Chapter 23
"GOOD BYE... "
Sa pagtalikod ko kay Zele ay sya namang pagtulo'ng muli ng mga luha ko.
Mahal na mahal kita Zele, pero niloko mo ako. Mahal na mahal kita, pero sinaktan mo ako.
May karapatan naman siguro akong magalit diba?
Kung alam nya lang kung gaano ko gustong tumakbo pabalik sa kanya. Kung gaano ko gusto syang yakapin at tanggalin ang mga luha sa mata nya. Ayoko syang iwan pero sobra akong nasaktan.
Ayoko syang iwan, pero sya ang nagtulak sakin para layuan sya. Sya ang dahilan kung bakit sobra sobra akong nasasaktan ngayon.
Pinahid ko muna ang mga luha sa mata ko bago hinanap si Calder. Dun ko sya natagpuan sa kwarto nya. Bukas ang pintuan at nakita ko kung paanong kumunot ang noo nya at saka itinapon ang mga unan na mahawakan nya. Sino namang kaaway ng isang to?
"H-Hey!" pag agaw ko ng pansin nya. Bigla namang umamo ang muka nya saka ngumiti na parang kanina ay hindi galit sa mundo.
"Lieza, anong ginagawa mo dito?" tanong nya saka hinagod ng mahahaba nyang daliri ang buhok nya na nagbagsakan na sa bandang noo nya.
"Ibalik mo ako sa amin. Please ihatid mo na ako." mababang sabi ko habang nakayuko, ayokong makita nya ang nagbabadyang luha sa mga mata ko pero bigla syang napatawa.
"Hindi ba at naka uwi kana kanina? Bumalik kaba dito dahil gusto mong ihatid kita, pabalik sa bahay nyo? Ano to joke?" di parin natatanggal ang pagkakatawa nya. Biglang umurong ang luha ko at agad ko syang sinimangutan pero di sya natitinag sa pag tawa nya. Pagtawa na hindi manlang umabot hanggang mata nya na palagi nyang ginagawa, may problema to.
"I'm not joking here, Calder Vilano! Ihatid mo na ako saamin bago kita isumbong kay Lolo P!"
Sa sinabi ko ay biglang nanlaki ang mga mata ni Calder na para bang nakakita ng kakaibang nilalang. Kakaibang nilalang? Muka ba ako aswang?
"Tngina, Eli?! Nakakaalala kana? Kaya pala English spokineng kana e!" sigaw nya pa sa akin at madramang inilagay ang mga palad para kunwaring tinakluban ang bibig. Shock na shock.
"Yes! So pakibilisan ng kilos mo, and iuwi mo na ako!" dahil hangga't nandito ako ay patuloy lang akong nasasaktan.
"Ay, shet! Wait lang girl!" sabi nya saka nagmamadaling bumaba sa kama at mabilis na nagtatakbo palabas.
"Hoy! Where are you going?! Calder!" naiinis na hinabol ko sya.
Sa baba ng yate sya pumunta kung saan nandun parin ang nakatalikod na si Zele at handa nang umalis nang bigla syang tawagin ni Calder.
"Pre, san ka pupunta tara na-"
"Calder, hindi sya kasama. Let's go!" sigaw ko sa kanya. Kaya nga magpapahatid na ako sa kanya para hindi ko na sila makita. Para hindi ko na sya makita.
"Huh? Ayaw mo ba sumama, pre? Di ka parin ba uuwi sa in-"
"Calder, let's go!" naiinis na ako sa kanya. Hindi ba sya marunong makiramdam? Tahimik lang si Zele at malamlam ang mga mata.
"Pre, ano? Di ka ba sasabay samin ng bebe mo?" tanong ni Calder kay Zele at hindi pinapansin ang mga sinasabi ko.
"Hindi natin sya isasama, tara na Calder! At kahit sumama sya ayoko syang makasabay at makasama dito!" sa isinigaw kong iyon ay bumaling ang asul na mga mata ni Zele saakin. Bigla akong napalunok dahil sa klase ng mga titig nya.
"Kaibigan ko to, kaya hindi ako papayag na hindi sya kasama." biglang sumeryoso si Calder. Nakaramdam na ata.
"Ayoko nga syang kasama kaya tara na!"
BINABASA MO ANG
Ocean In Your Eyes
Novela JuvenilOcean In Your Eyes "Fallin' to the ocean in your eyes..." He's lost but he found her. (unedited)
