1...2..3...
Dahan dahan na nagmulat ng mga mata si Yeena. Natanggal na pala yung piring sa mata niya. Medyo nasilaw pa siya sa liwanag at nakangiting mukha ni Heide ang bumungad sa kanya. It's not a devil's grin nor a fake one dahil totoong nakangiti sa kanya si Heide.
Anong nakain niya at nakangiti siya? Ano na naman kaya ang iniisip ng babaeng ito.
Masama ang tinging tiningnan ni Yeena si Heide.
" Ano ba talaga ang kailangan mo ha Heide? Kailan ka ba talaga titigil sa paghahadlang sa amin ni Dastan ha? Maawa ka naman sa sarili mo. Please hayaan mo na kaming sumaya. Hindi ko na kakayanin kung mawawala siya sa akin. Pakiusap itigil mo na ito. " medyo gumaralgal ang boses na hinarap ni Yeena si Heide.
Nagulat pa si Yeena nang makitang parang maiiyak si Heide. Nakita niya ang sakit na bumalatay sa magandang mukha nito. Hindi niya akalain na matatablan din pala ito.
" I'm so sorry Sandy if I've done so many bad things to you. I'm sorry if I hurt your feelings and Dastans. I know from the very beginning since that day I finally met you na ikaw na ang babaeng para sa kanya. I know he loves you so much dahil kitang kita yon the way he look at you, and the way he told me about you. Ako lang naman kasi itong tanga na pilit pinagsisiksikan ang sarili sa kanya. I know from the start na napakalaki ng lamang mo sa akin pero sumugal pa rin ako to the point na magsinungaling ako sa kanya. "
" Anong?! Anong sinasabi mo? " maang na tanong niya sa dalaga.
" Hindi ko lang kasi matanggap na sa babaeng kakakilala niya pa lang ay minahal na niya agad at ako na simula pa lang nong magkaisip ako ay minahal na agad siya at magkababata pa ay hindi man lang niya napag ukulan ng espeyal na tingin. Nainsulto ako at nasaktan. So I tried paying you or bribing you but hindi iyon naging madali. So I tried to scare you and make you sacrifice. I fabricated all those things I told you even the baby part. But I hope you can forgive me. Tao lamang ako at nasasaktan din. Nagmahal pero hindi nasuklian. I know it's unforgivable but at least I did try to apologize for those mistakes I've done. "
" Hindi ko hinihiling na patawarin mo ako sa pagsira ko ng relasyon niyo ni Dastan, ang paghingi ng sorry sa inyo ay sapat na sa akin. Patawad. Patawarin mo ako sa lahat ng ginawa ko."
" To-totoo ba ang sinasabi mo? "
" I know it's unbelievable pero totoo lahat ng narinig mo. "
" Hindi ako makapaniwala. Pero Heide, tao lang naman ako at nagkakasala din kaya Oo, pinapatawad na kita. Hindi kita masisisi sa ginawa mo dahil nagmahal ka lang. Yon nga lang ay sumobra ka na to the point na nasira mo ang isang relasyon. Naiintindihan kita. At sana ito ang magiging simula ng pagkakaibigan natin. " nakangiting lumapit si Yeena sa dalaga at niyakap ito.
Gumanti naman ng yakap si Heide at may luha sa matang kumalas at nagpasalamat sa kanya.
" Te-teka, nasaan ba tayo? " may pag-aalalang lumingap sa paligid si Yeena.
" Ha ha! Andito tayo sa bahay ng mga Arevalo. I'm sorry if I kidnapped you. Gusto na nga akong sakalin ni Dastan eh, akala niya magmamaldita na naman ako. But hell no, I won't do that ngayon pang nakuha ko na ang kapatawaran mula sa inyo. Salamat sa pagiging mabuti mo. Bagay na bagay talaga kayo ni Dastan. Napakaswerte niyo sa isa't isa. "