Nabitawan ng dalaga ang paper bag na hawak hawak dahil sa narinig. Tila iyon isang bomba na sumabog at winasak ang puso niya. Saka umiiyak na nagtatakbo palayo si Sandy. Hindi niya inaasahan ang inanunsyo ng mga magulang ng binata.
Akala ko pa naman mahal niya ako! Ginawa niya lang akong tanga. Ang tanga tanga mo Sandy! Ang tanga tanga mo!
Humantong si Sandy sa may kwadra. Doon ay humagulgol na siya.
Bakit mo ko niloko Dastan? Bakit? Mahal na mahal pa naman kita! Pero bakit nagawa mo ito sa akin?
" Sandy..."
Napahinto ang dalaga at napatingin siya sa nagsalita.
" Ba-bakit nandito ka? Anong ginagawa mo rito? "
" Sweetheart, let me explain. " pagsusumamo ni Dastan.
" May party ka pa di ba? Bakit ka nandito? Bumalik ka na don baka hinahanap ka na ng Fiancee mo! "
Napangiti si Dastan saka lumapit sa dalaga.
" Kababata ko lang si Heide. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya... "
Napaiyak na naman si Sandy.
" Pero hindi kaibigan ang turing niya sayo. Gusto din siya ng mga magulang mo. "
" Pero ikaw ang mahal ko! "
" Paano siya? Mahal ka niya! Fiancee mo na siya at ikakasal kayo sa ayaw at sa gusto mo! "
" I won't let that happen! Ayaw mo na ba sa akin? Gusto mo na ba akong ipamigay sa kanya? Akala ko ba mahal mo 'ko? "
" Mahal kita Dastan. Mahal na mahal. Kaya nga labis akong nasasaktan ngayon dahil sa nalaman kong ikakasal na pala yung boyfriend ko sa iba ng hindi ko alam."
Hinawakan siya ng binata sa magkabilang balikat saka hinawakan ang mukha niya.
" Mahal na mahal din kita Sandy. At ipaglalaban kita. Hindi ako magpapakasal kay Heide kahit pilitin pa ako nina Mama at Papa. Ikaw lang ang mahal ko at gustong pakasalan. "
" Mahal na mahal din kita Dastan. "
Naghinang ang mga labi nila ng binata. Medyo magaan lang sa simula hanggang sa kalaunan ay naging mapusok na din ang mga halik na ipinagkaloob ng binata sa kanya.
Natangay na din si Sandy at gumaganti na siya sa binata. Hindi na siya tumutol nang pangkuhin siya nito at dalhin sa loob ng kubo. Marahan siyang inilapag ng binata saka dahan dahang pinagapang nito ang kamay mula sa kanyang braso hanggang sa may dibdib. Sandy let out a soft moan. Natatangay na siya sa kapangahasan ng binata at walang pakialam na siya ay nagpaubaya.
Hinihingal na humiga sa tabi niya si Dastan. Pinaunan siya nito sa braso at niyakap ng mahigpit.
" Mahal na mahal na mahal kita Sandy at walang makakapagpabago non. You are the best gift ever. " saka kinintalan nito ng halik sa noo ang dalaga.
" Mahal na mahal din kita Dastan. At hindi ko pinagsisisihan na ipinagkaloob ko sayo ang sarili ko. "
Napangiti ang binata. " Alright. Let's sleep sweetheart. "
Nakangiting sumiksik sa binata si Sandy at panatag na pumikit.
*******************************
" Hoy bruha! Saan ka natulog kagabi? " bungad ni Olive sa kaibigan.
" Ha? "
Hindi kasi umuuwi sila Olive pag may okasyon sa malaking bahay at doon na lang sa servants quarter sila natutulog.
" Ay muntik ko ng makalimutan, andyan nga pala sa loob si Miss Heide. "
" A-ano? Bakit ? "
" Hindi ko nga alam eh! Aba eh ang aga aga ay ikaw agad ang hinahanap ! Naku friend! Baka alam niya yung sa inyo ni Señorito. Go na, puntahan mo na sa may hardin. Ang taray taray pa naman non."
Kinakabahang pumunta si Sandy sa may hardin. Nakita niya si Heide na nakaupo sa isa sa mga silya habang nagbabasa ng newspaper. May kape naman sa harapan nito.
" Pinapatawag niyo daw po ako Ma'am? "
Ibinaba ni Heide ang hawak na newspaper at tiningnan si Sandy.
" Maupo ka. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. I've heard Dastan's fond of you, or should I say added you to his dozens of women. But I'm gonna tell you this, ako ang pakakasalan ni Dastan and I want you to stay away from him. "
" Pero mahal niya ako at mahal ko siya. Mahal namin ang isa't isa. "
Natawa ng pagak si Heide.
" Mahal? Anong nakakayang bilhin non? You don't know about love Sandy. And I did. I'd love Dastan since we were kids. I waited for him. I did everything for him. Ikaw? Kaya mo bang gawin ang lahat para sa kanya? "
" Oo, gagawin ko ng lahat para sa kanya. "
" Then leave him. You are not the girl for him. It was me from the very beginning. Kung mahal mo talaga siya ay papakawalan mo siya. Leave him and I'll be a good wife to him and a good mother...to our baby. "
Napasinghap si Sandy. Para siyang sinaksak ng ilang beses sa kanyang puso.
Magkakaanak na sila!
" You see Sandy, kapag iniwan mo siya ay makakatulong ka din sa kanya. Ayaw lang niyang dispatsahin ka bigla dahil nag-eenjoy pa siya sayo. And of course, meron ako na hindi mo maibibigay sa kanya. "
" A-anong ibig mong sabihin? "
" Money, Sandy. Malapit ng bumagsak ng mga negosyo nila Dastan and the only way to save their bankruptcy is to marry me. Kung hindi ka makuha sa pakiusapan... Just name me the price and I'll give it to you. Sabihin mo lang. Magkano ng gusto mo para layuan ang mapapangasawa't magiging ama ng anak ko? "
*****************************
a/n:
Ito na muna guys ha? Inaantik na kasi ako eh. Hope you like it.
Good night!
xoxo
waywardlassiemei
