Twenty-one

247 14 0
                                    

Tuwang-tuwa si Olive nang malaman ang tungkol sa pagpo-propose ng binata. At lalo itong natuwa nang sabihin ng dalaga na ito ang kukunin niya na maging bridesmaid niya sa kasal.


Nasorpresa naman ang pamilya ng dalaga nang bigla silang dumalaw sa mga ito. Nagkataon ding nandoon ang Mama Audrey niya ng gabing yon. Pagkatapos nilang maghapunan ay nagkwentuhan sila sa may terrace.

" Uhm Mama Audrey, Papa, Mama Maila, may sasabihin po ako sa inyo. " Tumikhim si Yeena saka tumingin sa binata.

Naghihintay naman sila sa susunod na sasabihin ng dalaga.

" We're getting married. "

Sabay na napa- what sila sa narinig.

" And I'm pregnant. "

Napa-oh naman ang mga ito.

" T-teka, ang bilis naman. " di makapaniwalang tumingin sa kanya ang ama.

" Oo nga naman Yeena, paano nangyaring nabuntis ka? Don't tell me... " -si Audrey.

" Opo, Siya po yung Dastan na tinutukoy ko na naging boyfriend ko po nong nawala ako. "

" Well, what can I say? I'm happy for you anak. Hijo, alagaan mong mabuti ang anak namin okay? " ani Maila na ngumiti sa binata.

" Makakaasa po kayo Tita. " sagot ng binata na inakbayan si Yeena.


" Oh em gee ate, grabe naman ang story niyo. Napaka-fast pace. " ani Marian na kumakain ng gummy bears katabi ang kakambal nitong si Marion na busy sa pagtitipa sa iPhone nito.


" I know that it's too soon pero mahal naman namin ang isa't isa plus the fact that we're having a baby. "


" Of course, naiintindihan ka namin, young man. And I'm glad na nakakita na ng lalaking magmamahal sa kanya ang panganay namin. I can't wait to see my first apo. " ani Sancho.

Ipinakilala ng dalaga ang fiancee sa kanyang mga magulang at sa mga kapatid.

Everything's perfect at naghatid yon ng labis na tuwa kay Yeena. 1 month na lang ang hihintayin niya at magiging Mrs. David Stanley Arivalo na siya. Well sa tingin niya ay Wala na siyang mahihiling pa. Perfect family, perfect husband at ang nalalapit niyang perfect wedding.


Naging abala sila ng binata sa pagpaplano ng nalalapit na kasal nila. Magkasundong magkasundo din ang Mga magulang nila ng binata kaya lalo namang sumaya ang dalaga.

Nasa isang supermarket sina Yeena at Olive nang may makabangga ang huli.


" Jeeez, how could you be so stupid! " mataray na asik nang babaeng nakabangga ni Olive.

Napalingon naman si Yeena sa babae at nanlaki ang mga mata niya. The woman who's now talking shit at Olive's face was no other than the woman she never wish to see-si Heide. Naramdaman yata ng babae ang tingin niya kaya napalingon ito sa kanya. Napataas ang kilay nito at lumapit sa kanya.


" Sandy? Is that really you? "


" Uhm....I'm not Sandy, my name's Angelina Lopez. " sagot ng dalaga.


" Oh! Angelina it is. It's me Heide. Remember me? "


Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon