Chapter 24
Mabilis ang tibok ng puso ko nang magsimula akong humakbang papasok sa loob ng mansion. Ngayon nalang ulit. Sa loob ng halos tatlong taon. Nandito na ulit ako, makakasama ko na ulit ang pamilya ko.
Doon palang sa labas ay rinig na rinig ko na ang tawanan ng mga uto uto kong pinsan. Mga tawa'ng namiss ko. Mga tawang hindi ko narinig ng ilang taon.
Sumilip ako sa kanila, naka upo sa sahig at nakapalibot kay Lolo na malakas na tumatawa habang nag kukwento. Nakakalong sa kanya ang sa tingin ko'y anim na taong gulang na, na si Suho. Ang paboritong apo nya.
Halos kumpleto lahat ng pinsan ko, ako lang ang kulang pati narin iyong iba na nasa ibang bansa.
Habang nakaupo sila ay nakapatong sa kanila ang kanya kanyang unan na pinagawa mismo ni Lolo para sa aming mga apo nya, may sarisarili iyong naka burdang pangalan para hindi kami mag agawan. Lahat kami, kahit ang mga matatanda ko ng pinsan. Tuwing sabado at linggo ay kumpleto ang lahat dito sa mansyon, dahil iyon ang gusto ni Lolo at Lola. Kahit anong araw ay welcome kami dito, pero wag na wag lang talagang mawawala tuwing sabado.
Tumingin ako kay Silvanna, sya ang lagi kong katabi tuwing nandito kami at nakikipag bonding kina Lolo. Nakatingin lang sya sa bakanteng tabi nya na ang tanging nakalagay lamang ay unan na may pangalan ko.
Namimiss nya na kaya ako? Ganitong oras kami palaging nagsasabunutan o di kaya ay nagsasampalan dalawa. Kahit nagkukwento si lolo noon ay nagchichismisan lang kaming dalawa at hindi nakikinig, minsan ay nagsasabunutan pa. Pero bonding lang namin iyon. Luka luka kase sya.
Nang mag iwas ako ng tingin kay Silvanna at nagtama ang mata namin ni Enzo. Ang pinsan na palagi kong kaaway noon. Mukang sampung taong gulang na ito ngayon. Nakatitig sya saakin at gulat na gulat. Nang marealize nya na totoo ang nakikita nya ay inirapan nya ako saka nakangiti at naluluha'ng bumalik sa pakikiharutan kay Kuya Ralvin. Naghahampasan sila ng unan sa muka.
Nang mahampas nya si Kuya Ralvin ng malakas ay saka sya umiyak at sinabing binatukan daw sya ni Kuya. Lintek talaga ang batang ito!
Nakatingin lang ako kay Enzo, nakikiramdam sya kung kailan ako papasok at pasimpleng winawagayway ang unan, sumesenyas na pumasok na ako.
Hinihintay ko lang ang pangwakas na salita sa kwento ni Lolo bago magpakita. Alam ko kasing malapit na syang matapos sa pagkukwento at sa oras na banggitin nya na ang mga salitang iyon ay tapos na ang kwentuhan dahil luto na ang pagkain."AT SA MANIWALA KAYO O HINDI, ANG LOLO NYO NA SI JOSS PIERRE MONTENEGRO NA WALANG IBA KUNDI AKO. ANG SYANG PINAKA GWAPO SA LUGAR NAMIN NOON. HANGGANG NGAYON, KAYA PATAY NA PATAY SAAKIN ANG LOLA NYO." pagmamalaki ni Lolo sa kanyang pangwakas na kwento.
Bumuntong hininga ako saka tuluyan nang nagpakita sa kanila.
"L-Lolo... " mahinang bigkas ko dahil siguradong maya maya lang ay maiiyak na akong muli.
Nakatanga silang lahat saakin. Gulat na gulat, at parang nakakita ng multo.
At halos matumba na ako sa pagkakatayo ko nang sinugod ako ni Enzo ng yakap. Nakabitin sya sa bewang ko.
"B-Bakit umuwi ka pa! Galit ako sayo! Galit ako, sana di ka nalang umuwi!" sigaw nya habang malakas na umiiyak at nakakapit parin sa bewang ko.
Umupo ako at saka niyakap sya ng mahigpit. Namiss ko syang batuk-batukan. Pitong taon lamang sya ng nawala ako, pero hindi nya parin ako nakakalimutan.
"Umuwi ako dahil mag aaway pa tayo diba?" pagpapatahan ko sa kanya habang hinihimas ang buhok nya.
"A-Ate El, namiss kita." tulo na ang sipon nya dahil sa pag iyak.
BINABASA MO ANG
Ocean In Your Eyes
Roman pour AdolescentsOcean In Your Eyes "Fallin' to the ocean in your eyes..." He's lost but he found her. (unedited)