Chapter 3
Zele's POV
Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang biglang pagsakit ng katawan ko. Parang kapag gumalaw ako ay bigla nalamang maghihiwa hiwalay ang parte ng katawan ko. Ganito ba talaga kapag patay na ang isang tao?
Sinubukan kong imulat ang mga mata ko at ng nagbukas na ang mga ito ay may mga taong nakatungo at nakatingin saakin. Para bang inaabangan nila na gumising ako at sabihing ayos lang ang pakiramdam ko. Mga angel ba sila? Nandito na ba ako s heaven? Pero hindi naman sila mga mukang anghel!
"Hijo, ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nung isa sa mga anghel.
"Nasa langit na ba ako? Mga anghel ba kayo?" sa tanong kong iyon ay bigla silang napahagalpak ng tawa. Ano bang naitanong ko na nakakatawa. Hindi ba at patay na ako dahil sa pagtalon ko sa dagat noong gabi? Wala ba ako sa langit? Baka naman nasa impyerno ako.
Sinimulan kong igala ang paningin ko.
Buhay pa pala ako. Kaya pala hindi mga mukang anghel itong mga taong ito.
Nandito ako sa isang masikip at pangit na bahay na ito. Bakit ba kasi niligtas pa nila ako. Tss.
"Hoy pogi, muka ba kaming mga anghel ha?" tanong nung isang babae habang tumatawa ng malakas.
"Hindi, muka kayong tanga. Tss." iritado kong tugon. Napatigil naman sya sa pagtawa ng malakas at biglang sumimangot.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" ulit na tanong noong isang medyo matandang babae.
"Bakit nyo ba kasi ako iniligtas?" iritadong balik na tanong ko.
Kung hindi nila ako iniligtas ay wala sana ako rito. Patay na sana ako at kasama ko na sana ang kuya ko ngayon. Pero dahil pakialamero sila at niligtas nila ako ay heto ngayon at buhay na buhay pa ako.
"Hindi ka naman namin iniligtas" sagot nya habang nakatitig ng mariin saakin.
"Hindi iniligtas? Eh anong ginagawa ko rito kung hindi nyo ako iniligtas?"
"Nakita ka lamang ng anak namin sa may dalampasigan kaya dinala ka nya rito." marahang tugon nya.
"So do you think I'm going to believe that huh?"
"Hoy pogi, wag mo nga kaming english-englishin ha! Ang sinasabi lang naman ni nanay ay hindi ka naman talaga namin iniligtas, dinala kalang ng kapatid namin dito dahil naaawa sya sayo" maarteng sabi nung babae kanina.
"That's the point! Kung hindi ako binuhat ng kapatid nyo papunta dito edi sana nandun parin ako sa dagat at tinatangay ng alon!" ganting sabi ko. Kung pinabayaan nalang sana nila ako...
"Eh sino bang nagsabi na binuhat ka ni Ate? Hindi ka nya binuhat, hinila ka nya simula dalampasigan hanggang dito sa bahay namin!" sabi nya sabay irap.
WHAT? TANGINA!
"Hinila? What the hell?! Baliw ba iyang kapatid mo?" may sasabihin pa sana ako kaso biglang may pumasok mula sa pinto. Isang napaka gandang- no! Not just maganda- but a goddess! There's a goddess here! Tangina, ang gandang babae!
Bakit parang nakita na at kilala ko sya. Parang nagkita na kaming dalawa dati. I just can't remember when and where. But, she's so damn familiar! The features of her face is so- damn! Is she a model? And the curves, she's so sexy!
"Anong baliw? Ikaw na nga itong pinagmalasakitan tapos tatawagin mo pa akong baliw? Kung hindi kita dinala dito baka kung ano ng nangyari sayo sa labas."
What? Did I heard it right? Sya ang nagdala sakin dito? Sya pala iyon.
Hindi ko na babawiin ang sinabi kong maganda, pero baliw talaga sya! May matino bang tao na gagawin iyong ginawa nya saakin? Hinila nya lang naman ako mula tabing dagat hanggang dito sa pangit nilang bahay.
"Ano? Natulala kana dyan? Ang ganda ng ate ko ano?" singit noong babaeng mukang kulangot sa tabi ko.
"Shut up! You freaking booger!" singhal ko sa kanya. Bigla naman syang sumimangot at ngumuso. Tangina, feeling cute tong kulangot na to ah.
Sobrang sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko ay buong araw ako tumakbo ng walang pahingahan. Pero kahit masakit pa ang katawan ko ay pinilit kong makabangon sa pinagkakahigaan ko.
Gusto kong lumabas sa bahay na ito.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuan ng bahay na ito. Ang panget.
I have this feeling that I might suffocate anytime if I stay longer in this ugly damn house.
Palabas na sana ako ng bahay ng makasalubong ko ang isang medyo matandang lalaki.
"O hijo, maayos na ba ang pakiramdam mo? Bakit umalis kana agad sa higaan?" tanong nya.
"Hay nako Pepito, tinatanong ko nga kung ayos lang sya kaso ayaw naman sumagot. Kung nahuhulaan ko lamang kung anong masakit sa batang iyan ay gagamutin ko na. Tignan mo at mukang hirap sa paglalakad oh!" segunda pa noong medyo matandang babae. Mag asawa siguro itong dalawa na to.
Hindi ko na sila pinansin at dumiretso sa labas.
Malapit lamang pala ang dalampasigan rito. Halos benteng hakbang lang ay nandun na.
Umupo ako sa buhangin. Hindi na masyadong mainit dahil hapon na.
Iniisip ko iyong mag asawa. Bakit ganun sila kabait saakin? Kung ang dalawang yun ang mga magulang ko ay baka nasapak na naman ako ni Daddy.
This is the first time that someone cares for me except for my brother, Kuya Zyn.
Bakit ba naisipan kong magpakamatay noong isang gabi. Napadpad tuloy ako kung saang lupalop.
I don't know how to get back, and I don't have my money with me. Tinangay yata ng alon ang wallet ko.
This place seems so peaceful. Kung dito na kaya muna ako? I know na hindi naman ako hahanapin nina Mommy. Baka nga masaya pa sila dahil wala ako sa bahay. At ang trabaho ko? Bahala na muna sila don. For now, I want to be free and have a peace of-
"HI POGI!"
"OY GRABE ANG POGI MO NAMAN!"
"NAGBABAKASYON KA BA DITO POGI?"
mind.
Liezalin's POV
"HI POGI!"
"OY GRABE ANG POGI MO NAMAN!"
"NAGBABAKASYON KA BA DITO POGI?"
Aba kita mo nga naman tong mga haliparot na mga mukang talabang kire na to! Hinaharot agad si pogi!
"Hoy mga babaeng talaba! Umalis nga kayo dyan, may pag uusapan lang kami." sita ko sa kanila.
"Grabe naman tong si Liezalin! Nagpapakilala lang naman kami kay pogi!"
"Oo nga naman, Liezalin wag kang madamot! Balita nga namin ay doon sya tumutuloy sa inyo, pinsan mo ba sya?"
Tuloy tuloy parin sila sa pagtatanong at hindi na namalayan na nakalakad na papalayo si pogi.
Iniwan ko na iyong mga talaba- este mga yung mga babae na iyon.
Pinuntahan ko si pogi.
"Ano bang pangalan mo?" tanong ko sa kanya atsaka umupo rin sa buhangin katabi nya.
"Zele" maikling tugon nya.
Ang ganda naman ng pangalan nya. Pangalan palang ulam na- charot!
"Hmmm ako nga pala si Liezalin- Lieza nalang hehe" pakilala ko sa kanya. Tinitigan nya lang ako atsaka ibinalik iyong paningin nya sa karagatan. Suplado.
Kulay asul pala ang mga mata nya. Ang ganda ganda, parang nakikita ko iyong karagatan sa mga matang iyon.
"Bakit kaba napadpad dito? At bakit parang mas gusto mo pang mamatay kesa sa iligtas?" tanong ko.
"What kind of place is this?" tanong din nya imbis na sagutin iyong tanong ko.
"Nandito ka sa isang isla. Isla Ylioha."
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Ocean In Your Eyes
Dla nastolatkówOcean In Your Eyes "Fallin' to the ocean in your eyes..." He's lost but he found her. (unedited)