Salamat sa walang sawang suporta kahit na matagal ang update ng inyong Sexy Author😁😁😁 Thank you so so much mga bhebhe's.
Join my reader's grouo on facebook. Welcome po kayong lahat doon. We have a little entry questions pero kung reader ko kayo, masasagot niyo agad kahit nakapikit pa😉😘 See you all there😘😘😘Bhebhe Love's Fam
Fb groupEnjoy reading mga bhebhe's😚
Pamela
I started my day cooking foods for someone I don't even know but-- this is my responsibility. I already take all the blame kasi bigla na lang akong sumulpot sa exit na tumatakbo. Ni hindi ko tinitignan ang dinaraanan ko. And now, this is the outcome.
Saka, I have this feeling naman that he can't harm me. Siguro dahil na rin sa kalagayan nito. The aura of his face naman is katiwa-tiwala. Kung hindi lang siguro siya nakatira sa ganitong klaseng apartment ay baka mapagkamalan ko pa itong galing sa isang kilala at mayamang pamilya.
Napangiti ako habang nakatayo sa harap ng kalan. I can't barely imagine that I am with him. Ginusto ko ulit siyang makita but not in this kind of situation. Sana nagkakilala nalang kami sa ibang paraan. Baka, magustuhan niya din ako.
Napatigil ako sa naisip ko. "What did I just think? I think I am not insane right now. Matino naman ata ako?" Patanong na sabi ko sa aking sarili. "Gusto ko siya?" I ask again. "Gusto ko siya." And this is not a question anymore. Parang kinukumbinsi ko ang aking sarili.
Napailing ako, "siguro, ganito ang pakiramdam ng may nakilalang bagong lalake."
"Sa hospital naman, madami kang nakikilala. Why the sudden? Bakit bigla mo na lang naramdaman at naisip 'yan?" Para na tuloy akong timang na kinakausap ang sarili. Ginulo ko nalang ang sarili kong buhok sabay hingang malalim. "I'll cross the bridge when I get there."
That was the safest answer. Maybe, I like him pero it's too early to confirm. But, liking someone isn't a sin. Right?
Inalis ko nalang sa isipan ko ang pag iisip. To divert it, luminga ulit ako sa buong apartment nito at napangiti. Nakahanap na ako ng gagawin.
"Saan kaya ako mag uumpisa?" I asked myself still roaming my eyes around. His apartment is not that big and it is clean. May mga dapat ayusin at linisin pero hindi naman ganoon kadami. Gusto ko kasing may pagkaabalahan din naman ako habang naririto ako sa apartment niya. "Mamaya na kita umpisahan. For now, I need to finish cooking para mapakain at mapainom ko na siya ng gamot."
Napatingin ako sa natutulog na lalake sa sofa. Sinabi ko namang gisingin niya ako kapag lilipat na siya. But I guess nakatulog na siya kakapanood. Pero, nakapatay naman na 'yong tv.
I shrugged, "siguro tinamad nang lumipat."
Tinuloy ko na ang aking pagluluto. It's five in the morning and I need to wake him up twenty minutes before taking his meds para makakain muna siya. I always avoid creating sounds para hindi ito magising. Sasabihan ko talaga siya mamayang gabi na doon na siya matutulog para hindi siya maistorbo.
Nang matapos na akong magluto. Agad akong naghanda nang kakainin niya bago ko siya tuluyang gisingin.
"Done," nakatingin ako sa pagkaing niluto ko at nakangiting pinapagpag ang aking mga kamay bago namaywang. "Buti na lang magaling ang nagturo sa aking magluto kung hindi-- ewan ko na lang."
Hindi kasi siya pwedeng hindi kumain ng kanin, so I cooked heavy breakfast for him. Adobong sitaw, fried pork chop and siyempre hindi mawawala ang kanin. The best breakfast for me and my sisters. Lagi kasi 'yang niluluto ni Inang para sa amin. We never eat light breakfast nang nabubuhay pa si Inang dahil hindi ito pumapayag na magsimula ang araw namin na walang laman ang aming sikmura. Kahit na kapos pa kami noon. She's the best Inang in the whole wide world. Kaya mahal na mahal namin siyang magkakapatid.
BINABASA MO ANG
My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]
RomansFour Sisters Series #4 Pamela Macabagbag A well trained nurse from a private hospital. Dedicated siya sa trabaho niya. Mapagmahal na anak at kapatid. Paano kung dumating ang lalaking magpapatibok ng puso niya? Kaya niya bang isakripisyo ang lahat pa...