Epilogue
I was 12 years old when I first met her. The most pabebe granddaughter of Don Joss Pierre Montenegro or si Lolo P.
May ginaganap na party sa mansion ng matandang Montenegro at naimbitahan ang pamilya namin doon. Isinama kaming dalawa ni Kuya dahil gusto nila Mommy na kaibiganin namin ang mga apo ni Don Montenegro. Ang hindi nila alam ay kaibigan ko na ang dalawa sa mga apo nito.
Sina Thunder at Nix ang kambal na Montenegro ang naging una kong kaibigan, at sa party din na iyon naging kaibigan ko sina Raeme at Calder dahil naimbitahan rin pala ang pamilya nila sa party ng mga Montenegro.
Naghaharutan kaming lima noon nang may pitong taong gulang na bata na pumunta sa may harapan namin at sinundo ang kambal dahil tinatawag na ito ng kanilang Lolo.
That was the time when I got interested to her. She's so cute back then. Sobrang taba ng pisngi nya at mapula pula, hindi naman sya ganoon kataba pero nagmumukang chubby dahil sa pisngi nya. Sobrang puti nya rin at may kulay brown na mga mata. Ang mata ng mga Montenegro.
Nakasuot sya ng cute na yellow dress at may yellow na ribbon din sya sa ulo kaya lalo syang naging cute sa paningin ko.
"Hi!" nakangiting bati nya saamin nang makaalis ang dalawa nyang pinsan. Bakit hindi pa sya sumama sa mga pinsan nya?
Naunang nagpakilala sa kanya sina Raeme at Calder. At sa sobrang feeling close at feeling strong ni Calder ay binuhat nya pa ang bata kaya ang ending ay natumba sila pareho. Ang akala ko ay iiyak ang bata pero iba sya. Kasama sya ni Calder na tumatawa ng malakas.
Eli Montenegro...
Bumaling ang paningin saakin ng batang si Eli. Tumagilid pa ang ulo nya habang pinagmamasdan ako. Siguro ay nagtataka dahil hindi ako nakikipagkilala sa kanya.
"Hi, I'm Eli!" cute na cute nyang pagpapakilala saakin. Gustong gusto kong tanggapin ang kamay nya at makipaglaro sa kanya pero hindi ko magawa. Nahihiya ako.
"Bungi ka" yun nalang ang lumabas sa bibig ko at pag tingin ko kay Eli ay may namumuong luha sa mga mata nya.
Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa sobrang pagpapanic. Bakit kanina noong natumba ay hindi sya umiyak? Tapos ngayon naman ay sinabi ko lang na bungi sya ay may luha na agad ang mga mata nya?!
Si Calder at Raeme ay tumatawa tawa na sa aking likudan. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko sa batang ito tapos ay tatawanan lang nila ako!
"S-Sorry. Sabi ko cute hindi bungi. Ang cute cute mo." nakangiwing sabi ko at umupo sa harapan nya para punasan ang mga luha nya na hindi maawat sa pagtulo. Lalo lang syang umiyak dahil sa ginawa ko.
Baka mamaya ay bigla nalang akong pagbabarilin ng mga Montenegro dahil pinaiyak ko ang isa sa mga prinsesa nila!
Hindi pa naman ako marunong magpatahan ng bata! Anong gagawin ko ngayon dito?
Maya maya ay biglang may lumapit na batang lalaki saamin, sa tingin ko ay kaedad rin namin sya. Mukang foreigner pero ang alam ko ay apo rin ito ni Lolo P.
"Eli, why are you crying?" malambing na tanong nung lalaki.
"Jovannie! Niaaway ako!" pagsusumbong ni Eli at yumakap sa leeg ng pinsan nya. Sinamaan kami ng tingin ni Jovannie at binuhat ang umiiyak nyang pinsan papalayo saamin.
Halos taon taon ang party sa mansion ng mga Montenegro at syempre ay palagi ring naiimbitahan ang pamilya namin. And now, this is the third year na naimbitahan kami. I'm 15 years old now, and ang balak ko ngayon ay mag hahanap ng sexy'ng babae sa party na ito, mukang dito na ako makakahanap ng girlfriend.
![](https://img.wattpad.com/cover/240074603-288-k546907.jpg)
BINABASA MO ANG
Ocean In Your Eyes
Fiksi RemajaOcean In Your Eyes "Fallin' to the ocean in your eyes..." He's lost but he found her. (unedited)