Chapter 22
Eli Montenegro
Yes that's me! After how many years, hindi nila sinabi? Antagal na pala nila akong niloloko. How dare them! I'm a Montenegro, a princess in our family!
I remember everything now. Everything! And that Drinna! Humanda sya saakin pagnakabalik na ako.
And Zele! I know him, Zelemous Dennamorn Madrid. Sya ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon, kung bakit ako itinulak ni Drinna sa dagat noon kaya ako napadpad dito. At sya rin ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ng sobra sobra ngayon. How dare him hurt me?!
Bakit nila ako nagawang lokohin, ano bang kasalanan ko sa kanila? Is it so hard to tell the truth? Kailangan ba nila ng pera kaya hindi nila ako binabalik sa pamilya ko? Kilala nila ako kaya alam kong alam na nila na mayaman ako, pero bakit hindi nila ako ibinabalik at inilihim pa talaga nila ang totoo.
Nagtiwala ako sa kanila. Tiwala ang binigay ko, pero sinira nila! Pinaniwala nila ako sa lahat ng kasinungalingan nila.
Nagsimula na namang magtuluan ang mga luha ko. Pagod na pagod na akong umiyak dahil sa kanila, sa mga panloloko nila saakin. Lalo na iyong nakita ko kanina sa yate. Para akong sinaksak dahil sa nasaksihan ko. Sana nga sinaksak nalang nila ako.
Pinahid ko ang mga luha ko at pinilit na pagmukhaing matapang ang itsura kahit sa loob ay durog na durog na ako. Hindi ko kailangang magmukang kawawa sa harap nila.
Nagkamali sila ng nilokong tao, I'm a Montenegro. And no one. No one can hurt a Montenegro.
Lagot sila sa Lolo ko!
Umayos ako ng tayo, pinagpagan ko rin ang damit ko at inilugay ang mahabang buhok. Inalis ko ang bakas ng luha sa mga mata ko. The Montenegro is back.
It's already 12:00 AM, and I'm still standing here in front of the door. Ayokong pumasok, ayokong pumasok sa lugar kung saan ako pinagkaisahan at nagawang lokohin ng ilang taon.
Bakit naman ang tagal nila Zele at Maya? Masyado ba silang nag eenjoy dalawa? Gustong gusto ko na ipamuka sa kanila kung sino ang niloko nila. Pero bago yun, gusto ko muna makita kung paano nila ako ia-approach pagkatapos ng ginawa nila.
A little acting will do.
After how many minutes, I saw them na.
Nang makita ako ay nagmamadaling tumakbo si Zele papalapit saakin at iniwan ang naglalakad na si Maya. So, magagaling din pala silang umacting? Parang walang nangyari kanina ah.
Nang makalapit saakin si Zele ay agad akong ngumiti ng matamis sa kanya. The Montenegro's famous smile, halos lahat ay nahuhulog.
Nakita kong natulala saakin si Zele, parang may naalala.
"Bakit?" malambing kong tanong sa kanya na nagpabalik sa kanyang wisyo.
"Ah sorry. I just remember my friends, naging kamuka mo kasi nung ngumiti ka." ngumiti din sya.
'Paanong hindi ko magiging kamuka eh pinsan ko ang mga kaibigan mo!' gusto kong isigaw sa pagmumuka nya iyon. And I'm wondering if sinabi na nya ba kina Thunder at Nixx na buhay ako at kasama nya. For sure hindi.
"Ahh. So, bakit ka natagalan?" inosenteng tanong ko. The show is about to start.
"Nahirapan kasi akong hanapin yung naiwan ko, nakalimutan ko kung saan ko nilagay. And, I saw Maya. So, sinabay ko na sya pabalik dito." mahabang paliwanag nya. Pwede na talaga syang mag artista.
Maya-maya lang din ay nakarating na si Maya sa harapan namin. I grinned.
"Ate, kamusta ang date? Siguradong hindi nasayang ang ayos sayo ni MM, dahil paniguradong sobrang saya ng date nyo." bati nya sabay ngiti saakin. Pathetic.
BINABASA MO ANG
Ocean In Your Eyes
Dla nastolatkówOcean In Your Eyes "Fallin' to the ocean in your eyes..." He's lost but he found her. (unedited)