Chapter 26

489 15 0
                                    

The next day, pagpasok ko sa kwarto ko wala sya. Naghilamos na lang ako at bumaba ng kwarto. Nagluluto na si Christian ng breakfast. Palinga-linga ako.


"Inaway mo kagabi tapos hahanapin mo ngayon." He murmured. Binato ko yung tissue sa kanya.


"Narinig mo?" Tanong ko.


"I don't mean to eavesdrop pero sobrang lakas ng sigawan nyo. Wag mo masyado nilalakasan yung boses mo masama yan sayo." He said casually.


"Tingin mo sobrang sama ko sa kanya?" Nagtatakang tanong ko.


"Hindi. Deserve nyang masigawan mo. I bet 'pag hindi ka buntis kinaladkad mo na sya." He said laughing.


"Hindi din siguro. Mahal ko pa e." I mumbled. Lalo nya akong tinawanan.


"Mahal mo, pero gusto mong mamatay?" He said confused.


"Narinig mo yun?" I asked shocked. He just nodded.


"I don't mean it. Tingin mo mapapatawad ako nung anak nya 'pag ako mismo pumatay sa tatay nya. Nabigla lang ako sa galit." Mahinang sabi ko.


"But hearing him, medyo may point sya, buntis yung Belinda siguro naawa. Pero foul yung hindi nya sinabi sayo." He commented.


"Diba?! Baka makunan ako 'pag nandito sya. Pero bakit gusto ko ring nandito sya." I said casually. He laughed at me like I'm the joke here.


"Hindi ko sure if pregnancy hormones yan or what, pero mahal mo pa nga. Naiinis ka pero hinahanap mo." He uttered.


"Nag-paalam sya. Flight daw nung mga barkada nya. Sabihin ko daw sayo. Feeling nya may tayo. Iba yung tingin nya bago saya umalis. Pagselosin pa natin?" He said laughing.


"Baliw. Andito lang yun dahil sa anak nya. May duty ka ba?" Malamyang sabi ko.


"Meron actually. Afternoon. Supposedly, morning kaso mag-extend daw si Mavy, para may kasama ka. Didiretso sila ni Marg dito. Nabrief ko ng 'wag suntukin yung Paulo mo. I kinda recorded you guys talking last night tapos sinend ko sa gc para sila yung magjudge kung papatawarin ba natin." He muttered. I just rolled my eyes. Mga baliw talaga.


Nung nakapasok na sa duty si Christian, pumasok na lang ako sa kwarto ko at humiga. Dumating naman agad si Paulo at umupo sa couch.


"Katherine, nagbreakfast ka na? Kain tayo." He offered. I just looked at him. Tapos sakto namang bumukas yung pinto ng kwarto ko at pumasok si Mavy at Marg.


"Buntis.." Marg shouted, then stopped upon realizing na nasa kwarto ko din si Paulo.


"You must be Paulo, Margarette, just Marg." She said then offered her hand. Tinanggap naman agad ni Paulo, they shook hands hanggang tinabig na ni Mavy.


"Ang kapal ng mukha mong pumunta dito." Mavy commented.


"Don't mind him. Nabili nyo ba? Bakit hindi nagrereply yung dalawa." Sunod-sunod na sabi ko. Lumapit naman sila sa akin agad. Umupo sila sa kama at inabot yung pickles ko.


"Pangit ng cravings mo. Hero said nakapag-order na sya ng isang kahon para sayo." Mavy said casually.


"Walang masakit sayo?" Marg said casually.


"Baka sama ng loob meron sya. Andito yung gumago sa kanya e." Mavy interrupted. Natatawa ako sa ginagawa nya.


"Diba? Baka sama ng loob yung papalit sa cravings ko." I added. Napahilamos na lang ng mukha si Marg.


Rewriting it with you ✨ [MED SERIES # 5] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon