Chapter 51

3K 225 20
                                    

PAMELA

Ilang araw na akong nakauwi mula ng ikasal si kamahalan ko. Ang lungkot ko na lang lagi. Parang hindi pa din ako makapaniwalang ikinasal na siya sa iba. Parang panaginip lang ang lahat.

Gaya ng dati---trabaho tapos diretso bahay na ako pagkatapos ng trabaho ko. At lagi ko ding nirerequest ang twenty-four hours duty o kaya naman ay higit pa. Gusto ko---okupado lagi ang isip ko ng gagawin dahil kung hindi, baka mag iiiyak lang ang gagawin ko.

Tila nawalan na ako ng gana sa lahat. Pati ang paglabas kasama ng mga kaibigan ko. Niyayaya nila ako pero lagi akong tumatanggi. Ang rason ko---ay ang duty ko. Alam kong napapansin na nila ang pagbabago ko, pero hindi ko magawang itago sa kanila na nasasaktan ako.

Lagi naman akong pinapasaya ni Asher pero hindi ko maramdaman ang saya. Kahit anong tawa ko---I always ending up crying, real hard. Ayoko mang umiyak sa harapan nila pero wala akong magawa. Kusang tumutulo ang luha sa aking mga mata. Pasalamat na lang ako na hindi pa nila ako kinukulit na magsalita. Hinihintay nilang kusa akong magkuwento sa nangyari. They don't want to pressure me. Nirerespeto nila ang desisyon ko.

Pasalampak akong naupo sa damuhan dito sa garden. Hindi ako dumiretso sa loob ng bahay. Gusto ko munang magpahangin at mag isip. Hindi naman mainit dahil dapit hapon na rin. Gusto ko na namang mapag isa.

Naalala ko ang katangahang ginawa ko bago naghiwalay ang landas namin ni Aiden. I begged for him to make love to me. Oo, nadala siya ng sitwasyon dahil inaakit ko siya that time. Sino ba naman ang hindi bibigay kung palay na mismo ang lumalapit sa manok? Wala, 'di ba?

But---Aiden stays who he is. Hindi niya grinab ang pagkakataon. Hindi nkya pinagsamantalahan ang kahinaan ko. Ginawa pa din nito ang tama. Ginawa pa din nito ang lagi niyang ginawa sa akin. He ended up stopping himself from doing what he wanted. Sabi nga nito, kahit gaano niya kagustong angkinin ako---hindi niya pwedeng gawin iyon. Malaki talaga ang respeto niya sa akin. He promised me that we'll do it after our  marriage. Pero ang sakit lang isipin na binigay niya ang apelyido niya sa iba at hindi sa akin. Gaya ng pinangako niya. He's a real gentleman, kaya mas minamahal ko siya ng sobra.

Napatingin ako sa aking tabi nang maramdaman ko ang paghiga ng iisang tao.

It's Ate Katherina.

"Alam mo bang ang hirap malayo sa mga taong mahal mo?" Tanong nito na ang mga mata ay nakatingin sa kalangitan. Agad akong tumango dahil naramdaman ko iyon ng umalis si Ate Katherina papunta dito sa Manila para magtrabaho at matustusan ang pangangailangan namin. Kailangan naming magtiis noon na hindi siya makita o makausap man lamang.

"Pero mas mahirap kapag nag iisa ka lang at wala kang karamay sa lahat." Napaiwas ako ng tingin ng bigla na lang itong tumagilid at tumingin sa gawi ko. She's right. Ang hirap nga, pero andiyan naman sila at mga kaibigan ko. Mas pinili ko nga lang na manahimik gaya ngayon. Ayoko kasing makaabala at mag alala pa sila sa akin. "At alam mo bang may naimbento akong joke para diyan. "

Napangiwi ako,  "ayan ka na naman sa joke joke  mo na 'yan ate." Bulalas ko, dahil ang huli nitong joke ay hindi namin naintindihan. Parang ginulo niya lang mas lalo  ang utak naming lahat. "Jusko! Sure ka diyan sa joke mo ate? Saka, hindi mo ba naalala na nangako sa aming lahat na last mo na iyon?" Pagpapaalala ko para kahit papaano ay hindi na niya isiwalat ang nalalaman niyang joke. Marami na akong iniisip at baka madagdagan pa kung sakali. I'm sure of it.

Nakita ko ang pagkunot ng noo nito at napakagat labi. Siguro naalala niya na din ang nangyari that time.

"Ay oo nga pala, noh. Huwag nalang pala baka magalit pa si mahal ko sa akin. Mahirap na." Tanggi nito at umupo bago nagseryoso ang kanyang mukha. Mabining katahimikan ang namagitan sa amin bago ito muking nagsalita. "Alam mo namang andito lang si Ate, di ba? At alam mo din na ayokong nakikita ko kayong ganyan? Nasasaktan ako ako ng sobra." Malungkot na saad niya.

My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon