Chapter 13
Liezalin's POV
"Lieza!" bumibirit na tawag saakin ni Nanay. Binanlawan ko agad ang kamay ko saka dumiretso papunta sa bahay.
Naglalaba kase ako ngayon. Si nanay nagluluto sa bahay at si Zele. Medyo magaling na sya, nagpapahinga na lang. Hindi na masyado pinapagawa muna dahil baka mabinat pa.
Tatlong araw na rin ang nakalipas mula nung asaran at yakapan naming dalawa ni Zele. Simula nung nangyari yun, sinimulan ko nang iwasan si Zele. Medyo naiilang lang kase talaga ako sa kanya.
Nagkakasama nalang kaming dalawa tuwing kakain, dahil iniiwasan ko talaga sya ng bongga. Kapag magkakasalubong kami sa bahay ay liliko o babalik nalang ako.
Mas mabuti narin siguro ang umiwas dahil ayoko na ulut maramdaman yung nararamdaman ko kapag kasama ko sya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kapag nasa malapit sya, sobrang bilis ng tibok ng puso ko kapag kausap ko sya. Magkakasakit ata talaga ako kung di ko pa sya iiwasan.
"Liezaaaa!" ito talagang si nanay napaka mainipin.
"Opo 'nay! Nandito na po ako!"
"Puntahan mo si Zele doon sa labas. Nagsisibak ng kahoy, sabihin mo magpahinga nalang kamo sya at baka mabinat pa!" nag aalalang sabi ni nanay.
Kamalas malasan ko naman ngayon! Iniiwasan ko na nga tapos itong si nanay gusto pang ipakausap sakin!
"Sige po" sagot ko na lang kahit labag naman sa loob ko.
"Sandali. Halika ka nga rito mag usap tayo." pahabol nya pa.
Ano na naman kayang chika nitong ni nanay. Di pa ba sya nanawa sa chika ni Aling Marites at pati ako ay gusto nya pang ka-chismisan.
"Ano po yun nay?"
"Ikaw ba e umiiwas kay Zele? Aba e hindi lang halata e, dahil halatang halata. May problema ba kayong dalawa?" bigla akong natauhan sa sinabing yun ni nanay.
Halata ba talaga na umiiwas ako?
Hindi ako sumagot kay nanay, sa halip ay nag iwas nalang ako ng tingin sa kanya.
"Lieza, kinakausap kita. Iniiwasan mo ba si Zele? Ang huling kita ko na maayos kayong dalawa ay noon pang isang araw. Ano ba talagang nangyari at kung maka iwas ka ay parang may sakit yung tao?" takang taka na tanong nya.
Ito talagang si nanay hilig na hilig chumismis.
"Hindi ko naman po sya iniiwasan nay. Kayo talaga kung ano ano ang iniisip nyo. Kakawattpad nyo yan nay." sabi ko at biniro ko pa sya, umaasang makakalimutan nya yung pinag uusapan.
"Huwag mo nga akong pinaglololoko dyan, Lieza. Kilala na kita. Bakit mo iniiwasan si Zele? May ginawa ba sya?" ayaw talaga paawat ni Nanay.
"Hindi nga po 'nay. Bakit ko naman sya iiwasan diba?"
"Hay nako. Bahala ka nga. Basta sinasabi ko sayo kung may problema kayo ayusin nyo hindi ganyang umiiwas iwas ka. Para kang tanga 'nak, umiiwas ka e nasa iisang bahay lang naman kayo." sermon nya pa.
Ouch dun sa tanga nay, ha.
"Sige 'nay, puntahan ko lang po si Zele dun."
Kapag ito talagang si Nanay ang chumika halwat buong pagkatao.
Dumiretso na ako papalabas para puntahan si Zele. Nakakatawang isipin na parang kanina lang iwas na iwas ako tapos ngayon bigla kong kakausapin. Tama nga si nanay. Para akong tanga. Pero teka- hindi ako basta basta tanga lang. Ako yung pinaka magandang tanga. Pero hindi talaga ako tanga. Charot charot lang yun.
BINABASA MO ANG
Ocean In Your Eyes
Teen FictionOcean In Your Eyes "Fallin' to the ocean in your eyes..." He's lost but he found her. (unedited)