Fifteen

309 15 0
                                    


Napangiti si Yeena ng makitang puno na naman ang restaurant niya. Simula kasi ng magbukas sila ay hindi sila nawawalan ng mga customers. Bukod kasi sa napakasarap at unique na taste ng Mga pagkaing nasa menu ay affordable din at sulit. Kasalukuyang nage-entertain ng mga customers si Yeena sa isang table nang bigla siyang tawagin ng isang waitress.

" Ma'am Yeena, may customers po na gusto kayong makausap. Nasa table 16 po. " imporma ng waitress niyang si Mau.

Napatango si Yeena at nakangiting lumapit sa table na sinabi nito.

" Hell Ma'am, Sir are you enjoying your food? "

Napangiti naman ang ginang nang tingnan si Yeena.

Am I dreaming? T-this can't be!

" Oh we did Ms. Lopez. The food is so amazing. Muy deliciouso! "

Napangiti naman si Yeena at nagpasalamat sa sinabi ng ginang  lalo pa at sinegundahan iyon ng asawa nito.

" By the way, I'm Amelia Arevalo and this is my husband Rafael. We've heard about this newly-opened restaurant of yours and did a try, and I found it so amazing darling. And I was surprised that at young age ay nakapagbukas ka ng ganito ka successful na business. "

" Marami pong salamat sa papuri niyo Mrs. Arevalo. And it's an honor to met you. "

" You can call me Tita Amy hija. And should I call you Angelina? "

" Of course T-tita. "

Napangiti si Amelia at palihim nitong kinindatan ang asawa.

" I'm sorry Mom, Dad for keep you waiting. "

Sabay na napalingon sina Yeena sa bagong dating.

Dastan!

Biglang tumalikod si Yeena.

" It's okay son, actually we've enjoyed talking to a beautiful miss right here. " nakangiting sagot ni Rafael sa anak.

" Angelina? " tawag ni Amelia sa nakatalikod na dalaga.

Shit! Patay na! Act natural Yeena. Act like you don't know him.

Napabuga ng hangin si Yeena at nakangiting humarap sa mga ito.

" Son, we would like you to meet, Angelina Lopez, the owner of this fabulous restaurant. "

Maang na napatingin si Dastan sa dalaga.

" A-angelina!? Really? The famous young entrepreneur. It's nice to met you. " saka ngumiti ang binata.

Turn naman ni Yeena na magulat.
Teka bakit parang hindi naman niya ako nakilala?

" The pleasure is mine Mr. Arevalo. Paano po Tita Amy, maiwan ko muna kayo. "

" Sure hija. Thank you uli sa pag-entertain sa min. "

Tipid na ngumiti si Yeena at tumalikod sa mga ito.

****************************

" She's amazing son. I like her. " ani Amelia sa anak habang sumisimsim ng red wine sa kopita nito.

" Why not pursue her son. I think she's for keeps. She's any mens dream. " sabi pa ni Rafael kay Dastan na hindi pa rin umiimik.

Of course she won't remember me. She had an amnesia. She totally forgot everything about us.

" Mom, Dad... She's the woman I'm talking about one month ago. "

Nanlaki ang mga mata ni Amelia.

" How come she didn't recognize you son? "

" She had an amnesia, that's what Olive told me after she left that day. Nakita daw nila si Sandy---Angelina rather na walang malay sa gilid ng daan. Nang magising daw siya ay hindi na ito nakakaalala. We've met and fall in love and you know the rest is history. "

" Aw son, looks like you found your mate but you mustn't hurry. You might scare the hell out of her. Start it with a friendship. "

" And I can help you for that matter. Trust me honey." ani Amelia na kinindatan pa ang anak.

*******-****-**************

Tulala si Yeena  hanggang sa pag-uwi. Nagulat talaga siya nang makita ang mga magulang ng binata pero mas lalo siyang nagulat nang makita ito at makaharap.

Small world, nakalimutan niyang dito talaga sa Manila namamalagi ang binata at ang parents nito.

Agad niyang binuksan ang kanyang condo at ibinagsak ang sarili sa couch.

Hindi niya ba talaga ako nakilala o sadyang ayaw niya akong kilalanin lalo pa at sa harap ng mga magulang niya? Siguro ay natauhan na siya at kinalimutan na lang ako ng ganon kadali. Well sino nga ba naman ako? Isa lang naman akong katulong na agad na pumatol sa kanya noon. One of his women.

Ang sakit lang isipin na agad agad niya akong nakalimutan samantalang ako ay halos mamatay sa lungkot at pangungulila sa kanya.

Nakatulugan na lamang ng dalaga ang pag-iisip habang may luha sa kanyang Mga mata.

Yeena couldn't seem to get off her eyes of them. She saw him carrying a child-their child. Larawan sila ng isang masayang pamilya. Nagtatawanan pa sila ng binata habang nilalaro ang bata na humahagikgik naman sa tuwa.

May ngiti sa labing tiningnan niya ang lalaki-si Dastan na aliw na aliw naman sa pakikipaglaro sa bata.

If this is just a dream, I don't want to wake up. I hope we could stay like this forever. Me, Dastan and our baby.

May ngiti sa labing tumagilid ng pagkakahiga si Yeena. Yes, she was just dreaming. Kung nakita lang niya sana ang lalaking kanina pa nakatunghay sa kanya habang siya'y natutulog.

Lumapit si Dastan saka hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ng dalaga.

" I love you sweetheart. Please come back. " anas ng binata saka hinalikan nito ang noo ni Yeena.

-----------------------------

a/n:

Goodnight pals.

xoxo

waywardlassiemei

Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon