CHAPTER 11

113 18 2
                                        

Chapter 11

Liezalin's POV

"Aalis na kami, mag iingat kayo rito." paalam ni Tatay. Si Maya ay nasa tabi niyang nakasimangot at halatang hindi natutuwa na isasama sya ni tatay.

"Kayo rin 'tay, mag iingat kayo sa byahe. Ikamusta nyo nalang ako kay Elian." paalam ko rin kina tatay.

Nag usap pa sandali sina nanay at tatay bago sila tuluyang umalis.

Pumasok na kami ni nanay sa loob nang bahay at dumiretso kay Zele. Mukang masakit pa ang katawan nya. Hanggang ngayon kase ay hindi pa sya bumabangon.

"Lieza"

"Bakit po, nay?"

"Iiwan na muna kita rito sa bahay at pupunta muna ako sa palengke para bumili ng pagkain natin. Ikaw na ang bahala ay Zele."

Tumango lamang ako kay nanay bilang tugon. Maya maya ay umalis narin sya agad at kaming dalawa na lamang ni Zele ang nasa bahay.

Lumapit ako kay Zele at hinawakan ang noo nya. Hindi na sya gaano mainit. Kagabi kase ay may sinat sya pero humupa naman agad. Akala ko nga ay kailangan na talaga nyang madala sa hospital pero naging maayos na naman sya.

Halos buong gabi rin akong hindi naka tulog kagabi dahil sa ingay ni Maya. Nagtatalo at kinukulit niya sina nanay at tatay na ako na lamang ang isama papunta sa Maynila pero hindi pumayag sina nanay. Mas kailangan daw si Maya roon. At dahil hindi nga nasunod ang gusto ni Maya ay magdamag na masama ang loob nya.

Alam ko naman kung bakit ayaw sumama ni Maya. Gusto nyang makasama si Zele, at para rin masolo ito.

Bakit nga ba gustong gusto ni Maya itong Zele, na kahit pinag tatabuyan na sya nito'y hindi nya parin magawang ayawan. Kahit alam nyang malabong magkaroon sya ng pag asa ay pinag pipilitan nya parin ang sarili nya.

Pinakatitigan kong mabuti si Zele.

Sa kagwapuhan ay wala akong masabi, syang sya na wala nang aagaw ng korona. Perpektong mga mata, may makapal na kilay at mahahabang pilik mata. Matangos na ilong, at mapupulang labi. Makinis at perpektong hubog ng mukha. May nunal rin sya sa gilid ng labi na lalong nagpadagdag sa lakas ng dating nya.

Sino bang gumawa dito kay Zele at mukang pinerpektong perpekto, di manlang namahagi sa iba.

Kung tutuusin talagang kahit sino ay magkakagusto kay Zele sa unang tingin pa lamang. Sino nga bang hindi diba, sa gwapo ba namang yan. At syempre siguro ay mayaman rin sya. Perpektong prinsepe na kung susumahin.

Kung isa nga syang tunay na prinsepe ay sya na ang may pinaka maraming kapintasan kung sa ugali lang rin ang pag babasehan. Kung umasta sya ay para syang batang maloko na mahilig sa mga biruan at kapag sya ang biniro ay hindi maganda ang kalalabasan. Minsan mabait, minsan ay maloko at mapagbiro. Minsan seryosong seryoso minsan di mo na alam kung nasa tamang katinuan pa ba.

Ewan ko ba dito kay Zele. Para syang pinanganak na kulang sa pansin at aruga ng magulang.

Ayoko namang sabihin na sira ang ulo nya. Dahil kapag nagkataon ay sya na ang pinaka gwapong baliw. Minsan lang talaga ay di maintindihan ang ugali nya.

Kung ako si Maya ay hindi ako magkakagusto dito kay Zele dahil lamang sa panlabas na anyo nya. Ang hirap kase kay Maya masyadong maharot.

Buti pa ako mabait at hindi maharot kagaya ng kapatid ko. Tamaan na ng kidlat ang mga mahaharot dyan sa tabi tabi para hindi na dumami-

"Ay jusko!" malakas na tili ko. Pano ba naman biglang kumidlat! Narinig ata ang sinabi ko at pati ako ay gustong patamaan ng kidlat.

Di naman ako maharot ah?

Sakto lang hehehe.

Napatitig ulit ako sa muka ni Zele. Talagang muka syang anghel kapag natutulog. Kahit puro pas at sugat ang muka ay hindi nito nabawasan ang kagandahang lalaki nya.

Gustong gusto ko hawakan ang pisnge nya. Para kasing nangungusap ito na hawakan ko kahit saglit.

Di naman siguro magigising si Zele kapag hinawakan ko ang pisnge nya. Saglit lang naman.

Pagkalapat na pagkalapat ng aking mga kamay sa muka nya ay ramdam ko ang init nito. Pakiramdam ko ay ayaw nang bumitaw ng mga kamay ko sa muka nya. Grabe nakakahiya ang ginagawa ko. Wag sana magising si Zele dahil kapag nagkataon na bigla syang magising at nakalapat ang kamay ko sa muka nya ay sasabihin na naman nyang may gusto ako sa kanya.

Gumalaw sya! Gumalaw!

Aalisin ko na sana ang kamay ko nang bigla syang nag mulat ng mga nata. Sa gulat ko ay muntik ko na syang masampal. Sayang! Dapat pala tinuloy ko na! Char.

Nakangisi tuloy syang nakatingin saakin ngayon. Siguro ay kung ano ano na naman ang iniisip na kakapalan ng muka nitong si Zele na to.

"Crush mo talaga ako no?" naka ngising sabi nya habang tinataas taas pa ang makakapal nyang kilay.

"Kapal mo ah" irap ko sa kanya.

"Nagising ako dahil nararamdaman ko ang ginagawa mong pagtitig saakin, Lieza. Umamin kana kase na gusto mo ako" tumatawang sabi nya na ikinakunot ng noo ko. Napaka kapal talaga nitong bwiset na to.

"Hoy ang kapal naman ng balat mo! Hindi kita tinitingnan no!"

"Excuse me? TITIG yun, Lieza. TITIG at hindi TINGIN lang. Nakatitig kana nga saakin may nalalaman kapang mag himas sa muka ko. Ayaw mo pang umamin na pinag papantasyahan mo talaga ako. Huling huli kana" halos mamilipit na sya sa katatawa dahil sa sinabi nya. Kung gumalaw sya ay parang wala nang masakit sa katawan nya.

"H-Hoy! Hindi ko hinihimas muka mo no! Hinampas ko lang dahil may dumapong lamok. Kapal talaga ng balat neto" hindi makatingin sa kanya na sabi ko.

Akala ko ba ay tulog sya kanina. Tss.

"Palusot mo!" tumatawa pa rin sya. Hindi to sa saksak mamamatay, sa katatawa siguro baka.

"Baka nga ikaw itong may gusto saakin. May pasabi sabi kapa doon sa mga lasing na "Im her husband. So let her go" kaya ikaw ang umamin!" ganting pang aasar ko rin kaya natigilan sya saglit.

"Well... " bumuwebwelong sabi nya. "I'm just practicing my acting skills that time. Mag aartista kase ako." pagpapatuloy nya habang naka hawak ang mga kamay sa baba.

"Huwag kana mag palusot, Zele
Alam na alam ko na yang mga ganyan. Normal lang na magka crush ka sa akin. Sa ganda kong to, di kana lugi! Kaya umamin kana na may gusto ka sa akin." tumatawang biro ko sa kanya.

Napatigil lang ako sa pagtawa dahil sa naging seryoso ang itsura nya na nakatingin sa akin. Napikon ko ata! Eh bakit, sya naman nag umpisa ah!

"Baka kapag ako ang nagkagusto sayo, hindi mo na ako pakawalan pa, Lieza."


Itutuloy...

Ocean In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon