" Congratulations guys! " bati ni Heide sa bagong kasal.
Sabay na napangiti sina Dastan at Yeena saka lumapit ang huli sa dalaga at niyakap ito.
" Thank you. " ani Yeena.
Nagpasalamat din si Dastan sa dalaga, sa pagpaparaya nito at sa ideya nito. Nagbibiruan pa sila ng may lumapit na lalaki sa kanila at binati nito ang bagong kasal.
" Congrats sa inyo Anggi. " nakangiting bati ng binata.
Napamulagat si Yeena. Hindi kasi niya inakalang darating ang kababata mula sa probinsya ng Mama Audrey niya.
" Drake! Oh my God! " tuwang tuwa na niyakap ni Yeena ang kaibigan.
" Kamusta? I mean, wow! Long time no see Draco! "
" Ikaw ang kamusta! Kung hindi ako tinext ni Tita Audrey ay hindi ko pa malalamang ikakasal ka na pala. "
" Oh yeah! Well salamat sa pagpunta! Oh gosh! Sweetheart meet my childhood friend, Drake Vargas! Drake, my husband, Dastan Arevalo. "
" Hello pare, akala ko hindi na ako ipapakilala ng misis ko eh. Muntik na kasi niya akong makalimutan. "
" Ha ha, glad to meet you pare. Ganyan talaga yang si Anggi, minsan nawawala sa sarili. "
" Sobra naman kayo." nakalabing saad ni Yeena. Natatawa na lamang na niyakap siya ni Dastan.
" Ehem, hello sa inyo, nandito ako! " pagpapapansin ni Heide. Mukhang bumalik na ito sa sarili at nawala na ang medyo sad na aura nito.
Natawa ang tatlo sa inaktong iyon ni Heide.
" Hi, I'm Heide, ipapakilala ko na ang sarili sayo kasi mukhang nakalimutan din ni Anggi na ipakilala ako. " anang dalaga na inilahad pa ang kamay sa binata.
Nakangiting inabot naman ni Drake ang kamay ng dalaga at hinagkan ang likod ng palad ng dalaga.
" Pleasure to meet you Miss Heide. "
" Mukhang may nabubuong love team sweetheart. " bulong ni Yeena sa asawa.
" Iwan na muna natin sila Swetheart. " ganting bulong ni Dastan.
Pinagmasdan ni Yeena ang mga taong nasa paligid niya. Lahat sila ay masaya. Kumaway pa sa kanya ang mga magulang at kapatid na nasa iisang mesa. Nakangiting gumanti naman siya ng kaway. Nakita din niya si Olive na nakaabrisyete kay Anton habang naiiling naman ang huli sa inakto ng dalaga.
Wala talagang pagsidlan ng tuwa si Yeena. Isa ang araw na ito sa pinakamaligayang araw sa buhay niya. Siya at ang lalaking pinakamamahal niya kasama ang kanilang pamilya, at ang magiging baby nila ni Dastan, ah wala na siyang mahihiling pa. Labis labis ang pagpapasalamat niya sa Panginoon dahil sa kaligayahang ipinagkaloob nito sa kanya.
★ ★ ★ ★ ★ ★
15 years later...
" Stephanie Angela! At saan ka pupunta?! "
