Please do follow me on my
IG - @Mizzy Rhonne
Fb- Mizzy Rhonne
Fb group- Bhebhe Love's FamSee you there mga Bhebhe's😘😘😘
Please do follow Elf King Publishing House fb page for more infos sa pagsasalibro ni Katherina at Marco.
Thank you so so much😘Enjoy reading mga bhebhe's😘😘
DianaAlcantara042 SH3480
CaseyAlvaro3
Ayan na po😊😊 sorry dapat kahapon pa ito pero nabusy ako and madaming trabaho kaya ngayon lang. Bukas na lang po ulit yung pangalawang chapter. Thank you for understanding at paghihintay mga bhebhe's😘😘 Keep safe always😘😘Pamela
Sa pagkawala ni Inang ay halos hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Mas minamabuti kong magdouble shift na lang lagi. Wala na kasing sumasalubong sa akin kapag umuuwi ako ng bahay. At wala na ding nagluluto at naghahain sa akin. It's just giving me the feeling that I don't want to feel at 'yon ang iniiwasan ko.
Napabuntong hininga na lang ako habang papasakay ng aking kotse. Ayoko pang umuwi. Gusto kong magliwaliw muna. Pagod na ang katawan ko pero ang isip ko, nakatuon sa pag alala sa magagandang alaala namin ni Inang.
"Why is it this hard?" Tanong ko sa aking sarili at pinaandar ang aking sasakyan. Ang hirap talagang makalimot lalo na kung sobrang malaki ang parte nito sa buhay mo. "Kaya mo 'to, Pamela. Ayaw ni Inang na nagkakaganyan ka. Live your life the way it was. Isipin mo na lang na nandiyan lang si Inang at hindi siya nawala."
Habang nasa daan ay pilit kong isinasantabi ang masakit na pangyayaring pagkawala ni Inang. Imbes na maisantabi ko ay mas lalong umuukilkil sa aking isipan lalo na nung mapadaan ako sa isang parke at nakita ko ang mag iinang nakaupo sa medyo may kahabaang kumot na nilatag sa damuhan. Gawain kasi namin 'yan noong nabubuhay pa siya
Agad kong itinigil ang aking sasakyan at pinanood sila.
"Miss na miss na kita Inang..." bulong ko sa hangin habang nakatitig sa pamilyang masayang nagtatawanan. Ganyan din sana kami kasaya kung hindi lang namatay si Inang.
Napayuko ako sa manibela at hindi na naman napigilang hindi mapaiyak. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako ganito. Basta ang alam ko ay mahihirapan akong bumalik sa dati. Ibinuhos ko lahat ng nararamdaman kong lungkot sa pamamagitan ng pag iyak.
Nang mahimasmasan na ako, minabuti ko nang umalis sa lugar at naghanap na ng makakainan.
Buti na lang ay may malapit na fast food chain. Pagpasok ko ay agad akong nag order at inilibot ang aking paningin sa paligid. Ang daming tao at mahirap humanap ng mauupuan. Punuan kasi ang lugar.
Naglakad lakad ako habang sumusulyap sulyap sa paligid para humanap ng bakanteng upuan. Nang wala akong mahanap ay umakyat ako sa second floor at doon tumingin.
"Fuck!" galit na mura ng isang taong nabangga ko at natapon dito ang hawak hawak kong tray na may lamang spaghetti. Shit! What just happened? "Mag ingat ka naman, Miss. Don't roam around because this is not a park."
"I'm sorry..." yumuko na lang ako habang humihingi ng tawad dito. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakayuko pa din ako sa kahihiyan. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao dito.
"Ikaw na naman? " Agad akong napatigil sa pagluhod para pulutin ang natapong pagkain at tumingin dito. I was shocked. He's the hot guy with motorcycle at siya ang lalakeng natapunan ko ng kape sa coffee shop. Ano 'to? Tadhana na ba?
BINABASA MO ANG
My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]
RomanceFour Sisters Series #4 Pamela Macabagbag A well trained nurse from a private hospital. Dedicated siya sa trabaho niya. Mapagmahal na anak at kapatid. Paano kung dumating ang lalaking magpapatibok ng puso niya? Kaya niya bang isakripisyo ang lahat pa...