Chapter 2
Zele's POV
It's already 1:00AM at nagising ako dahil sa malakas na pag iyak ni Mommy sa baba.
What happened?
Bumaba ako sa kama at naglakad palabas sa kwarto para makita kung anong nangyayari sa baba at parang may mga umiiyak. Ano bang nangyayari? Bakit parang nagkakagulo dito sa bahay?
Sumilip ako sa may hagdan para tignan ang mga pangyayari na nagaganap ngayon sa bahay namin.
Bakit nandito ang girlfriend ni kuya na si Ate Jaspher ng ganitong oras? Umiiyak rin sya. Even the Madrids are all here. Ano ba talaga ang nangyayari dito?
Bumaba na rin ako para matukoy kung ano ang nangyayari for me to be shocked at what I saw.
Then there, I saw how bloods covered my Dad's hand when he strongly punched the wall. Why did he do that? And he's crying! What the hell is exactly happening here?!
And where's Kuya? Kung nandito ang girlfriend nya ay dapat na nandito rin sya. Pero bakit ngayon ay hindi sya mahagilap ng paningin ko. Luminga linga pa ako para hanapin ang pamilyar na bulto ng aking kuya.
Lumapit ako kay Ate Jaspher.
"Si Kuya nasan?" I innocently asked her. But my question just makes her sobs louder and louder.
Bigla akong kinabahan dahil sa mga inaasta nila. Bakit ba ayaw nalang nila na sabihin kung ano ba talaga ang nangyayari dito. Mahirap manghula!
"Nasan ang kuya ko?" ulit kong tanong sakanya. Hindi sumasagot si Ate Jaspher dahil iyak lang sya ng iyak habang nakayakap sa nanay nya.
"Zele, w-wala na ang kuya mo. P-Patay na sya..."
Biglang nagpantig ang tenga ko dahil sa narinig ko. No. Is this a prank? Joke? Or they are just practicing their acting skills, mag aartista ba sila? Or this is just a dream- no a nightmare to be exact!
This can't be happening.
No. Kuya Zyn won't leave me. I know he won't leave me just like that. He promised, he'll see me today!
They're just kidding. Alam kong buhay pa si Kuya. Alam kong hindi ako iiwan agad agad ni Kuya. Bakit ba sila nagsisinungaling? Anong trip nila sa ganitong oras?
"KUYA? KUYA! WHERE ARE YOU?" hiyaw ko at biglang natigilan silang lahat at tumingin saakin. Wala akong paki, nasaan ang kuya ko!
"Zele!" saway saakin ni Tito Levion, Kuya Levi's father. May pagbabanta sa tono nya pero kabaligtaran noon ang itsura nya ngayon. Malamlam ang mga mata at mahahalatang nanggaling ito sa matinding pag iyak.
"Tito, nasan si Kuya?" may namumuong luha na rin sa mga mata ko. Unti unti na akong naniniwala dahil sa mga nasasaksihan ko. Pero may bahagi saakin na ayaw paring maniwala sa pangyayari dahil hindi ko matanggap. Hinding hindi ko matatanggap.
"Wala na sya. He died at exactly 12:00am because of heart attack." nakatungong sagot nya. Tuluyan ng nagbagsakan ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.
Hindi pwede to. Hindi ito totoo!
Napailing iling ako. Hindi ito totoo. No. No. Not my Kuya, please! Sana hindi ito totoo. Sana panaginip lang ito. Handa ulit akong magpasapak kay Daddy, sabihin nyo lang na hindi ito totoo!
Not my, Kuya Zyn. I'm begging, please not him. Please...
_________
It's been 5 days since Kuya Zyn died. At hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap ang nangyari. Who the hell would easily forget what just happened?! My Kuya died!
BINABASA MO ANG
Ocean In Your Eyes
Novela JuvenilOcean In Your Eyes "Fallin' to the ocean in your eyes..." He's lost but he found her. (unedited)