Chapter 30
Sa pagtakbo ko papalayo kay Zele ay may iba't ibang boses akong naririnig. May mga tumatawag saakin at ang iba naman ay kinikilig? Anong nangyayari sa mga tao dito? Hindi ko na sila pinansin at patuloy lang ako sa pagtakbo habang umiiyak. Siguro ay may artista kaya sila nagtitilian.
"Shet, aray shuta wait lang. Oh ito na, ito na. Ehem, mic check. Ehem ehem. Oh pre ito na." boses ng lalaki sa microphone ang naririnig ko at maya maya lang ay narinig ko ng dumagundong ang malakas na boses ni Zele mula sa microphone.
Anong ginagawa nila?!
"ELI MONTENEGRO! MAKINIG KA. HINDI KO ANAK SI ISLA! MANIWALA KA, IKAW LANG ANG GUSTO KONG ANAKAN WALA NG IBA!"
Bigla akong napatigil sa pagtakbo nang marinig ang boses nya. Naka microphone pa sya kaya sobrang lakas ng boses nya lalo. Nakakahiya. Dahan dahan akong lumingon sa pwesto nya. Matiim syang nakatitig saakin, hawak hawak parin ang microphone. Sa likod nya ay may dalawang malaking speaker at sa tabi noon ay Calder na pawis na pawis. Sya ata ang bumuhat nun.
"Lo, narinig mo yun? Aanakan daw si Ate El!" tumatawang pagsusumbong ni Enzo kay Lolo na seryosong nakatingin kay Zele. Si Suho naman ay nakakapit sa damit ni Lolo habang kumakain parin ng lollipop.
"ELI OR LIEZALIN. LIEZALIN ELI 'PABEBE' MONTENEGRO. MAHAL NA MAHAL KITA. HINDI KITA KAYANG LOKOHIN, AT KAHIT KAILAN HINDI KITA MAGAGAWANG LOKOHIN. KAHIT SOBRA KANG PABEBE, IKAW LANG ANG MAHAL KO." pagsasalita muli ni Zele sa mic, nagtilian naman ang mga babaeng nanunuod. Umurong ang mga luha ko at pakiramdam ko ay sobrang pula na ng aking muka ngayon.
Hindi ba sobrang nakakahiya tong ginagawa nya? Andaming tao! Sabihan ba naman akong pabebe sa harap ng mga tao dito!
Hindi rin ako makagalaw sa kinatatayuan ako. Parang nasemento na ang aking mga paa dito.
Halos lahat ng tao sa resort ay nanonood saamin. May ibang nagbubulungan at ang iba ay kinikilig na. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Daig pa nitong may shooting dahil sa dami ng nanonood.
Dahan dahang naglakad si Zele papalapit saakin. Narinig ko ang biglang pag tugtog ng isang kanta.
Kakanta ba sya?!
"G na pre!" pag sigaw ni Calder mula sa tabi ng speaker. Sya ang taga ayos nung music. Kelan pa sya naging dj?
Inayos na ni Zele at pagkakahawak sa mic na dala nya at sa gitna ng sobrang daming tao, sa harap ng karagatan ay sinimulan nya akong kantahan.
"Don't the water grow the trees?
Don't the moon pull the tide?
Don't the stars light the sky
Like you need to light my life?"Masuyong sinumulan nya ang pagkanta, napaka lamig ng boses nya at sobrang sarap pakinggan. At ang kaninang mahinang tilian lamang ay ngayon ay lumakas na! Pati mga lalaki ay nagsisigawan na rin.
"If you need me anytime
You know I'm always right by your side
And see, I've never felt this love
You're the only thing that's on my mind
You don't understand how much you really mean to me
I need you in my life, you're my necessity
But believe me, you're everything that just makes my world complete
My love is clear, the only thing that I'll ever see"Sa bawat bigkas nya ng liriko ng kanta ay naglalaho ang maraming tao sa paligid. Sya nalang ang natira at ang aking nakikita. Parang tinatambol ng sobrang lakas ang puso ko dahil sa boses nya. Pakiramdam ko ay lalabas na ito mula sa dibdib ko.
Idagdag pa sa boses nyang napaka ganda ang mga asul nyang mata na sa akin lamang nakatutok at parang sinasaulo ang aking buong itsura.
"You're all I ever need
Baby, you're amazing
You're my angel, come and save me
You're all I ever need
Baby, you're amazing
You're my angel, come and save me"
BINABASA MO ANG
Ocean In Your Eyes
Novela JuvenilOcean In Your Eyes "Fallin' to the ocean in your eyes..." He's lost but he found her. (unedited)