Chapter 9
Liezalin's POV
"Nay, si Maya po?" tanong ko kay Nanay na nag luluto ng hapunan namin. Hindi ko pa kase nakikita si Maya atsaka si Zele, kanina pa. Siguro ay magkasama ang dalawang yun.
"Nasa palengke kasama ni Zele, teka- akala ko ba ay magkakasama kayong tatlo?" nagtatakang tanong ni Nanay.
"Ho?"
"Ang sabi saakin ni Maya kanina noong nagpaalam sya saakin ay tatlo kayo nina Zele na pupunta sa palengke, bakit hindi ka sumama?"
Siguro ay nag sinungaling na naman si Maya para lamang makasama nya at masolo si Zele. Napaka harot talaga ng kapatid kong iyon.
"Ah hindi na po ako sumama, Nay. Medyo sumakit kase ang ulo ko kanina" palusot ko nalang sa kanya atsaka ako dumiretso papalabas ng bahay.
Hapon na at malapit nang mag dilim pero wala parin sila, ano naman kayang dahilan at natagalan pa sila kung kanina pa sila naka alis?
Siguro ay sinusulit ni Maya na magkasama silang dalawa ni Zele-
Teka! Parang si Zele iyon ah?!
May lalaking naka upo sa may buhanginan at parang malalim ang iniisip. Bulto nya pa lamang ay alam ko nang si Zele nga iyon.
Pero kung narito na sya, nasaan si Maya?!
"Hoy!" tawag ko sa kanya. Para naman syang nagulat at agad na napalingon saakin.
"Bakit? Miss mo na agad ako?" natatawang tanong nya.
"Nasaan si Maya?"
"Sa market, iniwanan ko dun" balewalang sagot nya at tumitig na lamang ulit sa kawalan.
"Siraulo ka ba?! Bakit mo iniwan dun ang kapatid ko, alam mo bang mag gagabi na? Wala ka bang utak? Alam mong babae yun tapos iiwanan mo mag isa?" sunod sunod na sigaw ko sa kanya.
Hindi sya umiimik ni lumingon ay hindi nya ginagawa. Ganito ba talaga tong lalaking to? Napaka sama pala talaga ng ugali nito!
Dahil wala talaga syang balak na sumagot, sa sobrang inis ko ay napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok.
Maaga akong tatanda sa lalaking ito!
Tinalikuran ko na sya atsaka dumiretso sa bahay para kunin iyong flashlight. Balak kong sunduin sa palengke si Maya dahil mag gagabi na delikado sa daan lalo pa't mag isa lang sya. Madilim na rin ang langit at parang uulan pa.
Nagmadali na ako sa paglalakad at malayo layo pa ang lalakadin ko papuntang palengke.
Habang naglalakad ay hindi ko napigilang maalala si Zele. Naiinis ako sa kanya. Ang sama ng ugali nya.
Narinig ko pa syang tinatawag ako pero hindi ko sya pinapansin. Kelangan ko nang sunduin si Maya, baka mapaano pa sya sa daan, madilim na.
Sa madadaanan kong tindahan ni Aling Katkat ay may mga lalaking nag iinuman at mukang may tama na. Mukang di rin sila taga rito, mga dayo.
At nang lalagpasan ko na sana sila ay biglang humarang iyong isang kalbong mama sa harap ko."Bakit ho?" magalang kong tanong.
"Samahan mo muna kami rito, miss beautiful." ngiting asong saad nya.
"Oo nga miss" segunda pa ng mga kasamahan nito.
"Pasensya na ho ah, may importante ho kase akong pupuntahan. Makikiraan po."
Lalagpas na sana ako nang hawakan pa nung mamang kalbo ang braso ko.
"Bitawan nyo po ako, mayroon pa ho akong importanteng pupuntahan kaya wag kayong paepal" di ko na napigilan ang sarili ko na magsalita ng ganoon.

BINABASA MO ANG
Ocean In Your Eyes
Teen FictionOcean In Your Eyes "Fallin' to the ocean in your eyes..." He's lost but he found her. (unedited)