Pagkatapos mananghalian ay isinama sa itaas ni Olive si Sandy
para maglinis. Ayaw sana siyang patulungin ng dalaga pero nagpumilit siya kaya pinabayaan na lamang siya nito.
Ang kwarto sa dulo ang pinalinisan sa kanya ni Olive, ang kwarto ni Dastan.
Malaki ang kwarto na pinasukan niya. Sa kulay pa lang ng pintura at mga gamit ay alam na niyang lalaki ang may ari ng kwarto. Maliban sa king size bed ay meron ding malaking sofa sa kwarto, walk in closet, malaking tv at dvd. Umupo siya sa kama at napatingin sa bedside table. May nakapatong doong picture frame ng isang babae at lalaki na magkaakbay. Napangiti si Sandy. Kilala niya ang babae sa frame, si Leanna.
" Nakz naman, ang sweet pala nilang magkapatid. Instead na picture ng kanyang girlfriend ay picture nilang dalawang magkapatid ang nasa kwarto niya. "
Pinagmasdan niya ang lalaki sa picture.
" Siya pala si Señorito Dastan. Ang gwapo pala! Drop dead gorgeous! Tall, dark and sooo hot! Yummyness overload! " napahahikgik si Sandy. Hindi pa man niya nakikita sa personal ang binata ay pinagnanasaan na niya ito. Ano na lang kaya kung makita niya ito in flesh? Baka malaglag pa ang panty niya.
Pumasok ang dalaga sa banyo at namangha. " Ang laki naman ng banyo nato. Isang buong kwarto na ang laki nito ah? At ang ganda pa! Wow may jacuzzi din! Ang gara talaga. Grabe sila na ang mayaman! " napapalatak sa sarili ang dalaga.
Lumabas pa siya sa terrace at lumanghap ng sariwang hangin. Pagkatapos maglibot sa loob ng kwarto ay nagsimula na siyang maglinis. Medyo natagalan din siya dahil pinalitan pa niya ang mga kurtina, punda at kobrekama.
Nagulat pa siya nang biglang bumukas ang pinto at iluwa noon si Olive.
" Wow friend! Ang ganda! "
" Hindi kaya ako mapagalitan ng Señorito if ever na umuwi yon dito kasi pinakialaman ko ang kwarto niya? "
" I don't think so. Ang ganda kaya nang pagkakaayos mo! "
" Ay ha? Napaghahalataan na kita, palagi mo na lang akong binobola. Baka tumalbog na ako. Mamaya niyan, mapagalitan ka kasi hindi niya magugustuhan ang ganitong ayos. " napapangiwing saad ni Sandy.
" Ang nega mo naman eh! Baka pasalamatan pa nga ako no'n ! At saka mabait naman si Señorito Dastan kahit na masungit at tahimik yon. And I'm sure magugustuhan niya ang bagong ayos nitong kwarto niya. "
" Oo na, bolera ka talaga! "
" Eh I'm just stating the fact lang naman. Tara na nga sa kusina at naghanda ng meryenda si Tiya Laura. "
" Uy tamang tama! Nagutom na ako."
" Gagi! Sinong di gugutumin sa ginawa mo? Iniba mo ba naman ng ayos nitong kwarto? Halika na nga."
* * * * * * * *
Panay ang pagbibida ni Olive sa tiyahen habang nagmemeryenda sila. Natatawa na lamang si Sandy sa kakulitan ng kaibigan. Mga alas saiz y media ng gabi ay gumayak na sila pauwi. Naglakad lang sila dahil pwede lang namang lakarin ang sa kanila mula sa bahay ng mga Arevalo.
Tapos na silang maghapunan sa malaking bahay kaya hindi na sila nagluto pa ngbhapunan. Nagkukwentuhan naman sina Olive at Sandy sa may sala habang nauna ng nagpahinga si Aling Laura sa kwarto nito.
Hindi naman kalakihan ang bahay ng tiyahen ni Olive, sakto lamang. Minana pa daw nito sa mga magulang ang bahay na konkreto naman. Bunso kasi si Aling Laura at panganay naman ang ama ni Olive.
Ulilang lubos na ang dalaga nang magkasunod na mamatay ang mga magulang nito noong ito ay siyam na taon pa lamang. At tanging si Aling Laura na lamang ang natitirang pamilya nito kaya kinupkop ito ng tiyahen at pinag-aral hanggang high school. Hindi na rin nagpumilit si Olive na magkolehiyo dahil alam niyang napakamahal ng pang matrikula at may edad na rin si Aling Laura. Hindi na rin ito nag-asawang muli maapos mabigo sa dating asawa.
" Eh nasaan na yong dati niyang asawa ? "
" Ayon dedo na. Hindi kasi sila nagkaanak ni Tiyang kaya iniwan ng asawa niya at yon sumakabilang bahay pero wala, lasenggero kasi kaya namatay sa sakit sa atay. "
" Ilang taon ka na ba ha Olive? "
" Nineteen na ako. "
" May boyfriend ka na ba? "
Nangislap ang mata ni Olive at parang engot na nangalumbaba. " Meron, si Anton. Anak ni Mang Gardo. "
" Alam ba yan ni Tiya Laura ha Olive? "
" He he he! Hindi eh! At saka hindi pa niya kasi ako nililigawan. "
Napakunot noo si Sandy. " Ano? Ang gulo mo naman eh! Akala ko ba boyfriend mo si Anton? "
" Oo boyfriend ko nga siya pero hindi pa niya alam. " ani Olive na humagikgik pa.
Napakamot sa ulo si Sandy. " Kalukah ka naman eh!So assuming pala ang peg mo, ganon? "
" Ay naku hindi ako nag-aassume. I'm just telling the truth and nothing but the truth. "
" Ewan ko sayo, ang labo mong kausap. Pero ang galing mong mag english! At ang ganda pa! "
" Ay naku ha? Ako na naman ang binola mo. Nahawa ka na sa 'kin pero in fairness friend, pareho tayong beauty. "
" Agree ako diyan! Kaya apir. "
Marami pa silang napagkwentuhan ni Olive hanggang sa dalawin sila ng antok.
Kinabukasan ay hindi nakasama si Aling Laura sa dalawa sa malaking bahay dahil dinalahit na naman ito ng ubo.
Kasalukuyang nasa may hardin si Sandy. Aliw na aliw siya habang nagdidilig ng mga bulaklak. Kinakausap pa niya ang mga ito na parang tao. Hawak hawak ang hose na pakanta kanta pa siya ng " Style " ni Taylor Swift.
" Beautifol voice. "
" Ay kabayong butiki! "
Nagulat ang dalaga nang may biglang nagsalita sa likuran niya. Huli na nang mapagtanto niyang nakaumang sa isang gwapong lalaki ang hose at nabasa niya ito.
" Damn! "
" Naku po! "Natutop ni Sandy ang bibig pagkatapos bitawan ang hose.
Naningkit ang mata ng gwapong binata at tiningnan ang sarili na basang basa na ang pang itaas.
" N-naku pasensya na...Hindi ko sinasadyang basain ka! "
" It's alright! " anito saka hinubad ang nabasang damit.
Oh my God! Ang abs ! I need pamaypay! Oh Diyos ko! Nagkakasala ako!
Hindi lang yata ang panty niya ang nalaglag, pati matris! Napatalikod ng di oras si Sandy nang mahubad na nito ng tuluyan ang damit.
★ ★ ★ ★ ★
Ayan na! Sino kaya ang gwapong lalaki na naghubad sa harapan ni Sandy? Abangan ang next update.
a/n:
Hello friends! Hope you enjoyed reading. Sensya na, yan lang nakayanan ko pero promise! Sa next update ko eh gagalingan ko pa.
Feel free to comment and critisize. Thanks!
xoxo
waywardlass
