CHAPTER 14

103 16 2
                                        


Chapter 14

Liezalin's POV

Hindi ko na kaya tong nagaganap na hindi namin pagpapansinan dalawa ni Zele. Mas lalo akong naiilang dahil hindi naman ako sanay na hindi nya ako pinapansin.

Pailang araw na nya akong di pinapansin ngayon. Pabebe pa.

Nasa kwarto sya ngayon at pinag lalaruan yung phone nya.

Lumapit ako sa pinto ng kwarto dahil may narinig akong boses. Kanina lang ay may kung ano syang kinakalikot sa cellphone nya, tapos ngayon naman kumakanta?

Inilapit ko pa ng sobrang lapit ang tenga ko para marinig ko ng malinaw yung boses nya.

Shet, ang ganda ng boses ni kuya mo!

Ang ganda ng boses ni Zele! Singer ba sya?

Dahil sa sobrang kadidikit ko sa pinto ay bigla itong bumukas ako naman dirediretsong napadapa sa sahig.

Malas!

"Shit!" halos mapatalon sa gulat si Zele dahil sa biglang pagbagsak ko. Nanlalaki pa ang mata nyang nakatingin saakin dahil sa gulat.

"Hi? Hehehe"

Umiling iling lang sya saka humiga at tinalikuran ako. Bakit di na nya tinuloy yung kinakanta nya? Nahihiya ba sya?

Lumapit ako sa kanya saka sya tinawag.

"Zele" hindi sya lumilingon.

"Zele, oy!" ayaw parin. Sumobra naman sa pagka pabebe tong isang to.

"Bakit ayaw mo akong pansinin?" madramang sabi ko. Baka umepek. Ayaw nya parin akong pansinin. Grabe naman magtampo to.

"Zele?"

"What?" walang emosyong sabi nya. Malamig ang kulay asul nyng mga mata na nakakatitig sa akin. Walang mabasang emosyon.

"Seryoso kana nyan?" biro ko na ikinakunot ng noo nya. "Pansinin mo na ako! Pabebe ka pa!"

Bumalik sya sa pagkakahiga at tumalikod na ulit saakin. Kung magpapabebe pa sya ng matagal ay aabutin kami ng hanggang mamaya kakaganito nya.

Sinundot sundot ko sya sa tagiliran. Walang epekto, wala sigurong kiliti to dito. Inulit ko ulit ng limang beses wala talaga. Sa leeg kaya? Kakalapat palang ng daliri ko sa leeg nya ay agad syang napabangon at nanlilisik ang mga matang nakatingin saakin.

"Damn! What's your problem?!" sigaw nya.

Napatigil ako dahil sa sigaw nya. Literal na napatigil dahil kahit yata hininga ko ay tumigil rin dahil sa ginawa nyang pagsigaw. Pakiramdam ko ay napunta sa talampakan lahat ng dugo ko, natakot sa sigaw nya.

Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Parang sa buong buhay ko ay hindi pa ako nasisigawan ng ganito katindi. Hinawakan ko lang naman sya sa leeg ah? Sobrang lakas ba ng kiliti nya sa leeg kaya galit sya?

OA na kung OA pero pakiramdam ko naluluha ako!

Napatingin sakin si Zele at parang nagulat dahil sa naging reaksyon ko sa pagsigaw nya. Hindi sya magkaintindihan kung anong gagawin habang ako dito nakatulala lang sa kanya at hindi parin magawang makagalaw dahil sa gulat sa pag sigaw nya.

"Damn!" bulong nya na hindi magkaintindihan at hindi alam ang gagawin. "Look, I'm sorry okay? I-I just... I just want to be alone. I won't do that again. I'm sorry..." dahan dahan pa syang lumapit saakin at namalayan ko nalang na yakap yakap na nya pala ako.

Hindi tumagal ang yakap nya saakin at kumalas rin. Nakita ko nalang sya sa harap ng pinto at papalabas na ng kwarto.

Hindi ko alam kung mahihiya ako sa sarili ko dahil sa nangyari o kay Zele ako mahihiya.

Ocean In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon