Thirteen

313 15 0
                                    


Umiiyak na nakasakay sa isang aircon bus si Sandy. Papunta iyong Maynila. Gaya noon ay aalis siya at magpapakalayo.

Yes, hindi naman talaga siya nagka-amnesia. Ginawa lang niya iyon para takasan ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya. Sinabi na lamang niya sa mag-tiyahen na hindi siya nakakaalala para hindi siya makabalik sa kanila. Run away. Palagi na lang siyang tumatakas sa mga problema niya. Noong una ay sa Mama niya at ngayon ay sa lalaking mahal niya.

Pero nagpasya siyang huwag na munang magpakita sa ina. Pupunta siya sa bahay ni Sancho Lopez-ang kanyang ama.

Gulat man ay napangiti ang lalaki nang makilala ang panauhin.

" Angelina, hija. Mabuti naman at bumisita ka. " maluha-luhang lumapit sa kanya ang lalaki na kahit na sa edad na 43 ay mababakas pa rin ang kakisigan at niyakap nito si Sandy/ Yeena.

Napayakap na din ang dalaga.

" I'm sorry po kung ngayon lang ako dumalaw since nong nangyari yung pag-amin ni Mama."

Kumalas ang Papa niya at hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. " Naiintindihan ko hija. Pero nag-aalala na ang Mama mo sayo dahil dalawang buwan ka ring nawala. Sa'n ka ba pumunta at ngayon ka lang bumalik? "

" Mahaba pong storya. Kumusta po si Tita Maila...P-papa? "

" Nag-aalala din siya sayo. I'm glad na Papa na ang tawag mo sa akin at hindi na Tito. Mama na rin ang itawag mo sa Mama Maila mo. "

Tipid na ngumiti si Yeena sa ama. Siya si Angelina o Yeena. Si Audrey na kinilala niyang ina ay pinsan ng tunay niyang ina na si Maila.

Noong college sina Maila at Audrey ay sabay silang nagkagusto kay Sancho. Pero ang hayagang nagpakita ng pagkagusto sa binata ay si Audrey at itinago na lamang ni Maila sa sarili ang pagkakagusto niya kay Sancho. Pero hindi naman pinapansin ng binata ang pagpapapansin ni Audrey at kay Maila ito lumapit at nanligaw.

Nagalit si Audrey lalo pa at sinabi sa kanya noon ng pinsan na wala itong gusto sa binata pero pagkaraan lang ng isang linggong panliligaw ay naging magkasintahan na ang mga ito. Hindi nagpakita ng pagkatalo si Audrey at umaktong tila hindi nasasaktan.

Namumuhi ito sa pinsan lalo pa at ito ang palaging kaagaw niya sa lahat. Hindi lang sa pag-aaral kundi pati sa pamilya. At ngayon ay sa lalaking minahal niya.

Sinikap  noong balewalain ni Audrey ang lahat ng ginawa nito noon. Pareho lang din naman silang matalino pero hindi niya makayanan na pati ang mga magulang niya ay sa pinsang si Maila mas bumibilib at hindi sa kanya na sariling anak ng mga ito.

Pinilit niyang binaliwala lahat dahil mabait naman ang pinsan at parang kapatid na niya ito pero nang malaman niya ang tungkol kina Sancho at Maila ay nawala lahat ng pagtitimpi niya.

Lalo iyong tumindi nang mabuntis si Maila at nagpakasal ang mga ito. Halos magwala si Audrey sa galit. Pero nang gabing manganak si Maila ay kinutsaba niya ang doctor na nagpaanak dito. Isang patay na  bata ang ipinalit niya sa bagong silang din na anak ng mag-asawa.

Napahalakhak pa si Audrey nang makitang labis ang kapighatiang nadama ng mag-asawa dahil sa ginawa niya. Itinakas ni Audrey ang bata at pumunta siya sa isang probinsya na walang sinumang nakakakilala sa kanya.

Pero imbis na galit ang pairalin ni Audrey sa bata ay naging malapit ito sa kanya at sa huli ay inakong anak niya-si Angelina. Pero dumating ang karma sa kanya at halos lahat ng naipundar niyang negosyo ay bumagsak. Umuwi siya sa kanila at humingi ng tawad pagkalipas ng 20 na taon sa mga magulang. Pero inilihim niya ang tungkol kay Angelina. Huli na nang malaman niyang nagkakilala na pala ang tunay na mag-ina at naging malapit pa sa isa't isa. Namasukan kasing Chef si Yeena sa restaurant ni Maila. Namana kasi ng dalaga ang angking galing ni Maila sa pagluluto lalo pa at nakapag-aral din ng culinary ang dalaga.

Natakot si Audrey lalo pa at ayaw niyang mawala sa kanya ang anak na napamahal na sa kanya. Pero wala talagang lihim na hindi nabubunyag dahil nang maaksidente si Maila dahil sa kagagawan niya ay nalaman niyang nagboluntaryong mag-donate ng dugo ang anak lalo pa at ka-match nito ang blood type ni Maila.

Hindi pa doon natapos ang lahat dahil hindi sinasadyang nakita at nabasa ni Yeena ang kanyang Diary nang minsang pumasok ito sa kwarto niya. Naguluhan ito at humingi ng paliwanag sa kanya. Noon naisip ni Audrey na isiwalat ang sikreto na 20 taon na niyang itinatago.

Pinapunta niya sa bahay nila ang mag-asawa at ipinagtapat ang buong katotohanan. Humingi siya ng tawad pinsan at sa asawa nito. Panay din ang paghingi niya ng tawad kay Yeena. Galit na galit si Maila sa pinsan pero mas lalong nagalit si Yeena sa kanya. Isang linggong nanatili si Yeena sa bahay ng bestfriend nitong si Ariella at sa ilang beses niyang pabalik balik doon para kumbinsihin ang dalaga na umuwi ay bigong umaalis ito.

Natuwa pa si Audrey nang biglang umuwi si Yeena pero napaiyak na lamang siya dahil sa nakikitang galit at sama ng loob ng dalaga sa kanya. Umuwi lang si Yeena para kuhanin ang mga gamit nito. Nagmakaawa si Audrey sa dalaga pero naging bingi ang dalaga sa pagsusumamo ng itinuring nitong ina.

Napabuntong hininga si Yeena nang maalala ang nangyari. Napatingin siya sa itaas ng makarinig ng mga yabag. Napangiti naman si Maila nang makilala ang dalaga pagkababa nito ng hagdan. May luha sa mga matang lumapit ito sa dalaga at niyakap ito ng mahigpit saka pinaghahalikan.

" Masaya ako at bumalik ka na hija. Akala ko ay hindi ka na magpapakita pa. Kumusta ka na? Saan ka ba nanggaling at ngayon ka lang nagpkita? "

" Mamaya ko na po ikukwento. Pwede ho bang dumito muna ako..M-mama?"

Napaiyak uli si Maila at niyakap ang anak. Napatango tango ito saka nagpasalamat ng mahina sa Panginoon.

**************************

a/n:

Ehhhh yan na muna ha? Tulog muna si aketch kasi wala na akong energy. Na-drain yung utak ko dahil sa dami ng pinag gagagawa ko kanina. Magre-recharge muna ako para may maisip akong maganda. Sorry naman friends kung hindi umabot sa expectations niyo ang story kasi ano eh...sabaw talaga yung author nitech plus the fact na I'm an amateur lang.hehe sensya ulit.

Good night!

xoxo

waywardlassiemei

Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon