Fourteen

296 14 0
                                    


Nakipag-bonding muna si Yeena sa kanyang pamilya. Tuwang tuwa naman ang kambal na sina Marion at Marian nang malamang magkapatid sila. Sa loob ng isang linggong pananatili niya doon ay palagi niyang kasama ang kambal at laging tumatabi sa kanya si Marian. Noon pa man ay malapit na ang loob ni Yeena sa dalawa. Masaya naman sina Maila at Sancho dahil nakompleto na ang kanilang pamilya. Labis ang kaligayahan nila nang malamang buhay pala ang panganay nila. Bagamat nagalit si Maila sa pinsang si Audrey ay nagpapasalamat din siya sa huli dahil inalagaan at itiburing nitong anak si Yeena.

" Iniisip mo pa rin ba siya ate? "

Napalingon si Yeena kay Marian at malungkot na ngumiti. Alam na ng buong pamilya ang nangyari sa kanya sa loob ng ilang buwang pagkawala.

" Oo, hindi naman kasi siya nawala sa isip ko eh. Kumusta na kaya siya? Siguro ay pinaplano na nila ang kasal nila ng mapapangasawa niya. " napasigok ang dalaga.

Hinawakan siya ng dalagita sa balikat. " Ilabas mo lang yan ate...Pero ni minsan ba ay hindi mo naisip na sana ay hindi ka na lang umalis at iniwan siya? Na sana ay ipinaglaban mo siya? Di ba sinabi naman niya sayo na ipaglalaban ka niya? "

" Naisip din pero ayokong walang kilalaning ama ang batang ipinagbubuntis ng mapapangasawa niya. Kawawa naman yung bata kung lalaki siyang walang ama. Dahil napagdaanan ko din yun nong walang maipakilalang ama sa akin si Mama Audrey. Deserve ng bawat bata ang magkaroon ng masaya at kompletong pamilya. "

" Pero magiging totoo kaya silang pamilya kung si kuya Dastan ay walang pagmamahal sa Mama niya? Paano naman yun di ba? "

" Pero matututunan din ni Dastan na mahalin si Heide. Baka nga wala talaga siyang pagmamahal sa akin. Ni hindi nga niya ako hinanap eh. "

" Eh sino po ba kasi ang nang-iwan? At saka hindi naman alam ni Kuya Dastan na may amnesia ka di ba? Paano ka niya hahagilapin eh kahit yung nag-alaga sa iyo ay wala ding alam tungkol sa buhay mo. You have a choice ate but you chose to leave without him knowing the real you. You were both hurting yourselves. You didn't trust him... that he'll prove that you will be the one he'll chose over that woman. Trust is very important. "

Napaiyak na si Yeena. " I...I know. Naging duwag kasi ako... What if he realized that he doesn't love me and do the other way around? Ayoko namang magmukhang tanga. Cowardice it is Pero yon ang totoo. Takot din kasi ako sa rejection lalo pa at sinabi ni Heide na ang pamilya lang niya ang makakatulong sa pamilya ni Dastan. "

" Eh kasi naman ate, nadali ka ng salitang MU-misunderstanding. Dapat ginawa niyo pa iyong isa pang meaning non eh..."

" Ano naman iyon? "

" MU! Mag-Usap, duh! " sabay rolled ng eyes.

Natawa naman si Yeena sa inakto ng kapatid.

" Kung makapag-salita ka ay parang mas matanda ka pa sa 'kin ha?. Pero thanks anyway. Nangyari na kasi. Siguro dapat ay tanggapin ko na lang sa sarili ko na hindi talaga kami para sa isa't isa. And gagawin ko na lang na isang magandang alaala na nagkakilala kami at natikman ko ang kaligayahan sa piling niya kahit sandali lang. "

" Ay ate ha? Ang lalim non. Pero dapat naman talagang mag moving forward tayo. Move on ate. And don't worry, nandito lang kami ni kambal at ng Mga magulang natin para supurtahan ka. "

Napangiti na run si Yeena. Dapat nga ay mag move on na siya. At dahil tanggap na rin niya sa sarili na Wala ng happy ending sa kanila ni Dastan kahit na napakasakit para sa kanya ay gagawin niya. And speaking of tanggapin...bibisitahin na niya ang Mama Audrey niya na ilang araw na ring nirerespeto ang desisyon niya at naghihintay lang na patawarin niya.

***************************

Napaiyak si Audrey nang mapagbuksan ang anak ng pinto. Agad nitong niyakap ng mahigpit si Yeena.

" I'm really sorry anak... I know Hindi mo pa ako napapatawad pero maghihintay ako anak. I'm sorry kung inilayo kita sa tunay mong pamilya. I'm sorry kung nadamay ka sa galit ko sa pinsan ko. Patawarin mo ako Angelina... "

Napaiyak na din si Yeena at niyakap na rin ang kinilala niyang ina.

" Pinapatawad ko na po kayo Mama... Sorry din po. At salamat dahil pinalaki niyo ako ng maayos sa kabila ng lahat. "

Nagyakapan lang silang dalawa at nagpatawaran. Masaya si Yeena dahil sa wakas ay natapos na rin problema tungkol sa pamilya niya. Pinilit na rin niyang wag alalahanin ang tungkol sa naudlot nilang pag-iibigan ni Dastan kahit alam niyang hindi madali.

Bumalik na rin sa dati niyang buhay si Yeena. At para tumayo sa sarili niyang mga paa ay nagdesisyon ang dalaga na bumukod sa pamilya niya na kahit tinutulan sa una ay walang nagawa kundi respetuhin ang gusto niya. Pero nagfa-family affair sila tuwing Sunday para maging updated sa buhay ng isa't isa. Nagkapatawaran na rin ang magpinsang sina Maila at Audrey at kasama ang huli tuwing family affair nila sa bahay ng mga Lopez.

Abala na din kasi si Audrey sa pamamalakad ng flower shop na ipinamana ng ina nito. Samantalang si Yeena ay binuksan ang sarili niyang restaurant na ineregalo ng kanyang mga magulang sa kanya.

Isang buwan na rin ang lumipas at unti unti na rin siyang nasasanay na hindi isipin si Dastan. Tuwang tuwa pa siya nang mag-click sa publiko ang newly opened resto niya. Marami ang humanga sa husay niya. Isa din kasi siya sa mga nagluluto at natutuwa siya kapag pinupuri sila ng mga customers.

************************

a/n:

Goodnight! Tulog muna ako. mental block eh. Sensya!

xoxo

waywardlassiemei

Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon