Pamela
Toxic ang araw ko ngayon. I've been on duty for twenty four hours at ang kailangan ko ngayon ay ang kama ko kasama ang malambot kong unan at si Azu.
"Gurla!"
"Ay palakang frog!" Nagulat talaga ako sa baklitang ito. Masama ko siyang tinignan nang marinig ko pa ang malakas nitong pagtawa. "Aba! At anong nakakatawa?" Tinaasan ko na siya ng kilay.
"Tinawag lang kita pero sobrang gulat mo na. Lutang is real ba? Saka pinagsama mo lang ang english at tagalog ng frog. Sana sinabi mo na lang na," putol nito at nagpacute saka itinaas ang kamay. Parang alam ko na ang susunod nitong sasabihin. Binigyan ko siya ng mentos na kendi.
"Oh ayan, lunukin mo at baka magkatotoong maging si Darna ka." Pairap kong saad pero nangingiti na.
"Ay! Dynasty kang gurla ka! Basagan ng trip ang peg mo? Hindi mo man lang sinakyan. Kalurkey ka!" Flinip nito ang hair niya bago umupo sa aking tabi.
"Ano bang kailangan mo at andito ka? Day off mo 'di ba?" Tanong ko dito at pinagpatuloy na ang ginagawa ko.
"Sama ka?" Napatingin ulit ako sa kanya.
"Where to?"
"Diyan lang sa tabi-tabi. Kain kain tapos konting bar hopping with Elly at Jerremay." Nangalumbaba ito sa mesang pinagsusulatan ko. They are my best of friends. Lalo na itong lalakeng ito sa tabi ko na nagkakatawang babae. "Joining ka?"
Nag isip muna ako kung sasama ba ako o hindi, kasi parang gusto kong umuwi na lang at humilata sa aking kama at yakapin si Azu.
"I know that look. Elly and Jerremay knows that we were going. Alam mo kung paano magtampo ang dalawang 'yon." Umiling ako bigla sa pananakot nito. Kapag alam na kasi nilang tagilid ang desisyon ko ay tinatakot na nila ako. My friends are my weakness maliban sa mga kapatid ko.
"Do I still have a choice? Kahit tumangi naman ako, alam naman nating hindi kayo papayag na hindi ako sumama." Busy pa din ako sa sinusulat kong chart at hindi man lang ito tinitignan.
"No choices. It's always a yes, and take note, we already told Ate Katherina. She already said yes bago ka pa namin sinabihan." Napailing iling na lang akong nagsusulat dahil sa sinasabi nito. As usual, nagpapaalam muna sila kay ate bago nila ako sabihan. Alam kasi nilang magpapalusot na naman ako kaya nanigurado na ang bruho.
"Hmmp! Layas na at madami pa akong gagawin." Pagpapalayas ko dito at mahinang itinulak ang mukha nitong nakapangalumbaba malapit sa aking mukha.
"Aray naman gurla. Sakit mo namang makatulak. And for your info, wala ka na pong gagawin dahil nagsasign ka na lang diyan. Patapos na shift mo kaya manahimik ka. Sinakto ko talagang malapit ka ng mag out para hindi na nakakairitang maghintay sa 'yo." Matamis itong ngumiti sa akin at iniipit ang buhok nito sa kanyang tenga.
"Walang wala talaga akong takas sa inyo. Sige na, wait for me at the lobby. Iaayos ko lang ito then out na ako." Tumayo na ako sa kinauupuan ko at inumpisahang ayusin ang mga tinapos kong charts.
"Sabay na tayong bumababa ng lobby." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya at nginisihan ito.
"Bakit? Wala ka namang gagawin dito saka baka makita ka ng head nurse at pagalitan ka dito."
"Hindi 'yan. Malakas kaya ako kay Nurse Dina, hindi 'yon magagalit. Saglit ka lang naman na, eh." Hindi man lang ito tumayo sa kinauupuan niya. Nakita kong hindi mapakali ang mata niya, lingon ito nang lingon sa kung saan na para bang may hinahanap ito. Tama nga ang hinala ko dahil iisa lang naman ang lagi nitong sinusulyapan kapag malapit na ang out namin.
"Susko! Ayaw bumaba kasi hindi niya pa nakikita 'yong lalakeng nagpapa init ng dede niya, este dibdib pala." Sinabayan ko pa nang tawa ang sinabi ko. "Ay, naalala ko pala, wala ka palang dede." Panay ang tawa ko na ikinairap niya.
"Eh di, ikaw na ang malaking boobs. Porke't may boobs, harap harapan nang manlait. Atleast, ako may pinagnanasaang lalake sa buhay. Hindi katulad ng kilala ko diyan. Dinaig pa ang tomboy. Madami namang nanliligaw pero basted lahat. Kilala mo ba kung sino 'yon? Parang si letter P ata 'yon?"
Ako naman ang napairap sa sinabi niya.
"Namemersonal ka na ata?"
"Nauna ka kayang mamersonal kaya binalik ko lang s a'yo para kwits." Kinindatan niya pa ako na ikinatawa ko na lang. Wala ka talagang panalo sa baklitang ito. Napangisi ulit ako ng makita ko ang pinagpapatasyahan niyang doctor.
"Eheemmm... Tulaley na naman ang peg niya. Laway niyo, natulo na." Tumatawang bulong ko dito at sinara pa ang bibig nitong nakanganga talaga. Kapag nakikita na niya si Doc ay hindi na ito naimik at para bang wala na sa katinuan. Tinamaan talaga ng pana ni kupido ang baklitang ito.
Nang makalapit si Doc at ngumiti sa amin ay napangiti din ako at kinurot sa tagiliran si Asher.
"Good evening, ladies." Hindi kasi lingid sa kaalaman ng lahat ang kasarian ni Asher. Tanggap siya kung sino man siya. Mas marami pa ngang naghahanap sa kanyang pasyente kaysa sa mga naggagandahang nurse dito sa hospital. He's funny, may sense of humor at marunong magcomfort ng taong nawawalan ng pag asa. Kaya maraming bumabalik dito sa hospital na hinahanap siya to give him gifts.
Napabalik ako sa huwisyo ko nang tumikhim si Doc.
"Ahm, good evening din po doc. Kumusta na po si Lalaine?" Tanong ko, wala kasi akong ibang masabi dahil ang daldalera kong kasama, eh, natuod na ata at hindi na nagsalita pa.
"She's recovering fast. Maybe a week or two ay makakalabas na sia from ICU. She's doing a great job. Lalo na 'yong nurse niya." Nakangiti itong tumingin kay Asher na halos hindi mo na maintindihn ang hitsura. Hindi din lingid sa doctor ang pagkagusto nito sa kanya. "What do you think, nurse Asher?"
Natawa ako nang makita ko ang reaksiyon niya. Pinapaypayan ang sarili gamit ang dalawa nitong kamay at napabuga pa ng hangin bago sumagot nang pautal utal.
"A, eh, ih, tha-t's tru-e-" wala na itong madugtong na salita at tila nabitin na lahat at nakatutok na lang ito sa mukha ni Doc. Siniko ko siya at tinignan ng may pang aasar bago tinuloy ang sinasabi ni Asher.
'Siyempre naman doc, magaling din ang dokt or niya. Pagpasensiyahan niyo na po si Nurse Asher, medyo lutang po siya for now at mamaya pa po babalik ang katinuan niya. Magpapaalam na po kami dahil out ko na po at andiyan na po ang kapalit ko. Have a nice evening doc."
Nakangiting tumango ito at inilapag ang chart na hawak nito bago kinuha ang nakahilerang chart na isusunod nitong titignan.
"Okay, you two take care." Siniko ko si Asher para matauhan bago ngumiti kay Doc.
"Kayo din po, doc. Mauuna na po kami." Tumango si Doc at nauna nang tumalikod papunta sa isang kuwarto na titignan nito.
Natawa ako nang pagtingin ko kay Asher ay tulaley pa ding nakatingin sa pinasukan ni Doc.
"Laway mo, natulo na. Kadiri ka." Pinunasan ko pa talaga ang baba ng labi nito na kunwari ay may laway nga kahit wala naman.
"Panira to!" Hinampas niya ako nang mahina at inirapan ako. Hanep na baklitang itech!
"Anong panira ka diyan?" Tumatawang tanong ko dito na mas ikinairap nito. "Kung sana 'yang kadaldalan mo, nagagamit mo kapag nasa harap mo si Papa Doc mo, eh 'di sana baka may jowables ka na. Lalandi landi kasi, kapag kaharap naman parang naistroke na hindi na makagalaw at ang masaklap pa buka pa ang bibig na naghihintay ng langaw na papasok. Kaso pati langaw ayaw pumasok sa bunganga mo."
Ang sama nang tingin nito sa akin kaya nagpeace sign agad ako at nagmadaling lumabas ng nurse station.
"Pam-pam!" Napatingin pa ako sandali kay Asher na nagmamaktol.
"Hinatyin mo na lang ako sa kotse." Kumakaway kong sambit na ikinanguso nito. Napailing iling na lang ang kapalitan ko sa nakita nito. "Nguso mo! Baka mas humaba! Mas lalo kang babastedin ni Papa Doc mo! I love you!"
Natawa ulit ako nang makita kong lumaki ang mga mata nito na akmang hahabulin ako pero patakbo na akong lumayas at pumunta ng locker room ko.
BINABASA MO ANG
My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]
RomanceFour Sisters Series #4 Pamela Macabagbag A well trained nurse from a private hospital. Dedicated siya sa trabaho niya. Mapagmahal na anak at kapatid. Paano kung dumating ang lalaking magpapatibok ng puso niya? Kaya niya bang isakripisyo ang lahat pa...