Chapter 3

781 22 12
                                    

The next day, I woke up pretty late. Nakipag-agawan pa ako ng taxi kasi hindi ako makabook ng grab. Pagdating ko ng SGH, tumakbo ako ng mabilis. Tumatawa pa si ate Celine nung nakita nya ako.


"Unang araw, late," she said then introduce me to all the staffs. Nagpunta rin ako sa department head. Mabait naman silang lahat.


"Kath, si Josh. Fellow din dito." Ate Celine said. I just offered my hand pero nakipagbeso agad si doc Josh.



"You're really pretty. Single ka? May irereto ako sayo." He said cheerfully. I just smiled.


Nilibot lang ako ni ate Celine sa hospital. Grabe naman sa luwang. No wonder nung tinanong ko sya dati if toxic dito tinawanan nya lang ako. Anong oras na kami natapos maglibot. Dumiretso lang kami sa caf pagkatapos. Nandun na si kuya Gino at kuya Clark.


"Unang araw late ka daw." Kuya Gino commented. Tumawa lang naman si kuya Clark.


"Still have jet lag. Inaantok na nga ako, supposedly tulog na ako sa New York." I said.


"How's your condo?" Kuya Clark asked.


"Okay naman kuya. Thanks, for the help." I replied. He just nodded.


After our lunch, nakinig lang ako sa conference. Mababait din pala yung mga consultant. Sa New York medyo bitch yung iba. Ang okay dun yung mga fellow at resident. Nung 5 pm na ay sabay kaming umalis ni ate Celine. Dumiretso lang kaming grocery. Since, feeling ko hindi ako makakalabas lagi naggrocery ako for three months.



Pagkauwi ko ng condo ay nag-ayos lang ako ng cupboard. Inayos ko na rin yung walk-in closet ko. Kahit nagdidinner ay nag-aayos ako. Kulang yung isang araw para tapusin lahat.


The next day, pumasok ako ng maaga kasi legit na duty ko na. Okay naman yung nakapartner ko. He's nice, hindi tulad nung nauna kong partner sa New York.


"Chester Guiterrez, you?" My partner asked.


"Mary Katherine Cerise Ongpauco, just Kath." I answered. He just smiled. Sabay lang kaming nagpunta ng ER. Grabe yung toxic, kakapasok ko pa lang, may 4 admissions na. Grabeng bungad naman 'to. Tuloy-tuloy yung work ko for three days. Halos gumapang na ako nung last day.


Habang naglalakad ako palabas ng hospital ay napaurong ako at napatalikod. What the fuck. Bakit nandito sya. Tumakbo ako pabalik sa main hallway, sa ibang exit ako lumabas. Feeling ko nagising ako. Antok na antok na ako nung nagtime-out ako kanina. Pero biglang daig ko pa uminom ng limang kape. Kinakabahan ako na ewan.


Pag-uwi ko ng condo at tulala pa rin ako. Bakit andito sya. Nakascrubs sya ng SGH, so doon din sya. Akala ko taga Cebu sya. Kahit kumakain na ako ng breakfast ay tulala pa rin ako. I even doubted na sya yun kasi puyat ako, but I do know his body, his face and the way he stands.



Telegram

Kath: Zzzzzzzzzian

Zian: Napano ka?

Kath: He's here. Dito sya nagwowork. SGH

Zian: Who? Your Paulo?

Kath: Asar. Yes, ano gagawin ko? Malaki yung hospital but there are chances na magkita kami

Zian: Do you want me to go there?

Kath: What? Are you serious?

Zian: Yeah. I'll try. I'll ask Celine how.



Rewriting it with you ✨ [MED SERIES # 5] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon