ni Sandy ang binata. Natatawa naman siyang niyakap ng binata.
" Ay Sandy my friend napansin mo ba yung a--- ay!"
Gulat na biglang naghiwalay sina Sandy at Dastan. Napatakip naman sa bibig si Olive. Saka nagpalipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa ng binata.
" I'll go ahead Sandy. " pagpapaalam ni Dastan sa dalaga.
Nahihiyang tumango lang si Sandy. Sinundan pa niya ng tingin ang papalayong binata.
" Hoy Sandy! "
Napatalon sa gulat ang dalaga nang bigla siyang hampasin sa braso ni Olive.
" Ano ba! Ba't ka ba nanggugulat? "
" Like hello?! Kanina pa kaya kita tinatawag eh hindi ka naman nakikinig. Sabihin mo nga sa akin...umamin ka okey? "
" Eh... a-ano ba yun? " kinakabahang tanong ng dalaga.
" Ano yung nakita ko kanina? "
" Alin? May nakita ka bang laman lupa? "
" Heh! Wag mo kong linlangin! Akala mo hindi ko kayo nakita kanina? "
" N-nakita mo talaga yun? Ibig mong sabihin...narinig mo kami? "
" Oo kitang kita ng dalawang mata ko kanina. Nililigawan ka ba ni Señorito? "
" Ha? Akala ko ba narinig mo lahat? "
" Eh hindi lahat. Ang narinig ko lang eh " You look more beautiful. Do that often.Keep on smiling." panggagaya pa ni Olive.
Nanlaki ang mata ni Sandy.
" Ano ba, ba't ayaw mong magsalita? Akala ko pa naman aamin ka na talaga. Eh hindi ko naman talaga nakita at narinig lahat. Baka sakali lang na you know... You can count on me like 123...I'm your friend you know. "
Napabuga ng hangin si Sandy.
" Okey sige na aamin na ako."
" Talaga? So, nililigawan ka ni Dastan? O kayo na? Dali na! "
" Yung ano...pangalawa." nahihiyang sagot ng dalaga.
" Oh my God! Oh my God! Kayo na! Ang galing! " napapatalon pa si Olive.
Natatawang sinaway ni Sandy ang kaibigan. " Hoy baka marinig ka! Nakakahiya! "
" Eh ano? At least totoo. Mamatay sila sa inggit. "
" Sira. Ano ba kasing hinahanap mo? "
" Hehe wala naman talaga akong hinahanap. Gusto ko lang kayong gulatin. Gulat na gulat naman kayong naghiwalay mula sa yakapan scene niyo."
Nanlaki ang mata ni Sandy.
" Akala ko ba wala kang nakita? Ahhh! Nakakaluka ka talagang bruha ka! " saka hinabol niya si Olive para kurutin.
***************************
Abala si Sandy sa pagpupunas ng mga kasangkapan sa salas nang mag-ring ang telepono.
" Arevalo Residence. Good afternoon. "
" Can I speak to Dastan? " maarteng tanong ng boses babae sa kabilang linya.
" A-ah sandali lng po Ms..."
" It's Heide. Dastan's girlfriend. Could you please hurry? "naiinip na sabi ng babae.
Natigilan si Sandy. Sakto namang kakababa ni Dastan ng hagdan at nagtanong kung sino ang tumatawag.
Agad na lumapit ang binata nang marinig ang pangalan ng nasa kabilang linya. Nakangiti pa itong kinuha sa kanya ang telepono.
" Well hello my dear! How are you? "
Napasimangot si Sandy sa narinig.
My dear? So maliban sa akin may mga babae pa siyang binibigyan ng endearment? Ano 'to lukuhan?
" Of course I've miss you! "natatawang sagot pa ng binata na bahagya lang siyang sinulyapan.
Naningkit ang mga mata ni Sandy.
Sino ba kasi ang babaeng yon? Kung maka- I miss you naman tong lalaking 'to.
" Oh yeah ! Yes! Yes! I love you too. "
Nagpanting ang tenga ng dalaga sa narinig at walang lingong likod na umalis. Hindi na niya napansin ang ngiting iyon ng binata habang nakasunod ang tingin sa papalayong dalaga.
*****************************
a/n:
Whoa! Pahinga muna ako hehe.
Tsaka tawang tawa talaga ako sa "Your face sounds familiar" lalo na kay Melai Cantiveros Francisco a.k.a Britney Spears. Kapag naka side view kasi siya parang si Redford White haha. Pero ang galing niya, sobra! Nakaka-goodvibes!
So ano...thanks for reading for those who read this part. Sensya na uli ha.
Good night!
xoxo
waywardlassiemei