Chapter 27

492 17 1
                                    

I woke up the next day na wala na sya sa tabi ko. I just scanned the whole room, tapos biglang lumabas sya ng CR na bagong ligo. Kailangan talaga sa harap ko magpalit. Higad talaga.


"Take a bath. Anong oras yung check-up mo?" Malamyang sabi nya at binuksan yung blower.


"10 am. Can you drop me off, straight yung duty ni Hero." I murmured.


"Sasamahan nga kita. Ang tigas ng ulo." He uttered.


"Xavier Paulo, 'wag mo ako simulan. Kung yung baso hindi tumama sayo, 'wag mong hintayin na kumuha ako ng plato sa baba." I said directly.


"Baby, kelan tayo uuwi?" He asked. Tinignan ko lang sya ng masama. Paulit-ulit hindi nga sabi uuwi. Anong mukhang ihaharap ko sa mga magulang ko.


"Umuwi kana. Bakit hinahanap ka na ba nung kabit mo?!" Galit na sabi ko.


"Oh My God, Katherine, hindi ka talaga magsasawa na sabihin yan." Inis na sabi nya. Binato ko yung unan.


"Ano naiirita ka na? Edi umuwi kana. Pinilit ba kitang samahan ako. Umuwi kana sa bahay, magtataxi na lang ako." I said furiously. Pumasok ako agad ng CR at naligo kana.


Paglabas ko may kausap sya sa phone. Nagpunta lang ako sa kwarto nila Marg kasi wala akong dala na jacket, tapos umuulan pa rin. Pumunta akong kusina at kumain nung niluto ni manang. Bumaba din agad si Paulo at sinabayan ako.


"Damihan mo yung kain. Don't tell me kahit buntis ka nagdidiet ka pa rin." He said calmly.


"Ang liit pa nya, are you expecting na kakain ako na pang dalawang tao. Bakit sobrang dami ba kumain ni Belinda at ginagaya mo ako sa kanya." Inis na sabi ko.


"Baby, tama na. Kahapon ka pa ganyan. That's not good for you." He said softly. I just sighed and continued eating.


Nung nasa hospital na kami ay medyo konti lang naman yung pila sa OB clinic. Pero ingit na ingit ako sa mga kasabay kong todo alaga yung mga partner nila. Sinabihan ko si Paulo na 'wag na akong samahan dahil mabilis lang naman. Sa takot nya atang magsigawan kami, umoo na lang sya agad.


Pagpasok ko ng kotse nya ay agad naman syang nagdrive. Dumaan lang kami ng pharmacy kasi nakalimutan kong bumili mismo sa hospital ng gamot. Diretso kwarto naman ako at naligo. I ordered my lunch after drying my hair.


"Kain na." He said when he opened my room's door.


"Mauna kana. Wala pa yung order ko." I replied.


"Nagluto ako, yun na lang kainin mo." He demanded.


"Ayoko nga. Gusto ko ng greasy." I argued.


"Alam mong masama, kinakain mo pa." He commented.


"Alam mong ayaw kong nandito ka, pinipilit mo pa." I said with a straight face. He looked conflicted.


"Fine, pero sabay tayong kakain." He said in defeat then lie on my bed.


"Hanggang kelan tayo dito?" He asked again.


"Hanggang kelan ka dito?!" I asked instead.


"Nakakainis ka siguro sa SGD nung med school, ayaw mo magpatalo." He mumbled.


"Ikaw nakakainis ka, mukha mo pa lang nakikita ko." I said back.


"Weh? Patay na patay ka nga dati." He joked.


Rewriting it with you ✨ [MED SERIES # 5] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon