CHAPTER 17

82 15 2
                                    

Chapter 17

Liezalin's POV

"Gusto mo na pala ako ha." mahinang bulong saakin ni Zele saka siya mahinhin'g tumawa sa tapat ng tenga ko.

Ako naman ngayon ay hindi makagalaw dahil sa sinbi nya. AKALA KO BA AY WALA SYANG ALAM SA NANGYARI KANINA?! masyado syang magaling umarte. Mapanlinlang!

Bahagya ko pa syang tinulak para lumayo sa pagkakayakap bago sumagot sa pang aasar nya. Dahil sigurado ako na maya't maya na naman nya akong aasarin dahil sa narinig nya.

Kanina lang ay ang lakas ng loob kong sabihin na gusto ko sya tapos heto ako ngayon. Hiyang hiya! Eh akala ko naman kase patay na talaga sya!

"Tumahimik ka nga diyan! Anong gusto ang sinasabi mo? Nabingi ka lang siguro, baka may nakapasok na tubig sa tenga mo nung nahulog tayo sa tubig kaya nabibingi kana." dire diretsong sabi ko na pilit tinatago ang kaba. Letse ka talaga Zele! Baka sa sobrang pang aasar mo ay mapaamin talaga ako!

"Talaga ba?" taas baba ang kilay na pang aasar nya pa sabay kindat saakin.

Jusko mahabagin! Wag kang kumindat kindat sakin, Zele kung ayaw mong mahalikan ng bongga!

"Ano ba! Tigilan mo na nga ako sa mga pang aasar mo. For your information, wala akong gusto kita- este wala akong gusto sayo! Diyan kana nga!" sigaw ko sa kanya at nagmamadaling lumabas ng bahay. Pero hanggang sa labas ay naririnig ko parin ang mapang asar nyang pag tawa. Nakakainis!

At ang isa pang nakaka inis ay ang lintik na bibig ito ipapahamak pa ako!

"Eh bakit ba kasi hindi kana lang umamin kay Zele na gusto mo sya?"

"Gusto ko na nga umamin sakanya kaso natatakot ako!" sagot ko.

"Wala namang nakakatakot sa pag amin ah?"

"Meron! Baka kase hindi nya rin ako gusto, at pag nagkataon maiiwan lang akong luhaan na nga, inaasar pa at- AT TEKA NGA SINO KABA?!" bigla akong natauhan sa pagsasalita nang mapagtanto ko na may kausap pala ako.

Humarap ako sa kausap ko at isang gwapong lalaki ang naka ngisi ang tumambad saakin. Saan ba nanggagaling ang mga gwapong ito? Buti nalang talaga at hindi mga basura ang inaanod sa isla na ito, kundi mga gwapo!

"Calder Yhaim, binibini." magalang na pagpapakilala nya at saka marahang kinuha ang kamay ko at hinagkan ang likod ng aking palad. Hindi naman ako kaagad nakapag react sa ginawa nya dahil sa gulat.

At halos masubsob na sya sa pagkakahalik sa palad ko nang may malakas na kamay na bumatok sa kanya. Siguradong mamumula ang maputi nyang balat dahil sa lakas ng hampas na iyon.

"Fuck off, you fucker!" madilim ang mga matang bigkas ni Zele sa likod ni Calder.

"Easy bro, nagpapakilala lang ako masyado kang seloso. Baka kase nakalimutan-"

"Shut up! Tara na, Lieza, mamaya nalang kita aasarin." hindi na pinatapos ni Zele sa pag sasalita si Calder at mabilis akong hinila papasok sa bahay namin.

Nang makapasok sa bahay ay agad nya akong pinag hila ng upuan.

"Kumain kana." sabi nya kaya napatingin ako sa mesa at nakakita ng mga hindi pamilyar na pagkain pero sa loob loob ko ay paborito ko silang lahat! Hindi ko pa natitikman ang kahit na alin dyan pero bakit parang naging paborito ko na agad ang mga ito?

"Saan ba galing itong mga to? Atsaka, iyong si Calder dun sa labas? San ba nang galing ang tao na iyon?" bahagyang natawa si Zele sa aking huling tinanong sa kanya.

"Kumain kana muna, mamaya ay masasagot iyang mga tanong mo."

"Calder, nga po pala." magalang na pagpapakilala ni Calder kay nanay. Nang matapos kumain ay dito kami nagtipon sa sala, pinapasok rin namin dito sa loob si Calder. Kaibigan pala sya ni Zele!

Ocean In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon