Please do follow me on my
IG - @Mizzy Rhonne
Fb- Mizzy Rhonne
Fb group- Bhebhe Love's FamSee you there mga Bhebhe's😘😘😘
Please do follow Elf King Publishing House fb page for more infos sa pagsasalibro ni Katherina at Marco.
Thank you so so much😘Enjoy reading mga bhebhe's😘😘
Pamela
Habang pinagmamasdan ko ang pababang himalayan ni Inang ay hindi ko mapigilan ang sarili kong huwag mapahagulgol. Masakit isiping wala na talaga siya. Parang panaginip lang ang lahat ng ito. Araw araw kong pinapanalangin na sana'y magising na ako.
"Inang," mahinang usal ko sa pangalan ni Inang habang hindi maampat ang luha sa aking mga mata. Naramdaman ko na lang ang pagyakap ni Isabela sa akin habang umiiyak din.
"Be strong, Ate, ayoko mang maging mahina pero hindi ko kayang maging matapang. Mahirap tanggapin ang pagkawala ni Inang. Para akong pinapatay sa sakit." Niyakap ko ito nang mahigpit. Alam ko ang nararamdaman niya dahil ganoon din ang pakiramdam ko.
"Malalagpasan din natin ito, Isabela. Ayaw ni Inang na nakikita tayong ganito pero masakit, eh. Hindi ko din kayang maging matapang." Ibinuhos ko lahat ng luha ko habang yakap-yakap ko ito nang mahigpit. "Hindi ko alam kung paano ko ito tatanggapin."
"Ako din ate, ang hirap. Pinapanalangin ko, na sana ay panaginip na lang ang lahat. " Parehas pala kami nang ipinapanalangin. "Mahal na mahal ko si Inang at hindi ko alam kung paano ako magigising nang wala na siya sa tabi natin."
Nanatili lang kaming magkayakap habang umiiyak. Mas naiiyak na naman ako nang maramdaman ko ang pagyakap din ni Ate Katherina at Kasandra mula sa aking likuran. Bakit ba napakasakit?
"Ayaw ni Inang na ganito tayo pero anong magagawa ko? Alam kong sobrang sakit din sa inyo ito. Pinipilit ko ding magpakatatag para sa ating apat pero hindi ko din kaya. Kailangan din ni Ate ng yakap niyo." Mararamdaman mo ang paghihirap sa boses ni Ate Katherina. Sino ba naman ang kayang magpakatapang kung nawalan na ng pinakamamahal.
" Alam nating pare-parehas na malaking kawalan si Inang sa buhay natin. Ang hirap tanggapin, Ate Katherina. Sobrang hirap,para akong hinihiwa ng isang milyong kutsilyo sa puso ko." Nahihirapan ding sabi ni Kasandra at mas napahagulgol din ito nang iyak.
Sa aming apat, ito ang alam kong pinaka naaapektuhan nang lubos. Napabitaw na lang kami nang bigla nalang napadausdos si Kasandda pababa.
"God! Anong nangyayari sa 'yo? Kasandra!" Nagsimula nang magpanic ang buong katawan ko. Lahat na ng tao sa paligid ay nag aalala na din sa nakikita nila.
"Hindi ko kaya mga ate. Sama na lang ako kay Inang." Ang huling sinabi niya ang nakapagpalamig sa buo kong katawan.
"Huwag kang magbibiro nang ganyan, Kasandra." Mas lalong napaiyak si Ate Katherina habang yakap yakap nito si Kasandra at pilit na itinatayo kasama namin.
Mabilis namin itong pinaupo sa upuan at pinaypayan. Kahit puno ng luha ang aming mga mata ay hindi namin hinayaang pumikit si Kasandra.
" Ate, hirap na hirap na ako. Gusto kong mayakap si Inang. Hayaan niyo na ako sa kanya." Mas lumakas ang iyak namin lalo na si Ate Katherina na nakayakap nang napakahigpit kay Kasandra.
"Lumaban ka naman, Kasandra. Andito pa ang mga ate, please huwag mo naman kaming ganyanin." Nagmamakaawang sambit ni Ate Katherina at hinalikan ito sa kanyang noo.
"Pakatatag ka bunsoy, please. Masakit din ito sa amin pero kailangan nating magpakatatag. Andito pa kami at hinding hindi ka namin iiwan. Please, bunsoy lumaban ka naman." Pakiusap ko din dito habang panay tulo ang aking mga luha.
BINABASA MO ANG
My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]
RomanceFour Sisters Series #4 Pamela Macabagbag A well trained nurse from a private hospital. Dedicated siya sa trabaho niya. Mapagmahal na anak at kapatid. Paano kung dumating ang lalaking magpapatibok ng puso niya? Kaya niya bang isakripisyo ang lahat pa...