CHAPTER 21

91 15 1
                                    

Chapter 21

Malalim na ang gabi, payapa ang alon, at tanging buwan ang nagsisilbing liwanag sa buong karagatan. Malamig din ang simoy ng hangin, pero hindi ko na iyon nararamdaman simula nang yumakap saakin si Zele.

Kapwa kami naka tayo, naka pulupot ang aking mga braso sa leeg ni Zele at sya naman ay nakatungo- nakasubsob ang muka sa aking leeg habang nakayapos ang mga braso sa aking bewang. Marahan kaming sumasayaw habang sinasabayan ni Zele ang kanta.

Napaka lamig ng boses nya, masarap sa tenga at hindi nakakasawang pakinggan. Pasalihin ko kaya sya sa The Voice? Pwede rin syang mag artista o kaya ay ang mag model, paniguradong maraming mag aagawan sa kanya. Tutal ay talented naman sya bakit kaya hindi nya itry, nasa kanya na nga ang lahat! Minsan nga ay napapakanta na ako ng 'nasa'yo na ang lahat, pati ang puso ko!'

"Anong iniisip mo?" takang tanong ni Zele saakin habang nagsasayaw parin kaming dalawa.

"Bakit hindi ka mag artista?"

Bigla naman syang tumawa ng malakas dahil sa sinabi ko. Anong nakakatawa roon? Adik ba sya?

"Seriously, you're asking me that?" natatawa parin nyang tanong saakin na parang hindi pa makapaniwala.

"Bakit, ayaw mo ba mag artista? Gwapo ka naman at talented, isip bata ka nga lang minsan." papuri sabay pang aasar ko sa kanya saka ako natawa. Napasimangot naman sya.

"Ayaw ko. Sikat na naman ako kahit hindi ako maging artista." mayabang na sabi nya. Sabagay, kahit mag yabang sya ay may maipagyayabang naman.

"Sayang ang talent mo, dapat ipakita at ipagmalaki mo yan." pang gagatong ko pa sa kanya.

"Bakit masasayang e pwede ko namang sayo gamitin lahat ng talent ko?" banat nya pa habang tumataas baba ang mga kilay nya. Napatawa nalang ako at mahinang humampas sa dibdib nya.

Nagulat ako nang may inilabas sya mula sa bulsa nya. Isang kulay itim na parehabang kahon.

"Talikod ka." malambing na saad nya. Tumalikod ako at bigla ko nalang naramdaman ang bagay na inilagay ni Zele sa leeg ko. Kwintas.

Isa iyong gold necklace, ang pendant noon ay maliit na bilog pero kitang kita ko ang nakaukit mula roon kahit na maliit ay nababasa ko.

El

El ang nakaukit sa maliit na bilog. Anong ibig sabihin ng El?

Magtatanong pa sana ako kaso yumakap na sya saakin at nagsimula na ulit ang aming marahang pagsayaw. Sumasabay sabay parin sya sa kanya na sobra kong ikinatuwa. Gustong gusto ko talaga na naririnig ang boses nya lalo na kapag kumakanta. Magaganda rin kaya ang boses ng mga kamag anak nya? Nakakainggit, ang boses ko kase kapag kumakanta hindi ko alam kung boses ba ng kambing o ng palaka!

Nang matapos kami sa pag sasayaw ay agad ko syang hinila sa dulo ng yate. Gusto kong makita ang ilalim ng dagat kapag yumuko ako at duon tumingin. Gustong gusto ko talaga ang dagat, lalo ang pag masdan ito. Dati kapag sumasama ako kay tatay sa pagbabangka ay masaya kong pinapanood ang dagat at ang mga alon nito, lalo na at kulay asul na asul ito sa umaga kapareho ng langit.

Nagtatakbo na ako papalapit sa dulo pero kakakapit ko palang sa railing ng yate ay bigla na namang sumakit ang ulo ko.

May mga alaala at mga boses na naman akong naririnig. Sigawan, parang may dalawang tao ang nag aaway. Agad akong napahawak sa ulo ko nang biglang sumakit iyon ng sobrang sakit. Bakit ba ganito, ano bang nangyayari?

"L-Liezalin. Are you okay?" nag aalala nang tanong ni Zele. Hindi na sya mapakali. Hindi nya alam kung anong uunahin, nag aalangan pa sya kung tatawagin ba si Calder o hindi.

Ocean In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon