Chapter 20
Ngayong araw ang date naming dalawa ni Zele, bigla kasing nag yaya. Ni hindi ko nga alam kung saan kami mag de-date, eh yung dagat lang naman ang alam kong maganda dito sa isla.
Maaga ring umalis si Zele, may pupuntahan lang daw kasama ang kaibigan nyang si Calder, nakauwi na ito sa Maynila noong isang araw, bumalik na naman. May balak ba syang sunduin si Zele at pabalikin ito sa pamilya nya?
Hindi naman sa ayaw ko nang paalisin dito saamin si Zele, pero kasi... Mamimiss ko sya. Sa isipin pa nga lang na aalis sya ay namimiss ko na agad sya.
"Nako, Madam! Lutang na lutang?!" pitik ng baklang si MM sa harapan ko. Aayusan daw kasi ako ng baklang ito ngayon dahil bongga daw ang date namin ni Zele. Eh ayaw ko ngang magpa make up sa kanya!
"Ayokong magpa make up! Kayo nalang!" tatayo na sana ako sa pagkakaupo nang hawakan ako ni Elian sa balikat. Umiling iling pa ito bago nagsalita.
"Sige na, Ate Lieza. Lalo kang gaganda kapag nagmake up ka!" nakangiting sabi nya saakin. Mabuti naman at ngumingiti na ulit ang batang ito. Mukang nalilimutan na nya paunti unti ang mga nangyari.
"Alam mo, Elian. Kahit hindi ako mag make up ay sobrang ganda ko na. Kahit may libag ako ay maganda parin ako. Kahit mabaho ako, maganda parin. At kahit madungis ako ay maganda parin ako. Kaya hindi! Hindi ako magpapamake up!" pagmamayabang ko at akmang tatayo na ulit nang si Maya naman ang sumulpot na may dalang maganda dress.
San nya namang sampayan nakuha ang dress na iyan?!
"Ate, umupo kana at magpaayos dyan sa binata'ng yan!" tumatawa tawa pang pang-aasar ni Maya kay MM na agad din namang ikina irap nito. Pano ba naman ay hindi nga mukang bakla si MM, muka syang binata at hindi binabae. Napaka gwapong bata pa naman.
"Ayoko nga! Baka kung kani kanino mo na ginamit iyang make up na yan." pilit ko pa. Ayoko talagang magpalagay ng make up. Malay ko ba kung malinis iyong pang lagay sa muka na iyon. Baka kung kani kaninong muka na nag galing ang pang make up ni MM.
"Ay, Madam! Excuse me! Bagong bili ito ng ate ko, galing pa sa ibang bansa at magandang brand ang binilhan." pagmamayabang pa ni MM habang naka taas ang mga kamay na nakahawak sa make up nya.
Nakailang pamimilit pa sila saakin bago ako pumayag na magpa ayos kay MM. Puro pambobola at pang aasar ang inabot ko sa kanila kanina. Kapag lang talaga nagmuka lang akong isda sa ayos ko mamaya, ipapakain ko sa kanila ang make up na ginamit nila sakin.
"Pumikit ka muna, Madam! Mamaya kana mag beautiful eyes kapag kaharap mo na ang fafa!" maharot na sabi ni MM habang inaayusan parin ako. Narinig ko pa ang mahina nilang hagikhikan ni Elian.
May kung anong pinasirit saakin si Elian at maya maya lang ay naamoy ko na ang napaka bangong amoy noon. Hindi matapang at masakit sa ilong. Amoy mabangong bulaklak.
"Ano, mabango ba ate?" excited na tanong ni Elian saakin. Kahit hindi ako nakamulat ay ramdam kong nakangiti siya. Napaka ganda talaga ng batang ito kapag nakangiti.
"Mmm." mahinang pag sang ayon ko nalang sa kanya saka maharang ngumiti din.
"Okay. Open your eyes!" maya maya'y masayang sigaw ni MM. Mukang natapos na nya ang pagme make up saakin. Mabuti naman at talagang kanina pa ako inip na inip dito. Uminit na ang pwet ko sa tagal kong nakaupo sa upuan. Inabot na ata kami ng gabi pag aayos dito.
Dahan dahan akong nagmulat at humarap sa salamin.
Hindi na nakakagulat, ang ganda ko parin.
Ngumiti ako sa tapat ng salamin atsaka pinagmasdan ng mabuti ang ayos ko ngayon. Hindi naman masyadong kakapalan ang inilagay saakin ni MM pero lalo talaga akong gumanda sa ayos ko ngayon. Kumbinsido na akong magaling talaga syang mag ayos. Pati buhok ko ay kanyang pinakealaman. Naka messy bun lang ito pero nagmukang elegante. May talent ang bakla.
BINABASA MO ANG
Ocean In Your Eyes
Novela JuvenilOcean In Your Eyes "Fallin' to the ocean in your eyes..." He's lost but he found her. (unedited)