2-KONTRABIDA

613 13 0
                                    

KONTRABIDA

Monday came at syempre naging talk of the campus ang bagong saltang gwapo. We were eating our lunch in the cafeteria. Nakaupo sa gitna si Janice, nasa kaliwang banda si Laura at ako sa kanan. Sitting across us are Gabby, Elias, and Luca.

I was picking out the potatoes from my food and moved them to Janice's plate. She kept on complaining and moving farther away from me. I am a lefty while she's a righty kaya nagtatama na parang fencing ang aming mga braso.

"Magpalit nga kayo ng upuan," utos ni Gabby sa amin.

"Ella, go back to your original position. Nahihirapan kayo pareho ni Janice." Dagdag pa ni Elias.

Correct, in normal circumstances, I would typically sit on Janice's left para hindi magtama ang aming mga kamay. Kaso may importanteng topic akong pinapakinggan ngayon. Chismis!

And we would typically go out to grab our meal imbes na nakikipagsiksikan kasama ang iba pang estudyante dito sa school cafeteria. Kaso may narinig akong interesting kanina habang papalabas na kami ng gate. Kaya hinila ko silang lahat pabalik dito at sinundan iyong grupo na may dalang kaakit-akit na impormasyon.

We sat at the table next to the group na may mga malalaking bunganga. Pero nagpapasalamat naman ako sa balitang hatid nila.

I heard the table on our right mention a certain Mark na bagong transfer daw. I kept leaning toward their direction para marinig ko pa at pilit naman akong hinihila ni Janice pabalik.

"Stop it. Nakakahiya ka," pinandilatan niya ako.

I shrugged and pretended hindi ko naintindihan ang sinasabi niya. "What did I even do?"

"Apo daw iyon ng governor. Bunsong anak ni Mayor Carvajo," narinig ko sabi ng isa.

"Bakit hindi natin kilala iyon?" Usisa ng isa.

"Bagong dating lang yata dito. I heard my mom mention baka papasok sa kumpanya nila ngayong malapit na itong matapos mag-aral," napatingin ako doon at kinilatis bakit alam ng nanay niya.

"Oo nga pala, sa munisipyo nagtatrabaho mommy mo, Cheska," pansin ng isa pa nilang kasama.

"Pero balita ko girlfriend niya daw iyong si Krista," dismayadong balita ng isa pang nakaupo sa grupo nila.

Dismayado ko rin siyang tiningnan. I know Krista Lim. Nag-iisang anak ng may-ari ng pinakamalaking legal firm sa buong bansa. Her dad also works for the current mayor's team. She is from Dapitan City. Galing din kaya doon si Mark? Kaya siguro magkakilala, or worse, magkasintahan sila.

I suddenly heard some commotion and I looked up to check what is going on. Papasok si Krista sa loob ng cafeteria while Mark's holding the door open for her. Masayang nagsasalita si Krista at napapangiting nakatingin naman sa kanya si Mark. So I guess the rumors are true then.

Nawalan ako ng ganang kumain kasi contaminated ng potatoes ang pagkain ko. #sobitter

Off limits na pala ang isang iyon. Hindi pa naman ako nakatulog ng mabuti buong weekend kakaisip sa kanya. My delusional self already created scenarios of our date, wedding, our children, at mga apo. Umabot pa nga ako hanggang sa pagpili ng lapidang ilalagay namin sa aming puntod pagtanda namin ng sabay. #soadvance

I might easily play with boys pero hindi ko pinapatulan ang mga may sabit na. Mang-aagaw ang kalalabasan ko doon. Some boys might lie to my face to score a casual make out and petting pero it is not in my place to investigate whether that is true or not. Lalo na kung hindi naman ako interesado to start an actual relationship with the guy.

The Girl He Never Wanted [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon