Chapter 2

802 20 3
                                    

The next months were the hardest. Ang hirap mag-adjust. Ang toxic tapos yung nakapartner ko ang arte. I almost do everything. Nakakairita. Magaan lang workload ko 'pag si Zian ang partner ko. Halos pagapang akong nagtitime-out sa hospital. Tapos nag-aayos ako ng papers for exams.


"Uuwi kami next week, hindi ka ba sasama?" Ate Celine asked nung dinalaw ko sila ngayon kasi off ko.


"I'll just tell them busy ako. And besides, bakit uuwi ka doon e ganun ginawa nila sa inyo." I commented.


"We'll attend a wedding. And Clark will be there, too. I'm just using it as an excuse to see him." She muttered. Halata yung lungkot sa mukha nya. Nakakaawa sya minsan. Halatang nagpipigil sya ng luha 'pag namimiss nya si kuya.


"Go use it. Fuck our clan. Go get your man, ate. Dito na lang kayo. We can help each other. May work naman tayo nila kuya Gino. We can manage." I said firmly. She just hugged me.


"Thanks, Kath." She said.


Sa mga sumunod na araw na wala si ate Celine, si Zian yung partner ko, medyo may paghinga naman. Swertehan talaga sa partner minsan.


After few days nakabalik na sila. Pero wala si kuya Clark. Excited pa naman akong maging happy family sila. Ang tagal nilang pingarap yun e. Naririnig ko silang nag-uusap dati.


"Why he's not with you?" I asked curiously.


"Mom. Maybe it's not yet time." Ate Celine answered. I just nodded. Grabe naman si tita, sariling kaligayahan ng anak hindi mapagbigyan.


Pero nagulat ako after ilang days, nandito na si kuya Clark. At ikakasal sila agad-agad. Sabagay if papatagalin pa nila lalo lang may eeksena. Sobrang saya namin lahat nung kasal nila. Ang daming pakulo ni kuya Clark, ang whipped. Ang dami ko ring pictures, KJ lang si kuya Gino at binabatukan pa ako.


May mga days na nasa akin yung baby nila. Pag off ko or hapon pa yung duty ko. Bumubuo pa ata sila ng isa pa. Nag-eenjoy naman ako kasi ang cute nung anak nila, feeling ko magiging model sya paglaki nya. Pero may attitude minsan. Ako pa nga sinisisi ni ate Celine minsan, ginawa na nga akong taga alaga sa akin pa sinisi.


After a month umuwi naman na sya. Kaya balik duty na naman si ate. Ang toxic din nya minsan. Pero dahil gusto nyang magmatch sila ng sched ni kuya Clark, ako yung partner ni Zian.


"Tara kain na tayo." Yaya ni Zian sa akin. Nagmadali lang naman akong nagsulat kasi gutom na rin ako.


"Ilan yung admission nila kagabi at puno yung Pav?" Tanong ko habang kumakain kami. Ang lakas nya kumain. Wala, sobrang pagod din kasi. Feeling ko tumataba na ako.


"15. Tapos may premies na 6." He answered. I just nodded.


Nung off ko ay tumambay lang ako sa apartment ni ate Celine. Nilalaro ko lang si Clarine habang nagluluto sya. Ang laki na nya. Kami-kami nga lang yung tao nung first birthday nya. Masaya naman, pero wala man lang bata na bisita. Beer pa nga ininom namin.


"Sobrang perfect ba nung ex ni kuya Gino at wala man lang syang hinaharot dito?" Tanong ko. Tulog na kasi si Clarine kaya nilagay ko lang sa crib nya.


"Hindi mo ba nameet?" She asked. Then looked at me.


"Nope. Tska sa St. Lukes Uni ako nagmed so hindi talaga. So how is she at hindi makamove-on si kuya?" Nagtatakang tanong ko. Kasi nung nagbar kami may lumapit sa kanyang babae pero agad syang umalis.


"Smart, beautiful, kind and super rich. And she's nice. She's my bestfriend, too." She replied. Edi 'pag lalaki pala sya ang standard. Kaya naman pala.


Rewriting it with you ✨ [MED SERIES # 5] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon