Nine

342 17 1
                                    

Mag-isang pumunta si Sandy sa kwadra ng mga kabayo para maghatid ng pagkain kina Dastan. Abala kasi si Olive sa bahay kaya siya na lang ang inutusan ni Aling Laura na maghatid. May nanganak kasing kabayo kaya maaga pa lang ay nandoon na ang binata.

Napangiti si Dastan nang makita ang paparating na dalaga. Gumanti naman si Sandy nang makalapit sa kanila.

" Kumain ho muna kayo Señorito..." ani Sandy na inihanda na ang mesa.

Tinawag na din ng dalaga ang mag-amang Mang Gardo at Anton pati ang isang veterenarian. Nang matapos kumain ang mga ito ay agad na iniligpit ng dalaga ang mga pinagkainan pero hindi na muna siya pinauwi ng binata dahil isasabay na lang daw siya nito sa pag-uwi.

" Gusto mong mag-ikot ikot sandali? " tanong ni Dastan sa dalaga.

Napalingon ang dalaga. Hindi niya napansin na nakalapit na pala ang binata sa kanya. Naaliw kasi siya habang nakatingin sa isang mamahaling breed ng kabayo na may tag na " Heather " na kumakain. Napakaganda kasi ng puting kabayo.

" Eh kung ano... ok lang po sa inyo. " nag-aalangang sagot ng dalaga.

" Mabait itong si Heather. Gusto mo ba siyang sakyan? " tanong ni Dastan.

" Eh hindi ho ako marunong---

" How many times should I tell you na call me by my name if there's no one around? "

" Ah sabi ko nga D-dastan. Hindi kasi ako marunong mangabayo baka ihulog niya ako. "

Natawa ng mahina si Dastan. " You can ride with me...if you want. "

" H-ha? Nakakahiya naman sayo, next time na lang siguro. "

" C'mon I insist and I won't take no for an answer."

Walang nagawa si Sandy nang ipalabas ng kulungan si Heather. Naguguluhan man sa inakto ng binata ay nagkibit na lang siya ng balikat.

Di bale, makakasama ko naman siyang mag-iikot. Nakaka excite lang! Yes! Ang landi ko! Haha

Napanganga pa ang dalaga nang malamang iisang kabayo lang ang sasakyan nila.

Seriously? Ang boba ko naman! Pero mas ok yun haha! Mafi-feel ko ang ma-muscle niyang katawan against mine. Hay! Nabubuang na yata ako. Kung anu-ano ng kamanyakang pinag-isip ko.

Agad siyang isinampa ng binata saka ito sumampa sa likod niya.

Oh Gosh! Nakakakilig naman !

Mabagal lang ang kanilang takbo at aliw na aliw siya habang nakatingin sa berdeng kapaligiran. Humantong sila sa isang burol. Inalalayan siya ng binata para makababa saka nito itinali ang kabayo at binalikan ang dalaga.

" You like it? "

" Ang ganda! " Bulalas ng dalaga habang nangingislap ang matang nakatingin sa paligid. Kitang kita ang napakagandang view mula sa kinatatayuan nila.

" Yeah, very beautiful." usal naman ng binata.

Napalingon si Sandy sa binata. Namula siya nang mapagtantong siya ang tinutukoy ng binata. Titig na titig ito sa kanya.

Naiilang na binawi niya ang tingin pero marahan siyang hinawakan ng binata sa magkabilang balikat saka iniharap.

Nagkatitigan sila. Tumikhim ang binata. Namumulang yumuko uli ang dalaga pero hinawakan nito ang kanyang mukha.

" I know this is crazy but I couldn't help myself. The first time I saw you, I can't get you out of my head. My eyes were always searching for you. Hindi ka na nawala sa isip ko eh. Hindi ka pa ba napapagod? "

Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon