Nagyaya pa si Dastan na kumain
muna sila bago umuwi. Masayang nagpaunlak naman ang dalawa at humantong sila sa Jollibee.
" Naku Señorito, thank you talaga sa inyo. Ang bait bait niyo po talaga." ani Olive habang kumakagat ng burger.
" Wag mo na rin akong popoin Olive, you can call me by name too. At saka no problem. I've enjoyed naman accompanying two beautiful ladies like you. "
Nabulunan si Olive at dali dali siyang uminom ng softdrinks.
" Ay friend! Beautiful daw tayo sabi ni Señorito este Dastan. Ay nakakalukah! Ang ganda ko! "
Napailing na lang si Sandy." Sira! " saka ipinagpatuloy ang pagkain niya ng spaghetti.
Panay pa ang kwentuhan at tawanan nila nang may isang babae ang lumapit sa kanila.
" Angie! It's Angie right? Naaalala mo ba ako? " tanong nito sa dalaga.
Natigilan si Sandy at napakunot-noong tumingin sa babae.
" I'm sorry? "
" Oh I uh, We've met in Ariella's wedding, uhm I'm one of Ariella's cousin. Kanina pa kasi kita tinitignan. " waring naguguluhan ding paliwanag nito.
" I'm sorry pero hindi ko kasi ano... matandaang nagkakilala na tayo..."
" Oh I'm sorry! Kamukha mo kasi yung bestfriend ng pinsan ko. Pasensya na...magkamukha lang kasi talaga kayo. Sige, sorry ulit. " saka nagmamadaling lumayo ang babae.
Nawalan ng kibo si Sandy at nakatingin lang sa papalayong
babae.
" Iba na talaga pag beuatiful, andaming napapalingon at napapatingin kahit mga babae. " ani Olive.
" Sira ka talaga! Ang sabihin mo napaka-common ng face ko kaya marami ang nag-aakalang kakilala nila ako. " natatawang sagot niya sa kaibigan.
" Sus! Pa humble effect ka pa! Oo na maganda ka na, pareho tayong dalawa. "
" Kumain ka na nga lang! Luka luka ka talaga. Pagpasensyahan mo na itong si Olive, pinaglihi kasi sa aso at unggoy kaya napakakulit. " baling ng dalaga kay Dastan.
Natawa naman ang binata.
Hay! Ang gwapo niya talaga! Ang sexy pa ng tawa niya. Ang sarap lang manyakin! Oops! Bad words!
Habang nagbabyahe pauwi ay naisip ni Sandy ang nangyari kanina. Kahit anong piga niya sa isip ay hindi niya talaga maalala yung mukha ng babae.
Baka talaga nagkamali lang siya. Nakakasakit ng ulo talaga! Wag ko na nga lang isipin yon.
Napailing si Sandy saka nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.
" Ang lalim non ah? Care to share your thoughts? " si Dastan habang sinusulyapan ang dalaga.
" Ah wala to, wag mo na lang yung pansinin. Okey lang ako.
Kahit ang totoo ay hindi ko alam kung okey lang ba talaga sa loob ko.
★ ★ ★ ★ ★ ★
Nasa kanyang terrace si Dastan habang hawak sa kamay ang baso ng isang alak. It's been a week since dumating siya dito sa bahay nila sa probinsya.
At isang linggo na rin siyang nababagabag. Simula nang makita at makilala niya ang bagong salta sa bahay nila ay nag-iba na rin ang buhay niya. Yeah, his boring life turn into a better one since he met their new housemaid-si Sandy.
Naaalala pa niya nang unang makita ang dalaga sa may hardin nila habang nakikipag-usap sa mga bulaklak at nagdidilig. He can't help but stared at her. Her beauty is enticing. Bagamat isang simpleng bestida lamang ang suot nito ay hindi maitatago ang kagandahan at ang makurbang katawan. Makinis ang morenang balat nito. Parang natutukso pa siyang hawakan ang hanggang bewang at makintab na alon alon nitong buhok.
Wala tuloy sa sariling nabigkas niya ang katagang nasa isip niya. Lalo siyang humanga nang mapaharap sa kanya ang gulat na dalaga. Ni hindi nga niya napansing nabasa na pala siya nito kung hindi lang nito nabitiwan ang hose at makaramdam na din siya ng lamig.
Bilugang mata na binagayan ng malalantik na pilimata, pointed nose at may mga labing mapupula. He wondered if she uses lipstick or talagang natural na mapula ang mga labi nito.
He was amazed by her beauty. Exotic 'ika nga. He had dozens of women in Manila. Lahat sexy, magaganda,mayayaman at parang mga manika. But seeing Sandy at that moment walang panama ang mga ito sa dalaga. And he can't even tell why.
Hindi niya malaman kung bakit sa dinami rami ng babaeng nakilala niya ay isang bagong kakilala at salta na katulong ang nagpapabagabag sa kanya. Hindi siya matapobre but he can't himself why? Sandy doesn't look like a poor lass. Or baka may ginagamit lang ito sa balat kaya napakakinis. But what the hell? Seriously? Naiisip talaga niya iyon?
Parang sa iksi lang ng pagkakilala nila ay parang kilala na niya ang dalaga. Ridiculous but he thinks na totoo ang incarnation o recreation. Perhaps in their past lives ay magkasintahan sila. Natampal ni Dastan ang noo. How corny could he get!
But it's not bad to know her more right? Just to satisfy my curiousity why I am feeling like this to a strange lass like her.
Napangiti sa sarili si Dastan. An idea pop up in his brilliant mind.
‡ ‡ ‡ ‡
a/n:
Yes! Shake it shake it!
Hay! Kalurkey! Mabuti na lang nakagawa ako tonight. Medyo stressed pero ok lang basta ba makagawa lang ako ng UD. Again friends, feel free to comment ha? And pasensya na din ulit sa Mga errors. Sana nagustuhan niyo.
Good night na muna.
Toodles!
xoxo
waywardlassiemei