Chapter 26
They say "Forgiveness is about letting go of the anger and your desire for revenge."
And now, I already realized that. I'm ready to forgive and forget. Hindi ko kaya mabuhay na mayroong kinikimkim na galit sa dibdib. Hindi ako ganoon kasamang tao para hindi magpatawad, lalong lalo na hindi ako Diyos para ipagkait ang pagpapatawad sa iba.
Pumunta ako sa ibang bansa para ayusin ang sarili ko. Para makalimot. To be a better person.
At magpabebe.
Pero hindi ko kayang kalimutan ang lahat, and I realized that forgiveness is the answer. Kailangan kong magpatawad.
And now, nandito na ulit ako sa Pilipinas.
After 6 years ay nandito na ulit ako.
"It's good to be back!" masiglang sigaw ko pagdating namin sa airport. Palinga linga ako sa paligid at nakita kong pinagtitinginan nila ako.
Sino bang hindi titingin, sa ganda kong to! Montenegro genes! And plus, I'm a model now! Kaya talagang litaw na litaw ang ganda ko! Apo ba naman ni Pierre Montenegro!
"Let's go, para makapag pahinga na tayo." nakangiting sabi ng gwapong lalaki sa tabi ko at saka umakbay saakin. Ang bango nya talaga!
"Okay" sagot kong nakangiti rin, kumapit ako sa bewang nya at humilig sa kanyang balikat.
Naglakad na kami papalabas at hinihintay nalang namin iyong susundo saamin dito. Hindi ba dapat ay sila ang mag hihintay, pero bakit kami ang nag hihintay ngayon dito?
"Lieza! I mean Eli pala! Shuta andami kasing pangalan!" sigaw ng kung sino.
A tall handsome man, approached us. He's familiar!
"Girl, ang tagal mo! Kanina pa kami naghihintay dito!" and confirmed! This guy is Calder!
Niyakap ko muna sya ng mahigpit bago ako sumagot sa kanya. Namiss ko sya kahit puro sya kagaguhan dati!
"Bakit ikaw ang susundo? Naghirap kana ba kaya naging driver kana lang?" pagbibiro ko sa kanya, pero mukang hindi sya na offend dahil taas noo pa syang tumingin saakin at inayos ayos ang suot na business suit.
Aba't naka business suit ang loko! Yayabangan pa sana ako ni Calder pero sumingit na si Jovannie.
"Excuse me, ikaw ba ang sundo? We need a rest. So, let's go." magalang na saad nya saka hinawakan ang kamay ko.
Eksaherada namang napasinghap si Calder at napatakip sa bibig nya.
"Pre, san na ba si Eli?" isa pang baritong boses ang narinig ko mula sa likuran namin at isang matangkad na lalaki ang papalapit sa pwesto ni Calder. Si Raeme.
Ang alam ko ay kabarkada din sya nina Thunder. Di ko lang sya ganon ka close.
Itinuro ako ni Calder at napatingin saakin si Raeme. Ngumiti sya at naglahad ng kamay.
"It's nice to see you again, Eli. Lalo kang gumanda." bati nya. I know right!
Inabot ko ang kamay nya at ngumiti rin sa kanya. Nagyaya na si Calder at pumarada na sa harap namin ang isang malaking van.
Papasok na sana kami sa van nang pigilan ni Raeme si Jovannie na sumakay. Hindi ko nga pala sya naipakilala.
"Pre, ang alam ko si Eli lang ang susunduin namin eh."
"Uh, Raeme? He's with me." nakangiwi kong sagot sa kanya. Saka hinila na si Jov papasok sa van. Hindi na nakapag reklamo si Raeme at sumakay nalang din silang dalawa ni Calder sa likod ng van.
BINABASA MO ANG
Ocean In Your Eyes
Dla nastolatkówOcean In Your Eyes "Fallin' to the ocean in your eyes..." He's lost but he found her. (unedited)