CHAPTER 15

90 15 0
                                    

Chapter 15

Liezalin's POV

"Anong gusto mong gawin ngayon?" tanong ko kay Zele habang naka upo kami dito sa maliit na pahingahan malapit sa palengke.

Kanina pa kami umikot nang umikot hanggang sa napagod at napadpad nga kami rito sa kinauupuan namin ngayon. Kung hindi ko pa sinabing busog na ako ay hindi pa titigil si Zele sa kabibili ng pagkain. May balak ba syang palobohin ako? 

Nagtataka na nga ako kung bakit nagagamit nya pa ang pera nya sa wallet nya, e diba nabasa yun panigurado nung tumalon sya sa tubig? Sinampay nya siguro kaya natuyo.

"Alam mo ba gamitin yung bangka ng tatay mo?" parang batang tanong nya.

Ano na naman kayang binabalak nito at pati bangka ni tatay ay naisip nya.

"Oo, bakit?"

Pagkasagot na pagkasagot ko noon ay nakita kong may sumilay na ngiti sa mga labi nya. Ngiti na parang may naisip na gagawin.

Binabalak nya bang isakay ako sa bangka at itulak sa tubig at lununid? Jusko po! Wag naman!

"Bilisan mo naman mamili dyan!" reklamo ko sa kanya. Namimili sya ngayon ng mga pagkain na dadalahin namin mamaya. Balak nya raw mamangka kaming dalawa mamaya, at namimili sya ng pagkain para raw hindi kami magutom.

Gusto nya ba talagang sumakay sa bangka ni tatay? Eh parang sa palagay ko, ni hindi pa nya nararanasan na sumakay sa pangkaraniwang bangka. Iyong puro magaganda at mamahaling barko at yate palang siguro ang nasaskayan nya.

Kaya siguro ganun nalang ang tuwa nya na pumayag ako sa pamamangka naming dalawa.

Ayaw ko nga sana pumayag dahil baka kako lunudin nya lang ako pero tinawanan lang ako.

Pero hindi sa pagbibiro, ayaw ko talaga pumayag dahil parang masama ang panahon at baka mamaya nyan kapag nasa malalim na parte na kami ng dagat ay biglang umulan. Hindi pa naman demotor ang bangka ni tatay. Kaso pinipilit nya talaga ako kanina. Nangongonsensya pa ang loko. Kung hahayaan ko raw ba syang mamatay na hindi manlang nararanasang makasakay sa bangka! Aba't talagang!

"Lieza, tulungan mo naman ako dito!" sigaw nya pa. Ang dami daming binili tapos hindi naman pala kayang dalahin lahat.

"Ano? May kulang pa ba sa mga pinapamili mo mahal na prinsepe? Baka may kulang pa, tara bilhin na natin." pairap na sabi ko. Pano ba naman halos bibilihin nya ata lahat ng paninda dito. Ayos lang sana kung sya lahat ang magdadala. Kaso sakin rin naman ang bagsak ng ibang pinamili nya! Ang bibigat kaya!

"Ah yeah yeah. Right. Buti pinaalala mo. Bibilihan ko muna ng pasalubong si nanay bago tayo umuwi." nakangiting aniya.

"Anong nanay? Wag ka nga maki-nanay sa nanay namin." pabiro kong sabi sa kanya. Ayos lang naman sakin talaga na tawagin nya ring nanay si nanay. Alam ko rin naman ang issue nya sa pamilya nya, kaya ganun siguro sya.

"Magiging nanay ko rin naman sya soon, so what's the problem?" inosenteng sagot nya na ikinalaki ng mata ko. Magiging ano raw?!

"Hey. Relax, nanlalaki naman agad yang mata mo. I'm just kidding here. Kinilig ka naman agad dyan." tumatawa tawang aniya.

"Anong kinilig? Kapal mo ah."

"Wag mo na itanggi. Tara na!" sabi nya saka bumelat saakin. Isip bata.

Namimili na kami ng pasalubong para kay nanay nang mapansin kong parang nakatulala si Zele. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakitang kong matalim syang nakatingin dun sa isang magandang babae. MAGANDANG BABAE?!

Ocean In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon