CHAPTER 18

82 15 1
                                    

Chapter 18

Simula nung araw na nagkaaminan kaming dalawa ni Zele ay parang mas sumaya ako, gumaan ang pakiramdam, dahil narin siguro na nalaman ko na gusto rin ako ng taong gusto ko. Mas lalo rin syang naging sweet at naging maalaga saakin pero syempre hindi na talaga mawawala iyong pang aasar nya saakin. Pero sa halip na maasar ako sa kanya ay parang kinikilig pa ako? Kakaiba!

Iba pala talaga sa pakiramdam. Ang sabi ng iba ay masarap umibig, at may kasama din itong sakit. Pero, umiibig na nga ba ako kay Zele? Ano bang pinagkaiba ng gusto sa iniibig? Wala pa man ay may pakiramdam na akong susubukin kami ng tadhana. Pero handa na akong sumugal para kay Zele. Hinding hindi ko sya iiwan kahit anong mangyari, sana ay ganun din sya.

"Zele?" pag tawag ko sa kanya, naka higa sya sa buhangin at naka unan sa mga hita ko. Alas kwatro na nang umaga at nandito kami sa dalampasigan upang hintayin at panoodin ang pag sikat ng araw.

"Hmmm?" tugon nya habang nakapikit at dina dama ang lamig ng hangin ng umaga. Hinagod ko ng aking mga daliri ang buhok nya para ayusin bago ako ulit nag salita.

"Kailan mo balak bumalik sa pamilya mo?" tanong ko pero nanatili syang tahimik at nakapikit. Hindi sya tulog, sadyang ayaw nya lang siguro pag usapan ang tungkol sa bagay na iyon kaya tumahimik nalang ulit ako.

Pero sadyang likas na ang pagiging madaldal ko at hindi talaga ako makatagal sa katahimikan.

"Kung tatanungin ka, gugustuhin mo bang tumira dito? Sa lugar na ito?" malambing na tanong ko habang nilalaro ang mga buhok nyang sobrang lambot na parang hindi manlang naranasang gumaspang- maging dry.

Nagmulat sya ng mata at diretsong tumingin saakin bago ako sinagot.

"Kahit saan ay gugustuhin kong tumira, basta't kasama ka." nakangiting sagot nya sabay kindat saakin.

"Malandi!" pabiro ko syang hinampas sa braso nyang may muscle. Pero intensyon ko talaga na hampasin iyon, kanina ko pa kasi gustong gusto iyong hawakan. The biceps mamsh!

"Ikaw lang naman ang nilalandi." tumatawa nyang sabat saakin saka nya niyakap ang bewang ko na agad kong ikinagulat. Tsansing ang malanding ito ah!

"H-Hoy tsan-"

"Shhh. Let me stay like this for a while." bulong nya na nakapag patigil sa sasabihin ko sana.

Hindi na naman ako makahinga, ang puso ko parang may tumatambol. At parang may nagrarambulan na kung ano sa tyan ko. Pinabibilis na naman nya ang tibok ng puso ko. Mahal na ata kita!

Sumisikat na ang araw at nandito parin kami at pinapanood parin ito. Naka upo na si Zele sa tabi ko at nakasandal ako sa balikat nya. Masayang panoodin ang pagsikat ng araw habang katabi mo ang taong gusto mo. Naaalala ko dati nuong nakita ko sina nanay at tatay na nandito rin sa dalampasigan at pinapanood ang pagsikat at ang paglubog ng araw. Anniversary nila noon, ginagawa daw nila iyon palagi- tanda na simula una at hanggang sa wakas ay sila parin ang magkasama. Napangiti ako sa naalala. Sana all.

Biglang humarap saakin si Zele at hinawakan ang magkabilang balikat ko na agad kong ikinagulat muli. Palagi nalang akong nasusurpresa sa mga ikinikilos niya.

"Lieza, ako naman ang magtatanong sayo." seryoso pero may lambing ang pagkakabigkas nya noon.

"Ano?"

"Kung tatanungin ka, gugustuhin mo bang makasama ako- hindi mo ba ako iiwanan?" tanong nya na nakapagpatigil saakin.

"Anong klaseng tanong ba yan?" natatawang sagot ko sa kanya. Bakit ko naman sya iiwanan? Saan ba ako pupunta- atsaka saan naman kaya ako makakarating eh hanggang dagat at palengke lang naman ang kaya kong puntahan.

Ocean In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon