Eleven

311 12 0
                                    

Nagdadabog na pumasok ng kusina si Sandy.

" Tsss kakabago pa lang namin nambababae na siya. O baka naman ako pala ang bago niya. Nakakaasar talaga ang lalaking yon! " bulong ni Sandy na kumuha ng tubig sa may ref.

" Hoy anong binubulong bulong mo diyan? " tanong ni Gwen sa kanya na kasalukuyang nagpupunas ng mga plato.

" Wala! Wag mo na lang akong pansinin. " nakasimangot niyang sagot saka uminom ng malamig na tubig.

" Ah maganda yang malamig na inumin para sa mga may maiinit na ulo'ng gaya mo. "

Napabusangot uli si Sandy.

" Bukas nga pala ng gabi ay kaarawan na ni Señorito Dastan. "

Natigil sa pag-angat uli ng baso si Sandy.

" B-birthday ho ng Señorito? "

" Ika-dalawampu't siyam na taon niya. Uuwi na bukas sina Señor at Señora dahil ayaw nilang ma-miss ang kaarawan ng anak. Kadalasan kasi ay sa Maynila nagce-celebrate ng birthday niya ang Señorito, kaya naman ngayon dapat maghanda tayong mabuti. "

" Oh em gee! Party party pala tayo bukas. "

Napatingin sila kay Gwen. Napaisip naman si Sandy.

Birthday niya pala bukas? Ano kayang magandang iregalo?

" Oh anong iniisip mo? May regalo ka na kay Señorito? "

mahinang tanong ni Olive.

Napailing si Sandy. " Wala eh, ngayon ko lang din kasi nalaman."

" Ayyy! Don't worry friend, pupunta tayo ng bayan at tutulungan pa kitang maghanap ng regalo. "

Napangiti si Sandy. " Hulog ka ng langit my friend! Thank you talaga! "

******************************

Kasalukuyang naglilibot sina Olive at Sandy sa mall.

" Ano ba yan friend, kanina pa tayo paikot ikot, wala ka pa ring napipili? Ang sakit na ng mga paa ko. " nagrereklamong ani Olive.

" Eh wala akong makitang maganda eh. Ay teka don tayo. "

Pinaikot ni Olive ang mga mata. " Hay sana nga may mapili ka na! Nakakapagod na! "

Sa isang  boutique sila pumasok.

Coat and tie ang pinili ni Sandy na alam niyang bagay na bagay kay Dastan. Medyo mahal din ang bili niya don at halos maubos ang pera niya.

" Naks! Galing mong pumili ha? Kaya lang ang mahal! "

" Eh mahal ko din siya eh! "

" Heh! Kumu-corny ka na girl. Mas corny ka pa sa akin! "

" Ganon yata talaga pag nagmamahal. "

" Shit friend! Ang mais! Tara na nga gutom na ako eh! Uy libre mo ko ha? "

" Kkb muna tayo friend. Wala na akong pera eh! "

" Tss kuripot! Oh sige ako na nga lang ang manlilibre pero next time ako naman ang ililibre mo! "

" Ang bait bait mo talagang kaibigan! Babawi ako sayo next time talaga. "

" Oo na! Tara na sa Jollibee."

" Hindi ka naman mahilig kay Jollibee noh? "

" Ano ka ba? Yun yung pinaka-favorite kong cartoon character nong bata pa ako! At saka ang sarap kaya ng mga pagkain don. My Jollibee here we come! "

" Para kang bata." natatawang kantyaw niya sa kaibigan na binelatan lang siya.

****************************

Hapon na ng dumating ang mag-asawang Arevalo. Agad na nagpahinga ang mga ito at lumabas lang ng magsimula na ang party.

Marami-rami na din ang mga bisitang dumating. Napakaliwanag ng buong hardin dahil sa mga nagkikislapang ilaw at mga mamahaling suot at alahas ng mga bisita.

Kanina pa nagpalinga-linga si Sandy sa pag-asang  makita si Dastan. Papunta sa may kusina si Sandy nang biglang may humablot sa kanya.

" Miss me? " nakangiting tanong ni Dastan sa kanya saka siya hinapit sa bewang.

" Nakakagulat ka naman eh! "

" Kanina pa kasi kita hinahanap. Gusto ko sanang magpaliwanag tungkol don sa nangyari kahapon. "

" A-ano ka ba! Wala na yon! "

" Heide is my childhood friend. Gino-good time ka lang non. "

" Talaga? Happy birthday nga pala. Ay teka yung regalo ko..." akmang aalis na sana siya pero hinatak siya ng binata at hinalikan.

" Ipapakilala kita sa parents ko. "

" H-ha? "

" Come with me. I'll introduce you to them. "

Bagamat nag-aalangan ay nagpaakay na lang din si Sandy. Presentable naman siyang tingnan sa suot na simpleng bestida. Hindi naman kasi sila gumagamit ng  uniform.

Pero hindi pa man sila nakakalapit ay may isang mestisahin at seksing babae ang lumapit sa kanila saka ito humalik sa pisngi ng binata at umabrisyete pa.

" Who is she? "

" She's Sandy my girl--- "

Naputol ang sasabihin sana ng binata nang tawagin ito ng mga magulang para paakyatin sa stage. Agad namang hinila ng babae si Dastan papalapit sa mga magulang nito.

Napasunod na lang ng tingin si Sandy sa dalawa.

" Ladies and gentlemen...please welcome....the birthday celebrant...David Stanley Arevalo. "

Ngumiti naman ang binata sa mga bisita. Nagsipalakpakan ang mga ito pati si Sandy ay nakipalakpak na rin.

" And everyone, I would like all of you to meet, the future Mrs. David Stanley Arevalo...Heide Roan Serrano. "

Nagulat si Dastan sa narinig. Napatda naman si Sandy saka napatakip sa bibig at nagtatakbo palayo.

******************************


a/n:

Ay ang sad naman nong revelation.

End na kaya ng SanTan tandem?

Abangan....

Anyways hindi pa rin ako nakaka-get over sa love story nina Teptep at Tonio. Kinikilig pa rin ako! Whoo! Sana magkaron din ako ng Tonio no? Hehe

So sana nagustuhan niyo ang part nato. Yun lang. Byebye!

xoxo

waywardlassiemei

Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon