Chapter 56

3.5K 270 59
                                    

PAMELA

"Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan nito.

"A place where we can talk privately. Yung walang istorbo." Sagot nito.

Bakit tila wala lang sa kanya ang ginawa nitong paghalik sa akin kani-kanina lang. Samantalang sa akin---ramdam ko pa ang init ng aking mga pisngi at ramdam ko pa ang init ng kanyang halik sa aking mga labi.

Pulang pula ang aking pisngi kaya hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

Naiinis ako sa aking karupukan. Nyeta! Hindi man  lang ako nagmatigas kahit konti lang. Isang halik lang niya---nanalaytay na sa pagkababae ko ang karupukang taglay. Susme! Wala man lang pagmamatigas na nangyari. Epekto na ba ito na tigang na talaga ang labi ko sa halik niya?

Sheyt naman!

Pero mali pa din ang ginawa ko. May asawa siyang tao at dapat  lang na layuan ko na siya. Pero anong ginagawa ko?

"Magmomove on ka na, Pamela, 'di ba? Bakit ka pa sumama?" Tanong ng isip ko.

"Siyempre, kailangan niya ng closure." Sagot naman ng puso ko. Ayan na naman po sila sa pagtatalo.

"Closure? Anong closure, closure? Isang halik lang nga nagpakamarupok na. Paano kapag sinunggaban na siya? May closure pa bang magaganap? Eh, di naging kabit na siya ng tuluyan."

Nababaliw na ata ako. Tulungan niyo po ako Diyos ko. Naguguluhan na po ako sa dapat kong gawin.

" Stop the car. " Biglaang sambit ko. Tama ang puso ko. Kapag nagpatuloy pa ito baka tuluyan akong kumabit at ayokong mangyari iyon.

I have my reputation to protect. Kahit mahal na mahal ko pa rin siya---hindi ko hahayaan na maging kabit lang ako. I deserve someone who can love me at hindi ako gagawing kabit lang. Yung nag iisa lang ako sa buhay niya at kaya niya akong panindigan hanggang sa huli.

Hindi niya pa din itinigil ang sasakyan at patuloy lang ito sa pagda-drive. Sumisipol sipol pa nga ang loko. Nakakagago lang. Siya---parang ang saya tapos ako--binagsakan ng langit at lupa.

"Sabi ko ng itabi mo ang sasakyan sa gilid at bababa ako." Galit kong utos at tumingin dito.

"No. Walang bababa." Umiiling na sambit nito at ngumiti pa sa akin. Parang hindi siya nanuntok ng tao kanina sa awra niya. Ang saya ng loko.

"Anong walang bababa? Bababa ako! After what you've done to Tristan? He needs me now." Pangungulit ko. Muntik na akong mapasubsob ng bigla nalang niya itong itigil at sinamaan ako ng tingin.

"Pinagtatanggol mo ang lalakeng iyon kaysa sa kamahalan mo?" Inis na saad nito at matalim na tumingin sa aking gawi.

"Of course!" Nakipagtitigan ako dito at hindi ako nagpatalo.

"You're mine, Pamela. No one owns you except me. Noon at ngayon, hindi ka pagmamay ari ng iba. Tandaan mo iyan." He said and kissed me on my lips.

Nang iwan nito ang labi ko ay nakatulala na naman po ako sa hangin habang tinitignan ko siyang nagmanehong muli.

"Close your mouth, disaster ko. Baka pasukan ng  langaw." Tumatawang sambit nito na ikinasunod ko bigla at bumaling muli sa labas ng bintana. Wala akong mapapala sa pakikipagtalo sa kanya. Dinadaan niya ako sa halik halik niya.

Maybe, I'll talk to him and after that lalayasan ko na siya. Hindi ako pwedeng magtagal na kasama siya. Tukso siya sa buhay ko. Buti sana kung wala siyang asawa, kaso mayroon na.

Nanatili na lang akong tahimik. Ayoko na munang magsalita dahil useless din lang. Hindi niya din ako sasagutin ng maayos. He'll tease me even more.

My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon