Chapter 50

3K 237 42
                                    

AIDEN

Nang magtagpo ang mga mata namin kanina---nagulat talaga akong makita siya sa mismong araw ng kasal ko. I hide it from Lira para hindi malaman ni Pamela ang nangyayari. I promised to her that I'll comeback.

Ayokong kalimutan niya ako. At ayaw kong mawala ang pagmamahal niya sa akin. I love her more than everything else in this world. Hindi kayang tumbasan ng kahit na ano ang pagmamahal ko para sa kanya. Sometimes, somethings are bound to happen and we can't control it.

And I have many responsibilities to take. Ayokong masira ang reputasyon ng pamilya ko ng dahil lang sa akin. Hindi madali ang katayuan ng buhay ko at hindi ako pwedeng magdesisyon para lang sa kaligayahan ko.

Ayaw kong sabihin kay disaster ko ang lahat dahil natatakot akong mawala siya. Alam ko na nagiging unfair ako at nagiging makasarili. Pero ito lang ang naiisip kong paraan. At alam ko naman na may hangganan ang lahat. Mabilis lang lumipas ang panahon. Hindi namin namamalayan na magkasama na kaming muli at masaya ng bumubuo ng sarili naming pamilya.

Ang lahat ng plinano ko ay naglahong bigla nang makita ko siya mismo sa kasal ko kanina. Alam kong nasasaktan siya sa nakita niya kanina. Even me, nasasaktan din ako, pero wala akong magawa. Saka, sino ba naman ang hindi masasaktan, kung makikita mo na ang taong mahal mo ay ikinasal na sa iba?

Damn!

Napapamura na lang ako sa sitwasyon ko ngayon. I'm not prepared for this. Hindi ako nakapaghanda sa ganitong pangyayari. Hindi ko aakalaing darating siya. Sinadya ko talagang walang kaalam alam ang kapatid ko. And I know---gumawa siya ng paraan oara malaman ang nangyayari sa biglaan kong pagbabalik ng Italya. Lira can't be fooled easily.

Nang tuluyan nang makaalis ang dalawa ay tahimik lang ako at hindi alam kung paano mag uumpisa. And I can't blame Lira for not letting me talk to disaster. I'm a jerk after all, like Lira said. At aminado naman ako doon.  Masyado akong selfish na sinarili ang lahat.

"I'm sorry," I said without looking at her. Naupo ako sa mesa sa harap nito. I wanted to hold her hand but I can't. Natatakot akong ipiksi nito ang aking kamay. "Yan lang ang kaya kong sabihin sa  ngayon, disaster ko." Calling her disaster ko is part of me at hindi ko iyon kailanman kakalimutan. Even if I'm married now.

"Bakit?" Isang salita na tanong pero napakahirap sagutin. Lalo na sa sitwasyon ko. I wanted to tell her everything but I couldn't. Hindi ako pwedeng sumira sa napagkasunduan namin.

Hindi ako makasagot at nanatiling tahimik dahil hindi ko din alam ang sasabihin ko. All I want to say is sorry.

"Mahal mo ba siya?"

"No." Mabilis kong sagot without realizing it.

"Then, bakit ka nagpakasal sa kanya?" Napatingin ako dito at nakita ko sa mukha nito ang sakit. Nasasaktan din naman ako. "Hindi mo siya mahal pero you wear that ring on her finger, Aiden."

Hearing my name coming from his mouth is pain. Sanay akong kamahalan ang tawag niya sa akin. Hindi ako handang ganito siya sa akin. Ang sakit at napakahirap. But I couldn't do anything. Kasalanan ko naman kung bakit.

"It's complicated, disaster ko, please..." I begged.  "God knows how much I wanted to tell you everything, disaster ko. But I just can't." Malungkot na saad ko.

"Kaya mas gugustuhin mong saktan ako at durugin?" May hinanakit na tanong nito sa akin na hindi ko alam kung paano sasagutin. She's right after all. Walang excuse ang ginawa ko. "Kaya mas ginusto mo siyang pakasalan kaysa sa akin?" Dagdag pa nito.

"It's not what you think it is, disaster ko---" she cuts me off.

"Don't call me that, Aiden, dahil inalis mo na ang karapatang tawagin akong ganyan ng ikinasal ka sa iba. I'm not ready to be a mistress, Aiden. Hindi kami tinuruan at pinalaki ng mga magulang namin para manira ng relasyon ng iba. Pinili mo siya, Aiden---pinili mo siya over me. At kahit ano man ang rason mo---it's been done at hindi na nito mababago pa ang lahat. Kasal ka na at pagmamay ari ka na ng iba. Panindigan mo."

My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon