Chapter 59

4.1K 272 28
                                    

Honeymoon na ba talaga ang kasunod? Malalaman😉😜😁
So, stay tuned.

Enjoy Reading mga bebeloves😘😘

PAMELA

Nasa sasakyan pa lang kami ay panay na ang lambing niya. Hindi ko nga alam kung paano niya pa nagagawang magmaneho sa panlalandi niya. Panay halik nito sa aking kamay sabay ilalagay niya ito sa tapat ng kanyang puso. Hindi niya ito binibitawan. At kung hihinto kami dahil sa traffic light---hahalikan niya ako sa aking labi.

Gusto kong maggalit galitan kaso natutunaw na ako sa pinapakita niya. Hindi naman na kasi ako galit sa kanya. Tampo na lang.

Nang makarating kami sa isang building. Napakunot talaga ang aking noo. Akala ko ba ihahatid niya ako. Nagtataka ko siyang tinignan.

"I just want you to see something, disaster ko. Huwag ka naman na magmatigas sa akin. Please..." pakiusap nito at hinalikan akong muli sa aking kamay at dumukwang ito para halikan ang aking labi.

"Panay panay na ang halik mo, ah. Porke't hindi ako umaangal. Aba!" Reklamo mo.

"Bakit? Ayaw mo bang hinahalikan kita?" Tanong nito na nakapagpatahimik sa akin at bumaling sa labas ng sasakyan. "Ayaw mo ba? Kasi kung ayaw mo---hindi ko na uulitin. Pangako."

"May sinabi ba ako?" Agad akong tumingin dito at umirap. "Wala naman, di ba?"

"Okay lang na hinahalikhalikan kita?" paninigurado niya ng nakangiti.

"Oo---este hindi pala. Slight lang. Siyempre asawa mo ako kaya may karapatan kang halikan ako. As if naman gusto ko." Pagsisinungaling ko.

Nyeta! Pinagkakanulo ko na talaga ang sarili ko. Nakita ko pa nga ang mas paglawak ng kanyang ngiti.

"So, tanggap mo na ang kasal natin?" Nanunuksong tanong niya.

"As if naman may magagawa pa ako? Pinikot mo ako that time. I have no idea that those documents are marriage contract. Malay ko ba sa mga nakasulat, eh, alien language ang naroroon. Tse!" Inirapan ko siya at inunahan ng bumaba sa sasakyan. Baka kasi mas ipagkanulo ko ang aking sarili kapag nagkataon. Grabe na ang pagkagat ko sa aking labi para supilin ang kilig ko.

Mahaba habang pagpapakipot eto kung sakali. Pero ang hirap talaga. Try niyong magpakipot tapos super lambing ng pinagpapakipotan niyo. Hay naku! Baka magulat na lang ako---ako na ang nanlalandi mamaya.

"Saan tayo?" Tanong ko ng makaikot ako sa tabi niya.

"Follow me, disaster ko. But you have to close your eyes first." Utos nito na ikinataas ko ng aking kilay.

"Eh, kung madapa ako? Ikaw ba ang mababangasan ng ilong o kaya naman ay magagasgasan ang tuhod? Aba! Demanding nito." Pagmamaldita ko.

"Andito naman ako, disaster ko. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. Not under my watch."

Sa sinabi nito ay bigla akong natisod. Buti na lang ay maagap siya. Naloloka na ata ako. Ang hirap talagang magpigil. Nadidisgrasya ako.

Hinayupak kasing lalake ito, kung ano ano nalang  ang pinagsasabi.

" Careful, disaster ko. Mamahalin pa kita habambuhay." Saad nito at hindi na nito binitawan ang pagkakaalalay niya sa akin.

My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon