CHAPTER 27

74 14 0
                                    

Chapter 27

Nang makarating kami sa resort ni Lolo dito sa Ylioha ay agad ding nawala si Silvanna. May iba palang lakad ang loka lokang iyon, naghanap lang ng makakasama papunta dito. Si Jov naman ay nasa kabilang kwarto at nag aayos ng gamit.

Akala ko ay simpleng resort lang ang ipinagawa ng Lolo, yun pala ay isang malaking resort. Literal na malaki dahil may mga building pa. Ang pangalan ng resort, siguradong sigurado akong nanggaling sa pangalan ng dalawang palaka.

E'S MONTENEGRO

Hindi manlang umisip isip ng mas magandang pangalan. Halatang hindi pinag isipan!

At ang dating maganda ng Ylioha ay mas lalong gumanda. Andami ring turista. May ilang kilalang artista rin na nagbabakasyon. Kilalang kilala na talaga ang resort na ito ni Lolo.

Siguro ay malaki laki rin ang kinikita ni Lolo dito! Makahingi nga ng share kapag balik ko sa mansion.

Nang bumaba ako sa yate kanina ay may iilang tao na nakakilala saakin. Iyong dati naming mga kapitbahay. Binati nila ako at syempre nginitian ko naman sila. At alam na nilang lahat kung sino talaga ako. Syempre, kagagawan ng magaling kong lolo.

Nae excite na akong mag uli-uli sa labas dahil gusto ko na ulit maligo sa dagat. Ang dami ring tao, mga pogi! May mga naglalaro ng volleyball, at may mga babaeng nagpapacute lang. May iba't ibang tindahan rin. May mga bata at matanda.

Sa tagal ni Jov ay lumabas na ako ng kwarto ko at kinatok ko na sya sa kwarto nya. Bukas ang pinto kaya pumasok na ako. At ang magaling! Naka tulog na pala dahil pagod. Napailing nalang ako at lumabas. Ako nalang muna ang mag isa ang uuli uli sa baba.

Nakasuot lang ako ng simpleng beach dress na color white and then flat sandals.

Naglakad lakad ako hanggang sa mapagod ako at huminto sa may bilihan ng buko juice. Isa lang sana ang bibilihin ko kaso may nakita akong bata sa isang tabi, walang kasama. Kaya dalawa ang binili ko, para sa bata ang isa.

"Salamat po." pagpapasalamat ko sa mag titinda atsaka dumiretso sa tabi ng bata.

Umupo ako sa tabi nya at pinakatitigan ito. Sa tingin ko ay nasa tatlo o apat na taon na ito.

Batang babae na hindi gaano kaputi at hindi rin gaano kaitim, ang mahaba at alon alon nitong buhok ay nakalugay at isinasayaw ng hangin. Matambok ang pisnge at mapula pula. Ang mga mata ay color gray! Cute at matangos ang maliit nyang ilong, pati ang naka pout nyang labi na sobrang red! In short ay sobrang cute ng batang ito!

"Hello!" bati ko sa bata. Hindi ko muna iniabot ang buko juice. Tumingin sya saakin at ngimiti ng abot hanggang mata.

"Heyow!" pati boses nya ay sobrang cute din.

"Anong pangalan mo? Ilan taon kana?" malambing kong tanong sa bata saka umipod pa papalapit sa kanya.

"Isla po, at mag po-powr na ako!"

Bibong sabi nya saka itinaas ang maliliit na daliri na may iba't ibang kulay, dahil sa hawak nitong mga candy na may iba ibang kulay.

"Ah, ako si Eli. Ate Eli. Gusto mo ba?" pagpapakilala ko saka inialok ang buko juice sa inosenteng bata.

Agad nya itong kinuha saakin atsaka uminom agad dito. Mabait syang bata, nafefeel ko.

"Tita Eli!" masayang sabi nya at inilagay sa tabi iyong lalagyan ng buko juice na wala ng laman! Ang bilis nyang naubos iyon samantalang napaka rami noong laman! Inisang lagok lang ba nya?

"Tita Eli? Pwede rin!" nang ngumiti ako sa kanya ay ngumiti sya saakin. Ang gaan agad ng loob ko sa batang ito. Napaka inosente nyang tignan at palagi pang nakangiti.

Ocean In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon