My Destined III

7.7K 268 42
                                    

Please do follow me on my
IG - @Mizzy Rhonne
Fb- Mizzy Rhonne
Fb group- Bhebhe Love's Fam

See you there mga Bhebhe's😘😘😘

Enjoy Reading mga Bhebhe's

Pamela

"Ilabas mo 'yan gurla." Malungkot akong napatingin kay Asher nang hagurin nito ang aking likuran. I've been keeping quiet since the day the doctor announce the death of Inang. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko na hindi ko kayang maipaliwanag. I wanted to cry all my pain, pero hindi pupwede. Ayokong makita nila akong mahina. Kasandra needs us at ang pagiging mahina ay wala sa sistema ko ngayon.

"Kahit gusto ko ay hindi pu-pwede. Ayokong makita nila akong mahina." Nakatingin ako sa harapan at pinakatitigan ang puting himlayan ni Inang bago tumingin sa aking mga kapatid na nakayakap kay Kasandra. Ito kasi ang sobrang naapektuhan ngayon dahik siya ang bunso namin..

"Hindi pagiging mahina ang pag iyak Pam-pam." Hinawakan ni Jerremay ang aking kamay ko at pinisil ito. "Minsan, kailangan mo ding ilabas 'yan para kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan at sakit na nararamdaman mo."

"Andito lang kami for you. Umiyak ka nang umiyak hanggat gusto mo. Sumigaw at maglulupasay ka diyan, hinding hindi ka namin tatawanan. We know how you feel." Niyakap naman ako ni Elly at hinagod din ang aking likod bago nagsalita ulit na ikinangiti ko. "Saka na lang kami tatawa kapag ayos ka na." Binuntutan pa nito iyon ng mahinang tawa.

"Salamat for being here for me. Kung wala siguro kayo? Hindi ko na alam ang gagawin ko. I need to be strong for them." Kumalas sila ng yakap at nginitian ako pabalik.

"You're our sister in heart kaya alam mong lagi lang kaming andito para sa 'yo. No matter how hard or rough our roads to take always remember that we will always stick to each other no matter what. Tandaan mo 'yan." Hinaplos ni Asher ang mukha ko at napangiwi na lang ako nang bigla nalang nitong kinurot ang aking pisngi. .

"Ouchy naman gurla, eh." Nakangusong sambit ko habang hinaplos haplos ang parte ng kinurot nito.

"That's our gurla! Namiss namin ang pagnguso mo. The last time we've seen that, was way back weeks ago." Tama si Elly, simula kasi nang mahospital si Inang at magkasakit ay hindi na nila ako mabiro-biro. Lagi akong seryoso dahil sa pag aalalang nakalukob sa akin. Kahit ilang beses nilang subukan ay hindi nila nagawa. Lalo na ng tuluyan nang bawian ng buhay si Inang. That's the day I cried so hard that I almost past out. Buti na lang ay andiyan sila at nakaalalay lang sa akin.

"Alam niyo naman kung ano ang pinagdadaanan ko that time." Bumalik na naman ang lungkot sa aking mukha.

"We know, kaya nga until now ay nasa tabi mo pa rin kami lagi. Halos i-fire na ako ni kuya sa company namin dahil lagi daw akong absent. But, I know na hindi niya 'yon gagawin. Nang malaman  niya nga ang tungkol sa nangyari sa Inang mo? Halos ipagtabuyan ako sa opisina ko at puntahan na daw kita, see?." Tumatawang saad ni Diana at nagkibit balikat. "And he wanted to come pero sobrang busy siya. Hindi na ako magtataka kung bigla na lang 'yon tatawag at manghihingi ng direksiyon patungo dito." Napailing na lang ako sa sinabi ni Diana. Kuya Len is like a brother to me. Nagtapat ito sa akin pero sinabi kong kapatid lang ang turing ko sa kanya. Ayokong magpaasa ng isang taong alam ko naman na sa umpisa pa lang ay wala na talaga.

"I am really thankful na naging kaibigan ko kayo. From the very first day we met and until now. You are my family at alam niyong ganoon din si Inang sa inyo kaya alam ko namang masakit din ang pagkawala niya." Nakita ko ang paglungkot ng mga mukha nila at napabuntong hininga sabay sunod sunod silang naupo sa katabing upuan. Nakatingin silang tatlo sa harapan.

My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon