Chapter 28
"Kwento na" mahinang salita ko. Nasa harap kami ngayon ng dagat at ang malaking buwan na syang nagsisilbing liwanag namin. Magkatabi kaming naka upo sa buhangin, hindi nagkikibuan. Para tuloy kaming mga patay na iniupo dito.
May mga tao parin na nakakalat sa tabi tabi pero walang nagagawi malapit dito sa pwesto namin. Mabuti naman. Wag silang chismosa dahil may mga pagchichismisan kami dito ni Zele na importante.
Kanina pa kami dito pero hindi parin sya nag kukwento, nakatitig lang sya saakin na parang ayaw nya na akong mawala sa paningin nya. Agad kong maarteng hinawi pakabila ang buhok ko. Gandang ganda talaga saakin ang isang to!
"Lieza, iyong nakita mo sa yate. Wala lang iyon." sagot nya atsaka bumuntong hininga. Hindi ako nagsalita at seryoso nang pinakikinggan ko lamang sya. "Hindi ko sya hinalikan dahil sya ang humalik saakin. Hindi ko sya agad naitulak dahil nagulat din ako sa ginawa nya. I'm sorry." pagkukwento nya saka tumungo.
Iyon pala ang nangyari. Hindi ko akalain na magagawa ni Maya iyon saakin.
"Eh iyong totoo about sa tunay kong pagkatao. Bakit mo itinago?" mahinahong tanong ko sa kanya at nang makitang nakatingin sya saakin ay lumaban ako ng titigan.
"I'm sorry. Pinilit lang ako ng nanay at tatay mo. Ayaw nilang sabihin sayo dahil natatakot sila sa pwedeng mangyari. At- napamahal narin daw sila sayo... Ayaw ko namang makialam agad. Pasensya na talaga, kasalanam ko." pagkasabi noon ay sya ang naunang umiwas ng tingin saakin.
Tumango tango lang ako at hindi nagsalita. Sa mga narinig ko mula sa kanya ay pakiramdam ko mas lalong gumaan ang dibdib ko. Masaya sa pakiramdam na wala kang galit na nakabaon sa dibdib, masayang magpatawad. Pinapatawad ko na sya.
Naramdaman ko ang kamay nya na humawak sa kamay ko at saka parang batang sumilip sa aking muka. Ang laki laki nya nang lalaki ngayon! Bakit sya nagpapacute ng ganito?!
"G-Galit ka pa ba? I'm sorry... " parang bata na paghingi nya ng tawad. Nakita ko pa ang bahagyang paglabi nya, muntik pa akong matawa kaya sumeryoso agad ang muka ko para hindi nya mapansin.
Konting pabebe pa, last na. Nakahawak parin sya sa kamay ko at ayaw nyang bitawan! Kapit na kapit girl? Ayaw mawala ulit?
"Hindi ako galit." sabi ko nalang at namayani na naman ang katahimikan saaming dalawa. Napansin ko na naging tahimik rin sya ngayon, hindi na tulad ng dati.
At kung gwapo talaga sya noon ay mas gwapo at hot na ngayon! Sobrang bango rin lalo, nakakaloka sarap singhutin ng buo. Pero hindi dapat ganoon karupok, kailangan pa ng kaunting pagpapabebe.
"So, kamusta ka na ngayon?" tanong ko para magsalita sya. Hindi talaga ako sanay na tahimik sya. Dati kase ay kung hindi dumadaldal ng walang kasaysayan ay nang aasar naman sya. Napakaingay.
Tumingin sya saakin at ngumiti bago nagsalita. Muka syang bata na excited magkwento tungkol sa mga pangyayari sa buhay nya.
"Nagbago na sina Mommy at Daddy. Pero kung kailan naman nararamdaman ko na, na mahal nila ako saka naman namatay si Daddy." nakangiti syang ng mapait saka may pumatak na luha sa mata nya.
Bakit ba kapag magkatabi kami sa buhanginan at nagkukwentuhan ay puro patay ang napapag usapan namin? Dati nga ay yung kuya nya!
"Oh, I'm sorry... " saad ko saka lumapit sa kanya at pinahid ang luha sa mga mata nya gamit ang daliri ko. Nakatitig lang sya saakin habang ginagawa ko iyon. Bigla namang nag init ang muka ko dahil sa mga titig nya kaya lumayo na ako ng konti.
Maya maya lang din ay nagkukwento na ulit sya.
"And after 2years na wala na si Dad ay ako na ang namahala sa kompanya namin. Wala rin naman ibang aasahan." pagkukwento nya, kaya agad akong napatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ocean In Your Eyes
Teen FictionOcean In Your Eyes "Fallin' to the ocean in your eyes..." He's lost but he found her. (unedited)