CHAPTER 5

161 21 4
                                        

Chapter 5

Liezalin's POV

"Ano kaya mo pa ba?" natatawang tanong ko kay Zele na ngayon ay hindi magkaintindihan kung papaano ang gagawin sa gripong pinag iigiban namin.

Kanina nya pang hinihila iyong tunggaan eh hindi naman ganoon ang tamang paggamit nun.

Pagkagising na pagkagising kasi nya kanina ay tinanong namin sya kung mananatili muna sya rito sa amin hanggat hindi pa sya nakakapag desisyon kung uuwi na sya sa kanila.

Gusto nya raw muna na manatili rito sa amin.

Pero syempre hindi libre yun no! Kelangan nya ring kumilos dito samin. Hindi naman porket muka syang prinsepe ay mag kikilos prinsepe na sya dito sa bahay namin.

At pumayag naman sya na gumawa rin ng ibang gawaing bahay dito saamin, kabilang na doon ang ginagawa nya ngayon. Kelangan nyang mag igib ng tubig at punuin iyong drum sa aming palikuran.

"Hindi mo parin ba alam kung papaano iyan ginagamit?" natatawang tanong ko sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi nya parin alam kung papaano gamitin. Mukang laki talaga sa mayamang pamilya ang isang ito.

"Pano ko malalaman eh hindi mo nga sinasabi saakin kung papano?!" nakakunot ang noo at inis niyang sagot sa akin.

Napaka sungit talaga nitong Zele na to!

"Tumabi ka nga dyan at panoodin mo ako kung papaano." pinatabi ko muna sya sa gilid para mapanood nya ang gagawin ko, at para malaman na rin ng senyorito kung papaano ang tamang pag iigib ng tubig.

Nakataas ang kilay ko sa kanya habang marahang itinataas baba iyong hawakan ng tunggaan. May lumalabas ng tubig rito habang nag tutungga ako.

Prenteng nakatingin lamang saakin ang kulay asul na mga mata ni Zele.

"Ano alam mo na kung papaano?" di ko parin iniaalis ang tingin ko sa kanya.

"Marunong ka naman pala. Ikaw nalang ang umigib." naka ngising sagot nya na ikinainit ng ulo ko.

Kunot noo ko syang tinignan at pinag taasan nya lang ako ng kilay.

"Tss. Just kidding" umiiling iling na sabi nya atsaka ako hinawi sa kinatatayuan ko para sya naman ang mag tungga ng tubig.

Pinanood ko lamang sya habang ginagawa nya yun. Malapit ng mapuno ang timba na iniigiban nya.

Dalawang minuto pa ay napuno na yung timba na lalagyan ng tubig.

"Oh buhatin mo na yan dun." masungit ko na utos ko sa kanya. Inirapan nya lang ako at saka bigla nyang hinubad ang suot na damit.

Teka! Bakit sya nag huhubad? Gusto nya bang maligo kaming dalawa nang sabay? Teka di pa ako handa sa mga ganitong bagay- pero kung mapilit sya edi go go go! -charot!

"Hold this." napawi ang iniisip ko ng ihagis nya sa muka ko iyong damit na hinubad nya. Bastos to ah!

Binuhat na nya iyong timba na punong puno ng tubig at saka naglakad na pabalik sa bahay.

Pinagmasdan ko sya habang prenteng naglalakad kahit pa napaka bigat ng dinadala nya.

Napaka ganda ng hubog ng katawan nya. Mula sa balikat nya, likod, ang malalaki nyang braso na parang ang sarap pisil pisilin dahil sa mga muscle nito. Hindi naman sobrang kalakihan ang katawan nya, sakto lang para sa kanya.

Napadako ang tingin ko sa pwet nya. Ang laki! Papisil nga bhe -chos!

"Lieza"

Dahan dahan akong napalingon doon sa tumawag saakin.

Ocean In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon